finding Helena

0 0 0
                                    

Halos limang buwan na magmula ng manirahan si helena sa bulacan,kapiling ang pamilya ng kapatid ni lorie na si sonny. Madalas niyang makasama ito sa pinasukang trabaho bilang service crew dahil manager ng foodhouse na pinasukan niya si sonny.

"Oh,hello ate..napatawag ka?" wika ni sonny isang umaga habang nakaupo sa kanyang tanggapan katabi ang cashier/server na si helena na abala sa pakikipag usap sa nakapilang costumers.

"...si helena? Ayos lang siya ate.. Mukhang nag eenjoy naman siya sa ginagawa niya. " patuloy nito sa pakikipag usap. Sinenyasan pa nito si helena kung nais makausap si lorie subalit tumanggi ito at dinahilang busy siya. Sumenyas na lamang si helena na ikamusta siya.

"...busy si helena ate,pero kinakamusta niya kayo riyan.. O sige,sasabihin ko...sige,salamat,kayo rin diyan.." at inioff na nito ang phone at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang pagkuwenta ng mga nakaraang benta at magcheck na rin ng kulang at sobra sa storage room na nasa itaas ng kanilang foodhouse.

"Helena, pagkatapos mo riyan ay mananghalian ka muna ah,pasado alas dose na pala,hayaan mong palitan ka muna ni ems. "Wika nito bago tuluyang tumungo sa storage room. Si ems ay isa sa staff ng food house at isa sa naging close friend niya katulad ni happy sa modeling industry.

"Sige po kuya,salamat." nakangiti niyang sabi rito at saka sinenyasan si ems na kalalabas lang ng kitchen para simulan siyang palitan. Malawak ang kitchen nila,kasali na kasi roon ang kainan ng ilang staff good for two nga lang upang hindi maabala ang chief cook ng food house na halos kaedad lamang niya,si kuya pol kung tawagin ng mga nakababatang service crew.

"Hinay hinay lang sa pagkain friend huh, baka maimpatso ka na naman.. " wikang biro ni ems kay helena. Noong bago pa lang kasi siya medyo nataranta siya na umabot sa point na minadali ang pagkain dahil dumadagsa na ang customer, di pa niya alam na pwede pala makipag swap kay ems na isa ding tulad niyang kahera / server. Sumaludo lang siya dito at nagiwan ng matamis na ngiti bago kinuha ang bag na pinaglalagyan niya ng baong pananghalian saka pumasok sa kitchen.

"Good day sir,welcome to happy meal food house.. Ano po ang order nila? " magalang na sabi ni ems sa kadarating lamang na costumer,.

"Ah,hindi ako oorder,may itatanong lang ako kung may nagtatrabaho ba ritong helena garcia ang pangalan?" tanong ng lalaking nakasuot ng black leather jacket at may hawak na helmet sa kanang kamay, mukha siyang rider kung pagmamasdan and maybe he is really a rider base na din sa nakapark na motor sa tapat ng kanilang food house.
"I'm sorry sir pero hindi po required sa amin ang magbigay ng info.. Ask ninyo na lang po ang manager namin,ayun po siya,kabababa lang ng hagdan." wika ni ems sabay turo sa lalaking naka blue polo at black slacks at may hawak na folder.

Nilapitan ito ng lalaking nagtanong at nagkataon naman na katatapos pa lang ni helena na kumain at pabalik na ito sa counter area.

" oh! Ang bilis mo naman! Minadali mo na naman ang pagkain mo ano?" nakahalukipkip na tanong ni ems at nakataas pa ang isang kilay.

"Hindi ah! Kaunti lang binaon ko talaga,yung madali lang ubusin at madaling tunawin,. Sino pala yung kausap ni kuya sonny?" tanong niya nang mapagawi ang tingin niya sa lalaking nakatalikod sa counter. Pero kilala niya ang tindig noon,nang kanyang pagmasdang maigi ay binalot siya ng kaba at pag aalala,

Hindi!imposibleng masundan niya ako rito!

"Ikaw ang hinahanap niyan,di ko lang sinabi kasi bawal sa'tin magbigay ng info diba?"

Nakahinga siya ng maluwag subalit nang makita niyang papalingon ang lalaki sa counter ay agad siyang nagdahilan kay ems na nababanyo kaya mabilis niyang tinungo ang cr na katabi lang ng counter.

My Boyish BabeWhere stories live. Discover now