the past

1 0 0
                                    

"Andrei..it's been five years since you left us,pero sorry to say my twin brother,. I still did'nt know where to find her,para mapaabot ko ang paghingi mo ng tawad sa kanya.." may lungkot na turan ni tiffany habang minamasdan ang larawan ng kakambal na nakapatong sa puntod nito sa loob ng kanilang museleo.

Five years ago nang kitilin ng kanyang kakambal ang sariling buhay dahil sa sobrang depresyon.

Walang araw na hindi niya pinalampas na hindi dalawin ang kakambal at hingan ito ng pasensiya,sapagkat sa huling sulat na iniwan nito ay ibinilin nito sa kaniya na kung maari ay ihingi siya ng tawad sa babaeng niloko niya at pinasakitan sa kabila ng pagmamahal na iniukol nito sa kanya.

Subalit magpa hanggang sa ngayon ay wala siyang alam kung saan ito hahanapin.

At aminado si tiffany na kung sakaling makaharap niya ang dating nobya ng kakambal at naging kaibigan din niya ng ilang taon, ay hindi niya sigurado kung masasabi ba niya dito ang lahat.

Matapos na makapag-usal ng panalangin ay umalis na ito upang surpresang dalawin ang nobyo at kuya na nakabase ang office sa laguna.

Sakay ng kanyang grey civic tinahak niya ang bayan ng laguna.

Nasa kalagitnaan na siya ng laguna nang makaramdam ng gutom, hindi naman siya maselan gaya ng ibang may kaya sa buhay. Minsan na siyang naayang kumain ng dating nobya ng kanyang kakambal sa ganitong klase ng kainan. Natatawa na lang siya kapag naaalala ang tagpong iyon.

Nasa tapat na siya ng karinderia at tumitingin ng gustong kainin nang lapitan siya ng isang lalaking nasa mid 30's at may katangkaran.
Pamilyar sa kanya ang hitsura nito subalit hindi niya maalala kung saan niya nakita.

"Good morning ma'am,ano pong order ninyo?" tanong ng lalaki sa kanya.

Ibinaling na lamang niya sa mga lagayan ng ulam ang focus kaysa isipin kung saan niya nakita ang taong kaharap ngayon.

"Eto na lang..at isang sukat ng kanin." sabi niya sabay turo sa napiling ulam  na beef stake.

Saka humanap ng mesang makakainan.

Marami rami din ang kumakain,ang karamihan ay mga estudyanteng nag aaral sa malapit na mataas na paaralan ng laguna.

Habang hinintay ang order ay inabutan siya ng isang baso at pitsel na may lamang tubig ng babaeng buntis na tila kaedad lamang niya. Marahil asawa ng lalaking nagtanong sa kanya.

Maya maya ay dumating na rin ang order niya.

Habang kumakain ay nagmamasid ang kanyang mga mata, at hindi nakaligtas sa paningin niya ang isang car shop sa tapat ng kinakainan niyang karinderia.

Mabuti at may car shop sa tapat,ipapacheck ko na rin ang kotse ko after kumain.

Magana siyang kumain nang bigla siyang nasamid nang may makitang pamilyar na tao sa car shop.

Helena?

Dagli siyang nilapitan ng babaeng buntis.

"Miss,ayos lang kayo?" tanong nito habang nauubo ubo pa siya dahil sa pagkasamid dahil sa nainom na tubig, tila pumasok sa ilong niya ang iniinom.

"O-okey lang.. Ah..eto bayad ko.." mabilis na inilapag niya ang limang daan sa mesa at agad na tumalilis.

"Ma'am! Sukli ninyo po!" sigaw ng lalaki sa kanya.

Pero sinagot niya ito ng keep the change at saka pinaharurot ang kotse pabalik kung saan ito galing.

Napapakamot na lang na iniligpit ng lalaki ang pinagkainan ng costumer niya at nagtataka silang mag asawa sa biglang asal nito.

My Boyish BabeWhere stories live. Discover now