dream came true

0 0 0
                                    

"Damn it!! Napakasimpleng instructions di mo masundan!?" Isang malakas na bulyaw ang narinig ni Tiffany nang Isang Umaga ay mapag isipan niyang dalawin at kamustahin ang kanyang kuya Jacob.

Excited siyang ikwento rito ang balitang nasagap niya mula sa nobyong si Enrico.

Nagtataka siyang mabilis na lumapit sa opisina ng kapatid.

Akma na sana niyang hahawakan ang door knob, nang iluwa ng pintuan na iyon ang isang dalagang nasa mid 20's lang, umiiyak.

Kilala niya ang dalaga,isa Yun sa mga models nila.

"Happy? Why? What happen?" Nag aalala niyang tanong.

"Kayo po pala, Miss Tiffany.. " wika nito na may kasama pang paghikbi.

"Anong nangyare? Napagalitan ka ba ni kuya?"

Tumango lang Ito at muling humagulhol.

Tiffany gave her a hug and tap her back.

"Kung anuman ang issue,hayaan mong kausapin ko si kuya.. pagpasensiyahan mo na lang muna siya, he just had a hard time.."

"Us neither ,.. we also sacrifice everything just to please him.." sentimyento ni happy.

"...sorry to say this, Miss..but ever since Helena's gone, bigla na lang naging grumpy si boss Jacob.. konting pagkakamali namin,nakaangil agad siya.. I mean,we all know how strict he is,but not like these past few months, nakaka degrading na kasi miss!
We do our very best Miss.. Pero kung itatrato niya kami na ganito, mabuti pa nga na umalis na rin kami gaya ni Helena." May pagbabantang wika ni happy.

"Calm down,bumalik ka muna sa penthouse.. kakausapin ko muna si kuya..".

Napapailing na sinundan nito ng tingin ang dalaga.
At naiiritang pumasok sa opisina ng kapatid.

Nasinghalan pa siya ni Jacob sa pag aakalang bumalik si happy.

"Do i---oh.. ikaw pla tiff.." biglang naglower voice Ito.

"Yes. The one and only.." kampante itong naupo sa sofa na nasa gilid lang ng table ni Jacob.

"What brings you here?" Walang ganang tanong ni Jacob habang ang mga mata ay nakatutok sa nakabukas na laptop sa kanyang harapan.

"Hanggang kailan mo gagawin Ito kuya?" Simpleng tanong ni Tiffany sa kapatid.

Kunot ang noong napatingin Ito sa kanya.

Nagtatakang sinuri ang kapatid kung ano ang pinupunto nito.

Until,

Maisip niya na baka nasalubong nito si happy at nagsumbong. O baka si Barbie,na minsan na din niyang nasinghalan.

"Kung nagpunta ka dito para iparating sakin ang mga tantrums ng empleyado natin, you just wasting your time Tiffany. You know how strict I am!" Wika nitong may panindigan.

Tumayo si Tiffany, walang ibang sinabi, humarap sa kapatid at tumingin dito na tila ba may nais siyang sabihin.

"Actually,I just came here without prior notice,to give you this. And I hope,. After mo marinig ang USB na yan, bumalik na ang dating kuya Jacob na kinilala ng ating mga empleyado.." wika nito matapos ilapag sa mismong palad ni Jacob na inabot niya kanina ang dala niyang USB.

Saka siya walang paalam na umalis.

Umaasang magbabago ang lahat oras na madinig iyon ng kanyang kuya.

Naiwan naman si Jacob na nagtataka.

Iniisip kung papakinggan ba niya ang hawak na USB o hindi .

Wala siyang panahon sa mga pranks..

Imbes na pakinggan..

Inilagay na lang muna niya sa bulsa ng pantalon niya iyon at ipinagpatuloy ang trabaho.






















"Pakinggan mo Sana kuya... Alam kong ikatutuwa mo iyan oras na mapakinggan mo..it's about Helena.." wika ni Tiffany habang tinitipa sa kanyang phone ang tungkol sa USB.

Pero...

Agad din niyang binura at di na isinend pa nang maalala ang bilin ng nobyo na huwag na muna manghimasok.

Na hayaan na munang ang tadhana ang gumawa ng way para sa kanila.

Tama na ang pinagbigyan siya ng nobyo na muling ulitin ang kwento at irecord Ito.

Napapangiting pinaandar na nito ang kanyang sedan upang makakwentuhan naman ang kanilang ina.
























































Sobrang late na nang makauwe si Jacob,Gaya ng dati,larawan ni Helena na nakawall paper sa kanyang phone ang kanyang tinitingnan,..

"Helena...Hanggang kailan mo ba ko pahihirapan? Bakit ba di ko magawang bitawan ka? Ano ba ang dapat Kong patunayan sayo para maramdaman mong iba ako Kay André?" Naluluha niyang Sabi habang nakahiga sa kama at hawak ang phone.

Bumaling siya sa Kanan, bahagya siyang uminda nang maipit at maramdaman Niya ang nkaumbok sa kanyang bulsa, bumangon siya at kinuha ang nasa bulsa,.

Ang USB.

Walang sabi-sabi ay isinalpak niya Ito sa kanyang bluetooth device at pinakinggan..

(Hon,pwede mo bang ulitin ang sinabi mo Sakin kanina lang.. gusto Kong iparinig Kay kuya..)

"Boses ni Tiffany Ito ah..."

Muli siyang nakinig..

(Fine..but after this.. let the destiny do what is destined okay? Labas ka na dito..)

(Promise!)

Maigi niyang pinakinggan ang revelations ni Enrico.

Hindi siya makapaniwala.
Naluluha siya sa tuwa.
Para bang nais niyang magtatatalon sa sobrang tuwa..

Subalit,.tila ba bigla ay di siya nakumbinsing pakinggan iyon.

At kahit dis oras na ng Gabi ay umalis Ito ng bahay,.

Gusto niyang madinig mismo Kay Helena ang totoo.

Na hindi siya ginugudtime lang ng dalawa sa kanilang kwentuhan..

Ilang buwan na din siyang umaasa at malapit na din siyang bumitaw.

Nais niyang magkaroon ng pag asa!

Habang tinatahak ang Daan patungo ng Laguna from Makati, ay nagsoundtrip pa siya.. natawa pa siya nang ang tugtog sa radyo ay related sa nararamdaman niya..

He follows the song by humming every lyrics..

"Helena...I love you.."

"Dream come true sa akin Ito kung totoo ang mga narinig ko.."

My Boyish BabeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora