face your fear

2 0 0
                                    

Jacob's pov

Mula ng malaman ko ang nakaraan ni helena,mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na minamahal ko nga siya,hindi dahil sa awa because of my brother's fault, but because, i really do love her,unconditionally.

Kaya heto ako ngayon, patungo ng laguna upang kausapin ang relatives ni helena, alam kong higit pa sa sakit ng katawan ang aabutin ko,but i don't mind, kung makukuha ko naman muli si helena na bumalik sa akin.

Galing na ako sa bulacan, wala man akong matinong nakuha na info sa mga napagtanungan ko,but i know,maipapasa naman ng nakausap kong manager ang gusto kong iparating kay helena.

Here it goes, andito na ako sa tapat ng bahay ng mga garcia..

(Knock!knock!)

Pinagbuksan ako ng pinto ni ate lorie, tanda ko ang ngalan niya dahil magiliw siyang kausap noong nainvite ako sa binyag ng baby ni ernesto.

Halata sa mukha niya ang gulat,hindi ko lang sure kung dahil ba sa get up ko na rider image,malayo sa executive attire ko,o dahil gabi na ay nagtungo pa ako dito sa kanila?

"S-sir jacob.. A-ano pong sadya ninyo? Ay! Pasok po pala kayo—" naputol ang pagsasabi niya sa akin nang may isang baritonong boses ng lalaki ang sumingit.

Si kuya ramon.

"Oh! Ikaw pala yan,jacob! Pasok ka! lorie,ipagtimpla mo nga kami ng kape, o gusto mo ba mag one on one tayo?" nakangisi niyang tugon sa akin na ang ibig niyang sabihin maybe sa one on one ay mag iinuman kami. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"Thank you na lang po,. May sasabihin lang po ako kaya napapunta ako dito ng alanganing oras,pasensya na po kayo..." wika ko na may pag galang.

Bakas sa mukha ni kuya ramon ang pagtataka habang hindi naman maipinta ang mukha ni ate lorie na kababakasan ng pag aalala, marahil ay may ideya na siya sa pakay ko.

"Kuya,.. Gusto ko po sanang ligawan si helena—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla na lang tumawa ng malakas si kuya ramon, sabay inakbayan ako.

"Walang problema sa'kin! Sige lang! " wika niya sabay tawa muli.

Subalit nawala bigla ang tawa niya nang banggitin ko na kung sino talaga ako.

"....ako po si jacob, ang kuya ni andrei mendez.." alanganin kong sabi.

"S-sino ka ika mo?" bakas sa mukha ni kuya ramon ang pagkagulat,at napatayo pa siya sa sofang kinauupuan naming dalawa sa kanilang salas, namumula siya sa galit na pilit pinauulit sakin ang sinabi ko, habang pilit naman siyang pinakakalma ni ate lorie.

Magsasalita pa sana ako upang magpaliwanag ay isang malakas na suntok ng kamao na ang dumapo sa mukha ko,subalit hindi ako nagpatinag.

Patutunayan kong deserve ko ang lahat ng ito para kay helena.

"Ramon,huminahon ka muna at pakinggan si sir jacob,sige na naman,.. Saka baka marinig ka ng mga bata kapag nag eskandalo ka! " pilit na pakiusap ni ate lorie sa nagpupuyos sa galit na si kuya ramon.

Tinulungan ako ni ate lorie na makaupo ng maayos sa sofa,at nagpaalam na kukuha lamang ng ice pack sa kusina. Habang si kuya ramon naman ay pilit na pinakakalma ang sarili at para siguro,maintindihan at maabsorb ng utak niya ang paliwanag ko.

"Simulan mo na!" wika niya sakin sa matigas na utos.

"Hindi ko po alam ang lahat ng tungkol sa pinagdaanan nina helena at andrei, until nagconfess sa akin ang mom ko at sister ko,.. I was in coma for almost two years, and i'm in the states when that happen,. Even my brother's death i did'nt know, my eyes are totally blind due to accident,and i need a new cornea to be able to see again.

My Boyish BabeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz