Walang paglagyan ang tuwa ni jacob sa pag asang iniwan ni helena sa kanya. Ganado siyang magtrabaho na kahit ang kanyang mga empleyado ay napansin ang pagiging energetic,lively and positive ng kanilang boss.
"Well,well,well..mukhang good mood ka brother!" Masayang bati ni Enrico isang umagang dalawin niya ito sa tanggapan nito. Kasalukuyan itong may kausap sa phone at kabababa lang ng siya ay pumasok.
"Ikaw pala! You're absolutely right brother.. im totally in a good mood! " wika ni jacob sabay tawag sa kanyang secretary at nagpapapasok ng alak at dalawang baso.
After a few minutes,
"Come on bro..cheers!" Sabi ni jacob sabay kampay ng hawak nitong isang baso ng brandy.
"What is this all about ba? Don't tell me na sinagot ka na ni helena?!" Nagtatakang tanong ni enrico sabay tikim sa hawak na basong may alak.
"Not for now..but i know.. malapit na!" Masaya at matipid nitong sagot sa kaibigan.
******************
Hindi lilipas ang isang araw na hindi nakakatanggap ng regalo o bugkos ng bulaklak si helena mula sa masugid nitong manliligaw na si jacob. Tinatanggap naman niya bawat ipadala nito.. pero sa usapang dalaw ay pinapanindigan talaga niyang hindi anyayahan ang sarili. Kung ano ang salitang binitiwan niya ay siyang kanyang pinapanindigan. Kahit pa minsan ay dumadalaw si jacob sa kanya. Isa pa, gusto niyang magfocus sa bagong larangang pinasok niya.Ang maging isang preschool teacher.
Minsan din niyang sinubukan ito,dangan nga lang ay naging bulag siya sa pag ibig at naudyok ng ibang subukan ang pagiging modelo dahil sa ganda at tangkad na mayroon xa.
The rest are history.
Hindi pa naman huli ang lahat.
Tama na muna ang love life.
Isang araw ng linggo habang abala siyang nagsusulat ng kanyang thesis report sa kanyang laptop,nadinig niya ang isang mahinahong tawag mula sa labas ng kaniyang kwarto.
Binuksan niya ito.
"Oh! Ate lory,bakit?"
"Iwanan mo muna yang ginagawa mo at naririto si jacob"
Napataas siya ng kilay.
"Na naman? Pakisabi next time na lang siya pumunta..." sabay sara ng pintuan.
Naiiling na sinunod nito ang hipag.
Halos magdadalawang buwan na din simula noong magpaalam ang binata na manliligaw at manunuyo sa dalaga.
Pero ni minsan ay di niya ito pinakiharapan,.parati na lang itong may dahilan.
"Kailangan kong gawin ito jacob,dahil gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya mo. Huwag ka sanang bumitiw sa pagsubok kong ito;ginagawa ko ito para sa ikabubuti ko. Ayoko ng muli pang magkamali lalo sa isang Mendez na naman..." wika ni helena sa sarili habang pinagmamasdan ang alay na singsing ni jacob sa kanya, na nakatago lang sa kanyang drawer.
Lumipas pa ang ilang araw,buwan at taon... tila ramdam ni jacob ang pag iwas ni helena at di pagpaparamdam.
May times na parang gusto na niyang bumitaw,subalit di niya magawa sapagkat tuluyan ng nasakop ni helena ang puso at isip niya.
May ilang beses na din siyang nahuli ni tiffany sa kanilang mini bar at nagpapakalango. At sa tuwing magtatanong ito kung may problema ba ang tanging sagot niya ay wala. Pampaantok lang.
"Honey? What do you think? Ok na ba sayo ang design or you want to renovate something? Para masabi ko sa engineer natin?" Tanong ni enrico isang umaga kay tiffany. Nasa loob sila ng pinagagawang bahay sa laguna,malapit sa office ng kanilang kumpanya.
ESTÁS LEYENDO
My Boyish Babe
Historia CortaHelena is only sixteen nang makilala niya at tuluyang umibig sa isang pinakamayamang binata sa mundo ng fashion industry. Subalit sa huli ay dudurog sa mura niyang puso at paniniwala sa pag ibig. Sa paglipas ng panahon, pinili niya ang mabuhay sa il...