SS1 : Ch.6 - The Scar

626 21 0
                                    

VI. The Scar

Khrystyanna's Point of View

After ng Home Economics class namin, nagmadali ako at nagpatulong kay Kyle sa pagbuhat ng mga ginawa kong cupcake.

Yes. Para sa mga School Council officers ang mga ito. Kasi, mabait ako eh, pero hindi kasing bait na magpapakuha na ako kay San Pedro. Pero pwera biro, nakakagawian ko lang talaga na gawin ito bilang pasasalamat sa mga kasama ko na tinuturing ko ng kaibigan at kapatid. They are all hardworking, at wala na akong masasabi pa na iba dahil likas sa kanila ang pagiging masipag na nilalang.

Nang makarating na kami, nag-meeting na muna kami for the School Festival na gaganapin na around three to four months from now. Ganito magtrabaho ang mga kasama ko, wala pang pinalalagpas na panahon kung kaya namang gawin ngayon. Advance mag-isip ika nga, kaya naman tuwang-tuwa talaga ako sa kanila.

"Send me your suggestions sa mga games and activities na gagawin sa School Festival." Bilin ko sa mga ito.

Secretary Meghan is taking note everything about sa meeting namin. 'Yun naman talaga tungkulin n'ya eh bukod sa pagiging maganda nito. She is responsible at mas matured mag-isip sa mga kasama namin dito. Oops, I am not degrading them, okay? Just telling the way I observe them.

"Bryle, i-check mo yung budget natin. Tapos, ibigay mo sakin." sabi ko naman sa Budget Officer na si Bryle, he is also taking down notes habang tumatango-tango bilang sagot sa utos ko.

"Arthur, i-broadcast mo sa students na maaaring magbigay sila ng kanilang ideya't suhestiyon para sa gaganaping Festival, mas maaga mas mainam para mapaghandaan." sabi ko naman sa Broadcasting Officer na si Arthur, tulad ni Bryle, nagsusulat din ito habang walang humpay naman sa pagtango ng kan'yang ulo.

"Yes President!" Sabay-sabay na sagot ng mga officers. Napangiti ako dahil dito, they really are serious with their duties.

"Meeting Adjourned!" Pagtatapos ko ng lagpupulong.

Nagsitayuan na sila ng tawagin ko ulit sila . "Wait!" Pagpapatigil ko sa kanila at saka ko sinenyasan si Kyle na naka-abang lamang at nakikinig.

Pinamigay nya isa-isa ang mga cupcakes. Napangiti ako ng makitang nasarapan ang mga kasama namin sa ginawa kong cupcakes.

"Nagustuhan nyo ba?" Kinakabahang kong tanong.

"Oo naman Prez! Ang sarap-sarap, the best ka talaga." Nakangiting sagot ni Arthur.

Nagtawanan kami dahil sobrang kulit talaga ni Arthur na likas naman talaga sa kan'ya.

Nang maka-alis na ang lahat. Ibinagsak ko ang aking katawan sa couch sa loob ng opisina. My head's placed on Zed's lap. He is caressing my hair while looking from afar.

Tiningnan ko sya. His golden eyes with long lashes. Ang gwapo-gwapo n'ya talaga.

Umupo ako sa kandungan n'ya paharap. Ibinaba ko ang mask n'ya. His scar is revealed, naiyak na lang ako bigla.

"Khrys." His husky voice called out for my attention.

He held my face up by holding my chin. Pinunasan n'ya ang mga luha ko at matiim na tinitigan ng maigi.

"Don't cry. Please." Nag-angat ako ng paningin at tinitigan ang napaka-amo n'yang mukha. He always making me want for more, want more than friendship we have. Hindi ko alam kung bakit pero higit sa kaibigan ang turing ko sa kan'ya, ano man iyon, hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko para sa kan'ya.

"I'm sorry. It's my fault." Kainis! Naiiyak na naman ako.

"No it's not." He kissed me to stop me from crying.

I moan to make our kiss deeper. Na agad naman n'yang tinugon. Gustuhin ko mang may mangyari, may respeto pa rin s'ya sa akin kaya hindi n'ya kinukuha ang virginity ko.

Yes, I'm still virgin.

Hinawakan n'ya ako sa bewang ko, while his other hand is holding my nape. Hinawakan ko naman ang batok n'ya at ginawa pang mas malalim ang halikan namin.

He moan between our kisses. "Uhhmm. Khrys."

Nang maghiwalay kami, kapwa kami naghahabol ng hininga.

"Kyle. Thanks for staying with me." Tumayo na ako at dinampian ng halik ang labi nito.

Inayos ko na rin ang mask nito. Kailangan ko ng magpunta sa Shooting Range.

Papunta na kami sa shooting range ng makasalubong namin si Mikael.

"Saan kayo pupunta?" Tanong nito.

"It's none of your business." Asik ni Kyle.

Hinawakan ko ang dibdib ni Kyle. Hinawakan naman n'ya ang kamay ko.

Para silang magsasapakan any time.

"Enough. You two!" Saway ko.

Hinila ko na si Kyle bago pa may mangyari sa pagitan nilang dalawa.

KA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !!

"Ano ba ang problema n'yong dalawa?" Naiiritang tanong ko kay Kyle na nanonood lamang.

Nakahalukipkip ito. Ang cool talaga nito. Nag-iinit na naman ang mukha ko.

KA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !!

Tinanggal ko ang magazine at mabilis kong pinalitan ito ng bago.

"I am jealous!!"

KLING!!

Hindi ko na namalayan na nabitawan ko na ang baril na hawak ko dahil sa pagkabigla sa sinagot ni Kyle.

He is what?!

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon