SS1 : Prologue

4.6K 78 4
                                    

PROLOGUE :

BANG ! BANG ! BANG !

Rinig ang sunud-sunod na pagputok ng baril na nagmumula sa shooting range ng Oracle Academy . Nakakatulig ang tunog na iyon pero , who am I to complain ?

Pumasok ako sa opisina nang taong sadya ko talaga . He is very persistent kung ang usapan ay ang eskwelahang ito . He is very persistent when it comes to his wants . And it's suffocating .

It's suffocating to be the only one who needs to accomplish it all with his high standards of perfections .

"Papa ." Tawag ko dito .

This man who is now sitting comfortably on his swivel chair . This man name is unknown pero ang mismong sadya ko ay magalang na nakatayo lamang sa tabi nito habang mataimtim akong pinapanuod hanggang sa makapasok ng opisina .

Ramdam ko ang talim ng titig nito pero hindi ko maaninag ang mukha nito , all I can see is a pair of sharp eyes looking at me like I am his prey . Napalunok ako at naglakad papasok ng opisina . Binalewala ang takot sa aking dibdib at hinarap ang aking ama na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin .

"Umupo ka ." Anito at saka umupo sa swivel chair na kaninang kinauupuan ng lalaking may matatalim na mga mata .

Wala na s'ya ? Agad-agad ?

Binalewala ko na lamang ang naiisip ko at saka tiningnan ang aking ama na nakangisi habang sinusundan ang aking paningin . 'So creepy .' Sa isip ko habang binabawi ang composure na nawawala dahil sa mga nakikita ko .

His office is so dim like it's a lair of a monster na handang umatake pag nalingat ka saglit . Hindi mo ako masisisi dahil mula nang maging isa itong punong-guro sa Oracle Academy , napansin ko na ang pagbabago nito . Pero hindi ko iyon pinansin .

"What now , Papa ?" Tanong ko dito at saka komportableng naupo sa upuang nakalaan sa mga bisita nito . I crossed my legs and my arms .

"She's practicing again ." Anito na ang tinutukoy ay ang sunud-sunod na pagputok ng baril sa shooting range .

"Who ?" Takang tanong ko . I don't have any idea kung sino ang nagpapaputok ng baril at hindi ko alam kung bakit parang gusto kong magselos dahil kita ko ang pamamangha nang aking ama sa nagpapaputok nito .

Humarap ito sa akin mula sa pagtanaw sa labas ng bintana nito at automatic na nagseryoso ito mula sa masayang ekspresyon nito kani-kanina lang .

"I want you to study here in Oracle Academy ." Seryosong sagot nito na ikinatayo ko .

"Ano ? I am happy with Ace Academy . For goodness sake , bakit kailangan pang lumipat ako dito ?" Hindi ko napigilang magtaas ng boses . I am frustrated .

Ano ang dahilan kung bakit bigla ako nitong pinakialaman ?

Natigilan ako ng maisip ang nagmamay-ari ng mga matang iyon . 'S'ya ba ?' I want to ask him , but I don't want to interfere with his stuffs . Ayoko madamay sa mga ginagawa nito after mama's death .

"Sumunod ka na lang Mikael . Hangga't may natitira pa akong dahilan para hindi ka masaktan ngayon gamit ang sarili kong mga kamay ." Anito habang pinipilig-pilig na ang kanyang ulo na parang nagiistretching that made me still .

'He is so irritated that easily ?'

Mahaba ang pasensya ng papa ko . Pero mula nang maging principal ito , nagbago iyon at nagbulag-bulagan na lamang ako sa kadahilanang ama ko pa rin ito . And I have the duty to take good care of him .

"S-sorry . Hindi na mauulit ." Sabi ko habang nakatungo . Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nya .

Hindi sa behavioural changes nito . It's just that , I can't .

"Good . Pumunta ka na mamaya sa School Council building . Meet the President and take your classes seriously ." Litanya nito na tinanguan ko lang .

"Bakit nga ba Papa ?" Tanong ko . Hindi ko na matiis ang hindi magtanong . It's just that , I am curious why he suddenly interfered my life gayong s'ya na ang nagsabing wala na s'yang pakialam sa mga gagawin ko ?

Tumayo ito at saka tiningnan ang tanawin sa labas ng opisina n'ya . I am facing his back na kadalasang gawain nito pag may sasabihing mas importante pa sa mas importante .

"You have a duty to make . And it's confidential . As my son , I am counting on you ." He said that made me smile . He trusts me . He really do . And with that , I am happy kahit pa iiwanan ko ang eskwelahang pinangalagaan ako hanggang sa huling araw ko .

A.N : Hi guys, originally, irerevise ko sana ang buong series ng mapagtanto ko na dito ako nagsimula at deserve ng story na ito na manatili sa kung ano talaga siya. This is my way to show you... That, still, I have my flaws before I am conquering with... So enjoy reading my first series...

Happy Anniversary in advance (December 11 , 2019) Sharp Shooter , salamat sa pagtangkilik nito :)

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon