Khrystyanna's Point of View
ONE MONTH na din . Kung sa iba , mabilis lang , iyon . Para sa amin , katumbas ng isang buwan ang sampung taon . Sampung taong katumbas ay puro luha at sakit . Sampung taong katumbas nito ay ang pangungulila sa mahal namin sa buhay na kahit ano pang gawin namin ay hindi na babalik sa aming mga bisig . Na hindi na ito hihinga at hindi na masasabi ang salitang nais marinig ninuman .
Nagpatiim-bagang ako at saka pinanggigilan ang target board ko na halos hindi na makita ang gitnang bahagi nito dahil sa labis na pagkabutas . Hanggang ngayon , ang sakit pa rin kasi . Parang kahapon lang ay kasama ko pa sila , and the next day . Wala na sila . Ganun-ganun lang ?
KA CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !!
"Ang galing-galing n'yo po talaga Prez !!" Parang bata na pumapalakpak si Tian . [ Student Council Vice President ]
KA-CHAK ! BANG ! BANG ! BANG !!
Napalingon ako dahil sa pagpalakpak ng kasama ko , samahan mo pa yung pagsipul-sipol nya . Hindi ko naman sya masisisi . Dahil sa simula pa lang ay todo-todo na ang suporta nya sa akin . Pero pasalamat na lang s'ya dahil hindi ko tinatanggi na kilala ko s'ya .
Lumapit ako dito na nagpatigil naman sa walang sawa nyang pagpalakpak . Napansin ko naman ang pamumula na naman ang pisngi nito . 'Kahit kailan talaga oo .. ' Sa isip ko habang tinitingnan si Tian na mamula na parang kamatis dahil sa paglapit ko .
"Tian , you want to try ?" Alok ko dito , umatras si Tian dahil alam kong hindi sya marunong at takot ito sa baril .
"Hindi na Prez ! Okay na po ako ." Mahigpit na pagtanggi nito .
"Okay . Sabi mo ehh ." Pumihit ako at mabilis na tinanggal ang magazine ng baril . Chineck ko kung may bala pa ito . Binalik ko din agad after makasigurong kumpleto ito . I secretly put the safety gear on . 'Mapagtripan nga ' Lihim akong napangisi sa naisip kong kalokohan .
Tinutok ko ang baril sa noo ni Tian na automatic na namutla . Lahat yata ng kulay nito ay nawala na . He is so pale like a sheet of paper . Nanlaki ang mga mata nito at tila nanigas na sa kanyang kinatatayuan . Unti-unti akong lumapit dito while pointing the gun into his forehead .
Napangisi ako sa nakita ko . ' Success .' Pina-ikot ko ang baril sa aking hintuturo at nilagay sa case .
Tumingin ako kay Tian na until now , ay namumutla parin dahil sa takot . Alam kong mali ang magbiro ako ng ganun . Pero 'every action has it's own purpose' -- yan ang paniniwala ko . Lumapit ako dito .
"Paano na lang kung ibang tao ang nanutok ng baril sa'yo . Yung may intensyon na pasabugin ang ulo mo ? Anong gagawin mo ?" Tanong ko habang naghahanda sa pag-alis ko .
Biglang naging seryoso si Tian .. "Kung mangyari man iyon . Hindi ako tatakbo . Hindi ko tatakasan ang kamatayan na itinakda na sa akin ." Seryoso nitong sagot .
Lihim akong napangiti sa kanyang tinuran . Lumapit ako dito at tinapik ang balikat nito . "Hindi nga ako nagkamali sayo .. Salamat ." And after that , naglakad na ako palayo .
Christian Redd dela Cruz or also known with my nickname to him Tian , is a friend of mine . Nakakatanda ito sa akin ng isang taon pero parang kaedaran naman namin ito kung mag-isip and worst , nag-iisip bata ito na nagiging dahilan para tuksuhin ito ng kapwa namin kasama sa Student Council .
I , Khrystyanna Cherrie Solano . Sophomore student of Oracle Academy and the so-called Sharp Shooter President of the Oracle's pride .
- - - - -
Third Person's Point of View
Sa Student Council Room ...
Nagkakagulo na ang mga officers sa paghahanap ..
"Meghan , Arthur at Bryle ! Kamusta na ba sa pwesto nyo ?" Pagra-radyo ni Christian sa nga kasama nito . Hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa sobrang pagkataranta at kaba .
"Wala s'ya dito sa Canteen !" Si Meghan Sanchez [Secretary] .
"Wala s'ya dito sa court !" Si Arthur McBride [Broadcasting Officer] .
"Same here sa dorm n'ya .." Si Bryle Reynold [Accounting Officer] .
Napabuntong hininga si Christian .
"Bakit ngayon ka pa nawala Prez ?" Bulong nito sa hangin at umaasang maririnig ito ng Prez n'ya .
"Wala pa ba sya ?" Naiinip na tanong ng transferee student na si Mikael Jace del Fuego .
"Pakiusap , kaunting hintay pa po ." paki-usap ng kaawa-awang Vice President . "Arthur , I-broadcast mo na ." Utos nya kay Arthur na nasa radyo .
"Sige po Vice President ." Sagot ni Arthur .
Samantala . Sa Royale Garden ...
Natutulog lang pala ang kanina pa nilang hinahanap na si Student Council President Khrystyanna Solano .
BINABASA MO ANG
A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | Completed
VampireOracle Academy , ang eskwelahan nang mga magagaling umasinta at lumaban hanggang kamatayan . Tahanan nang mga henyo at mga matatapang na lubos na kinikilala ng lipunan . Ang kanlungan nang mga pusong nangulila at naulila dahil sa mga kaganapang hind...