SS1 : Ch.24 - Shannon's Dirty Plan

327 12 0
                                    

[ CHRISTIAN's ]

"Sina .."

Krrrriiinnnggg !! Krrriiiinngg !!

Napatigil sa pagsasalita si Damian ng mag-ring ang phone ko ..

"Wait lang ahh .." tumayo ako at lumabas para sagutin ang phone ko .

Ng makalabas , agad kong sinagot ang phone ko .

"Hello?"

"Hi kuya !!" ang kapatid kong babae . Pero bakit sya natawag ?

"Bakit sis ? Anong ganap ?" tanong ko habang naglalakad papunta sa tambayan namin -- ang Royale Garden . .

"Happy Birthday !!" masaya nitong bati .

Oo nga pala .. Birthday ko na pero eto pa ang nangyari .. Tss ..

"Salamat .. Buti na lang napaalala mo .." nakangiti kong sagot .

"Punta ka dito sa bahay , may surprise ako sayo .." sabi nito .

"Ano naman yun ?" takang tanong ko .

"Kaya nga surprise di ba ?? Sige , wait kita dito .. Muuaappsss " napakamot ako sa batok ng bigla nitong tinapos ang pag-uusap namin .

Bumalik ako sa opisina pero tapos na ang pag-uusap nila . Tahimik sila ..

"What did I miss ??"tanong ko .

"May posibilidad na .." si Arthur .

"Kailangan na nating kumilos .. Para masalba sya .." nagtayuan na sila .

"Teka guys , baka di ako makasama .. Kailangan ako ng kapatid ko ehh .." pagpapaalam ko .

Pero walang pumansin sa akin .. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa kwarto ko para maghanda sa pagpunta ko sa bahay namin ..

[ SHANNON's ]

Tama ! Yun na lang ang gagawin ko ..

Mapupunta kay kuya ang babaeng ito at mapapasa akin naman si Damian ..

"Ang tali-talino ko talaga !!" puri ko sa sarili ko .

"Sigurado ka bang papayag ang kuya mo sa ideya mong iyan ?" si ama

"Oo naman .. Pero pag nagkagipitan .." itinaas ko ang maliit na bote na may puting pulbos "Wala na syang magagawa pa .." maldita laugh .

Oo .. Uubra ang plano ko .. Hmm .

Dinayal ko ang number ni Damian ..

"Hello ?" si Damian .

Kinikilig talaga ako kada maririnig ang baritono nitong boses .

"Pwede ba kitang anyayahan dito sa bahay namin ?" pinigil ko ang sarili ko na kiligin .

"Pasensya --"

"Kung ayaw mo , di mo maririnig ang impormasyong hawak ko para mahanap ang asawa mo .." napakagat labi ako para maitago ang pagkasabik .

"Sige .." call ended .

"KYYYAAAAHHH !! DADATING SYA !!" para akong batang nagtatatalon sa sobrang saya .

[ DAMIAN's ]

" Kung ayaw mo , di mo maririnig ang impormasyong hawak ko para mahanap ang asawa mo .." si Shannon .

"Sige " sagot ko .

Bull's eye !! Walang nakakaalam maliban sa akin at sa mga kaibigan ni Cherrie ang pagkawala nya .. Sigurado na akong may kinalaman si Shannon at si Sebastian ..

[ CHRISTIAN's ]

"Hi KUYAAA !!" sigaw ng kapatid ko .

Lumambitin ito at kumapit sa batok ko .. Sh*t ang bigat bigat !!

"Ang bigat mo !!" reklamo ko .

"Kuya !! 'lika ! Inom tayo ! Pakasaya tayo !!" magiliw nitong pag anyaya .

Bago pa ako maka-angal , hinila na nya ako papunta sa mini bar namin ..

She served me Tequilla , my favorite .. Napangiti ako at tumungga .

Nang makaubos ako ng isang bote ..

"Kuya , okay ka lang ba ?" tanong ng aking kapatid .

"Medyo nahihilo lang ako .." umiling ako sa pag-asang mawawala ito .

"Inom ka pa .. Minsan lang naman ehh .." nagsalin pa sila sa baso ko .

Nakadalawa na ako .. Hindi ko maintindihan .. Pero sobra na ang hilo ko .. Hindi dapat ganito dahil kaya kong maka-ubos pa ng isa pang bote .. Yahh .. Malakas akong uminom .. Pero anyayare ??

"I'm *hik* already *hik* tipsy .. *hik*"" sabi ko .

"Alalayan na kita papunta sa room mo .." alok ng kapatid ko .

Hindi ko na namalayang nasa room na ako .. Naibagsak ako sa kama , dahil narin siguro sa bigat ko ..

"Thank *hik* you *hik* Shannon .."

"You're welcome"

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon