SS1 : Ch. 19 - Developing Friendship

359 12 0
                                    

Mikael's Point of View

Limang buwan na ang nakakalipas mula ng umalis si Yanna sa Academy, palapit na ng palapit na rin ang school break.

Sinisikap naming tulungan at alagaan si Zed, na hanggang ngayon, hindi pa rin umiinom ng dugo. Na kinakatakutan namin. Dahil habang tumatagal na hindi s'ya umiinom nito, ay nakikita na namin ang pinagka-iba ng katawan n'ya kumpara sa matikas nitong katawan at baka dumating sa puntong bigla na lamang itong manakit ng aming mga ka-eskwela.

Vampires are indeed agressive. They are also uncontrollable lalo na kung ang kaso ay tulad ni Zed.

"Zed." Tawag ko sa kan'ya.

Nandito lang s'ya sa loob ng dorm sa loob ng limang buwan, iniutos ni Papa na bigyan ng mga guro si Zed ng special lessons dahil sa 'medical condition' n'ya. Pero kaming mga Student Council members ang tanging nagbibigay ng mga special lessons sa kan'ya sa takot na baka kung ano ang isipin at ipagkalat ng mga guro na iyon pag nakita nila ang kalagayan ni Zed.

Umangat ito ng tingin. Wala nang kabuhay-buhay ang mga mata nito na nagpapalungkot sa aming lahat.

"Eto oh." Ibinigay ko ang package na nanggaling pa sa aking Papa na pinaaabot mula kay Yanna.

Tinanggap ito ni Zed. Lumiwanag ang mukha nito ng makita ang hand writing ni Yanna, sa ganitong pagkakatao'y napapangiti na lang ako kahit paano.

Nabubuhayan lang ito ng loob sa tuwing makakatanggap s'ya ng sulat mula kay Yanna. Yanna is the only reason why Zed is still choosing to live without hurting anyone.

Para s'yang bata na nakatanggap ng regalo. Ay oo nga pala, malapit na ang Pasko. Binuksan n'ya ang package at binasa ang sulat. Tiningnan n'ya ang laman ng kahon at binalik ulit ang tingin sa sulat.

Naluha ito pagkatapos. "Khrys." Tawag n'ya sa kan'yang kaibigan. Pakiramdam ko ay sinasakal ako sa tanawing ito pero hindi ko pwedeng ipakita kay Zed na kinaaawaan ko s'ya. Dahil sa mga panahon na kasama ko s'ya, isa sa mga natutunan ko na h'wag magpakita ng anumang awa kay Zed kung gusto mo pa mabuhay.

Lumapit ako dito at saka umupo ako sa tapat n'ya para magpantay kaming dalawa. "Bakit Zed? May nangyari ba?" Nag-aalala kong tanong dito.

Hindi na s'ya galit sakin kaya nama'y nakakalapit na ako ng hindi nasasaktan.

All I know, he's still angry with my father. At naiintindihan ko iyon.

He looked at me and I can feel his longingness with the girl... We love.

"She will visit us, she said." Masayang sabi nito pero hindi n'ya magagawang itago sa akin ang kalungkutan sa kan'yang mga mata.

Hindi ko masasabing talksh*t o paasa si Yanna dahil sa tuwing nagsasabi s'yang pupunta s'ya, hindi n'ya iyon palaging natutupad. Marahil, hinaharang s'ya ni Damian. At naiintindihan namin ang bagay na iyon. Dahil sa susunod na buwan, magpapakasal na silang dalawa. At masakit 'yun sa amin ni Zed. Dajil ang babaeng pinakamamahal nami'y magpapakasal na sa iba.

"H'wag kang mag-alala, she'll come." Sabi ko habang tinatapik ag kan'yang balikat.

"Sana nga Mike. Sana nga." Sagot n'ya.

Tok ! Tok ! Tok !

Sabay kaming napalingon sa pinto. Sino naman ang pupunta dito sa ganitong oras?

Lumapit ako at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata ko ng makita ang taong nasa labas.

Wala namang halos nagbago sa kan'ya, matangkad pa rin s'ya, maputi at taglay n'ya pa rin ang mapupula n'yang labi. Nakasuot ito ng itim na may puting dress. Nakangiti ito ng ubod ng tamis na sinasabayan ng kan'yang magagandang mga mata na hindi na nagbago mula ng huli kaming magkita. Napanganga ako, totoo ba ito?

"Hi!" Sabi nito sabay taas pa ng kamay. "Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong ni... Tanong ni... Ni Yanna.

A.N: Sorry po kung natagalan hihi 😊😊

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon