SS1 : Ch.13 - Mike's Confession

454 17 0
                                    

[ MIKAEL's ]

Lumapit ang lalaking tinatawag ni Papa na Master Damian kay Yanna . At hinalikan ito .

'Hindi !! Wag mo syang hawakan halimaw ka !!' sigaw ng isip ko . Sana nga lang kaya kong ibuka ang bibig ko para magising si Zed at si Yanna .

Matagal din ang nakalipas , tumigil na si Damian sa ginagawa nya . Na sya namang pagbangon ni Zed at ni Yanna .

"Yanna ! Zed !" sa wakas nakapagsalita na ako

Tumingin sila sa akin .. Ang mga mata nila .. Nagbago ..

Ngumiti si Yanna .. Ang ganda nya .. Bagay sa kanya ang mapupula nyang mata .. Pero ano ang nangyayari sa kanila ?

"Sa wakas ! Nagawa nyo na Master Damian !!" yumukod si Papa

"Anong nangyayari ?"tanong ko

Parang puppet ang dalawa . Humarap si Yanna kay Damian , hinalikan nya ito . Agad din namang tumugon si Damian . Ang pilat sa mukha ni Zed , unti unting naghihilom at bumabalik sa dati . Lumapit ito at hinalikan naman ang likod ng kamay ni Yanna .

Nang tumigil sila . Tumingin si Damian sakin at ngumisi .

"Hindi sasama si Yanna sayo demonyo ka .."

Nilabanan ko ang pagka-paralisa . Nilabanan ko ang kapangyarihan ni Damian .

Hinila ko si Yanna at hinalikan . Oo , chance ko ito . Pero hindi ang pagnanasa ko sa kanya ang iniisip ko . Ang layunin ko , ay ang mailigtas sya mula sa demonyong ito .

Nang hindi sya tumugon . Kinagat ko ang pang-ibaba nyang labi . Kaya naibuka na nya ang bibig nya . Ipinasok ko ang dila ko at hinanap ang dila nya .

Hindi pa rin sya nag-respond . Nagsimula nang tumulo ang luha ko . Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at pinagdikit ang mga noo namin .

"Please , wag kang sumama sa kanya . Yanna .. Mahal kita . Mahal na mahal kita ." sh*t ayokong umalis ang babaeng ito

"YANNA !! MAHAL KITA !! PLEASE WAG KANG SUMAMA SA KANYA !!" sigaw ko habang ganun pa rin ang posisyon naming dalawa .

Tumawa ng malakas si Damian . Kinuha nya si Yanna mula sa akin at nilayo naman ako ni Papa .

"Kaya mo bang ibigay ang lahat para sa kanya ? Kung mahal mo sya .. Mas masasabi kong mahal ko sya . Dahil kahit kailan hindi ko sya sinukuan .." seryoso nitong sabi

"Damian ?" tawag ni Yanna

Nanlaki ang mga mata nito .. Bakit ?

Lumingon sa akin si Yanna . Ang isang mata nya , bumabalik sa dati .

"Kung yan ang gusto mo , gusto kong iwan sa pangangalaga mo si Kyle . Para may nananatiling dahilan ako para bumalik sa lugar na ito ." ngumiti ito

Ang ngiti na matagal ko ng inaasam . Ang ngiti na sya lang ang makakagawa . Oo ! Mahal ko na nga sya . At kaya kong isakripisyo kahit ang buhay ko para lang sa kanya ..

"Damian .. Paki-usap , halika na ." sabi nito

"Masusunod , mahal ko ." si Damian

At sa isang kisap-mata , nawala na sila ng aking papa ..

Napaluhod ako at nagsimulang umiyak .. Oo mahal ko nga sya ! Pero hinayaan ko lang na mawala sya .. Tanga ko mga bro !!

Sinuntok suntok ko ang sarili ko . "G*g* !! G*g* ka talaga Mikael !!" sigaw ko .

Natigilan ako ng may mga kamay na pumigil sakin . Pagtingala ko , nakita ko ang malungkot na mukha ng mga myembro ng SC .

"Tama na pre ." si Chris

Tinanaw ko ang walang malay na si Zed .

"Paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanya ?" sabi ko habang sapo ang ulo ko .

"Tutulungan ka namin Mike ." si Meghan

"Nakita nyo ang lahat ?" tanong ko

Tumango silang lahat .

"Paralisado kami pero hindi kami nabulag ." si Arthur

"Tulungan nyo ako . Pakiusap .." pakiusap ko

"Ikaw na muna ang tatayong President sa SC .. Habang wala pa si Prez .." anunsyo ni Chris

Oo ! Pangangalagaan ko ang mga iniwan ni Yanna .. Si Zed .. At ang Student Council ..

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon