SS1 : Ch.39 - Blessed and Sacred

562 14 0
                                    

[ DAMIAN's ]

Ang paghaharap nila Shannon at ni Cherrie ay dumating na .. Walang may alam sa mga estudyante dito liban sa Student Council ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng Hand to Hand Combat .

Si Leo ang host ng laban , gustuhin man namin na mapanatag , we all know na may tinatago si Shannon .

"Ang rules ng labang ito ay .. Kung sino ang hindi na kaya lumaban o sumuko na sa laban ay ang talo . At pag nakalabas ka sa mat na iyan . Talo ka na , ititigil na ang laban .." tumingin muna sakin si Leo "No weapons .." tumango na ako at sinignalan si Leo na simulan na ang laban .

"Ready ." nagstretch muna saglit ang dalawa . Shannon is wearing a short na may tube (napaghahalataan talaga) . And Cherrie is wearing a leather jacket and pants . "Set ." Cherrie is now on her fighting stance position . At si Shannon naman ay ganun din . "Go !!"

Nagpa-ikot ikot muna ang dalawa . Nakikiramdam . Naka-mask nga pala si Cherrie ala Kakashi Hatake . Samantalang pulang pula ang lipstick nung lukaret .

Shannon started to kick pataas . Pero sinasalag naman agad ni Cherrie ito gamit ang kamay nya . Lumapit si Shannon at sinuntok si Cherrie . Napa-oww ang mga estudyante .

Pero ang akala nila napuruhan si Cherrie . Inulit ulit ni Shannon ang pagsuntok . Kaliwa kanan kaliwa kanan . Mukhang hindi pa aatake si Cherrie dahil hinahayaan nya lang ang babae na nakangiti na dahil sa akala nito mananalo na sya .

Malapit na makalabas si Cherrie sa mat dahil sa patuloy nyang pag-atras . Hanggang sa .. Cherrie flipped over Shannon para ito naman ang nasa gilid . Para itong nagslow mo . Palapag na sya ng hawakan nya ang parehong balikat ni Shannon at tinuhuran ang likod , sa may spine . Na naging dahilan para tumilapon ito palabas ..

Naghiyawan ang lahat ng manalo si Cherrie . Tinigil ko ang oras at dinala ang mga estudyante sa mga dorm nila at pinatulog . I can do that , pero madalang ko lang gawin ito . Kaya ngayon , kami kami na lang ang nandito .

Tumayo si Shannon . Her hair color changes . Tama nga kami . She is not a human .

"Tama nga kami .. You're a demon .. Leech .." sabi ni Cherrie with a grin .

"Tama ka nga .. At sa pagkakataong ito , I will kill you so that Damian will be MINE !!" naglabas ito ng katana at sumugod ito kay Cherrie .

In a blink of an eye . We can see that Cherrie have been stabbed . BANG ! BANG ! BANG !!

Shannon's body glows and turned into ashes .. "KYYYAAAAAAHHHHH !!" matinis ang malakas nitong sigaw .

"Masyado mo akong minamaliit , magsama kayo ng mga linta na kauri mo .." sabi ni Cherrie .

Agad kaming nagpunta kay Cherrie . I held her in my arms . Tinanggal nya ang katanang nakasaksak sa kanya . Tinanggal ko ang mask nya , she smiles .

"Love , okay ka lang ba ?" nag-aalala kong tanong .

"O-oo naman . Nanalo ako ." sabi nya , itinaas pa nya ang baril na hawak nya .

Ngumiti ako ng pilit . Pero paano nya napatay si Shannon na hindi makakabalik sa impyerno ?

"How did you -- "

"This is a blessed and sacred gun and those three bullets have been blessed too . From Him .." itinuro nya ang langit . "Pero !! Alam mo ang mangyayari --" nakita namin ang kamay nya na unti unting nalalapnos .

Tinanggal ni Mikael ang baril sa kamay ni Cherrie . Tumigil ang pagkalapnos ng kamay nito .

May maitim na usok ang lumitaw sa harap namin . At lumabas ang hindi inaasahang bisita mula sa Underworld - sina Lance , Phoenix at Yoru .. Mga alagad ng aking ama .

"Master Damian , hindi na po makapaghintay si Lord Raven ." si Phoenix .

"Sige .." binuhat ko si Cherrie pa-bridal style at lumingon kila Leo . "Ikaw na muna ang bahala dito Leo . May tiwala ako sa inyo . Ikaw na din ang bahala kay Kyle . Babalik din kami .." sabi ko habang pumapasok kami ni Cherrie sa loob ng itim na usok .

"Magbabalik kami .." ulit ko .

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon