SS1 : Ch.34 - Innocent Kyle

328 10 0
                                    

[ CEDRIC's ]

Everything is dark .. Sobrang dilim .. Anong meron ?

Images are flashing everywhere . It's me , with my friends .. Pero sa hindi malamang dahilan , I can't recognize the girl with a long red hair . Sino ba sya ?

Nagising ako sa loob ng dorm ko . "Aahhh .." sapo ko ang ulo ko dahil sa sakit .

"Kamusta na ang pakiramdam mo ?" tanong ng isang babae na may pulang buhok . Pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa .

Mayroon syang matangos na ilong , makipot at pulang labi na halatang walang lipstick , mapungay ang mahaba nitong pilik mata at kaaya aya ang kanyang pulang mga mata . Mahaba at sexy ang leeg nito , nakasuot ito ng arm badge na may insigne na ngayon ko lang nakita . And she have a long and flawless legs . Napalunok ako , ang ganda nya .

Pero napakunot ang noo ko . Sino sya ?

"Sino ka ? Anong nangyari ?" tanong ko .

Yumuko sya at parang may pinunasan sa pisngi nya . Teka , umiiyak ba sya ?

Lalapit na sana ako ng tumayo sya at nagpunta sa may pinto . "The Council members will be here in a minute . Magpahinga ka lang muna ." at lumabas na nga sya .

Napakamot ang ulo ko . Dahil sa tagal ng pag-aaral ko dito , ngayon ko lang sya nakita .

[ KHRYSTYANNA's ]

"Sino ka ? Anong nangyari ?"

Hindi ko napigilan na maluha , agad ko itong pinunasan at lumabas .

Pagkalabas ko , Mike and Arthur are standing in the hallway . Nag-aalala sila , I can feel it .

"Ano ba ang ginawa mo kay Zed , Yanna ?" tanong ni Mike .

"I erased my memories from him . Para mabuhay na sya ng maayos ." sagot ko . Ayokong humaba ang usapang ito . "Don't tell him anything about me as his friend .. Dahil mahihirapan lang sya .. Mauuna na ako .." umalis ako at iniwan sila .

May luhang tumakas mula sa mata ko . 'Sh*t don't cry Khrystyanna !! It is all for our old good friend !" sa isip ko .. Ito lang ang magagawa ko to help him survive . Tumingala ako at tiningnan ang kisame ng Council building .

"Oo . Tama lang ang ginawa ko ." pangungumbinsi ko sa aking sarili .

[ MIKAEL's ]

Hindi ko gusto ang ginawa ni Yanna . Pero alam kong may matindi sya at importanteng dahilan . Nagkatinginan kami ni Arthur bago pumasok sa kwarto ni Zed .

"Oyy Zed !! Kamusta ?" bati namin sa kanya .

Umaliwalas ang mukha nito at niyakap kami ni Arthur ."Okay lang .. Ano ba nangyari ?" tanong nito .

"Ahh .. Ehh .. Nakita ka ni Prez , kasi nahulog ka kanina nung utusan ka namin magkabit ng banner para sa dagdag na dekorasyon para sa School Fest ." mahabang paliwanag at pagsisinungaling ni Arthur .

Tumaas ang kilay ni Zed .. Pero ngumiti din ito ng maintindihan ang gusto namin sabihin .

"Ah .. Ganun ba ? Sorry , pinag-alala ko kayo .." kamot-ulo nyang paumanhin .

"O-okay lang .." sagot ko .

Nagkatinginan kami ni Arthur at sabay napabuntong hininga .

"Ohh , 'lika na , samahan nyo ako . Magpalasalamat lang ako kay 'Prez'" inakbayan nya kami na bago lang talaga sa amin . Ano bang ginawa ni Yanna sa kanya ?

"Ha ? Ah .. Ehh .. Saka na , makikita mo naman sya mamaya sa meeting eh ." sabi ko .

"Talaga ? Sige , punta na tayo sa School Fest ." aya nito .

Tatanggi sana kami ng bigla nya kaming hinila palabas "T-teka lang Zed !!" sigaw namin ni Arthur .

Pero hindi na namin sya napigilan . Sa School Fest . Makikita na ang malaking pagbabago ni Zed . Masayahin ito , bibo at palabiro .

Pero aaminin ko , mas gusto ko yung dating Zed ..

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon