SS1 : Ch.21 - I'm Inlove With Her

378 11 0
                                    

[ MIKAEL's ]

Naka-alis na si Yanna pero hindi ko pa rin magawang umalis sa kinatatayuan ko . I am still waiting for her . I am still waiting na magbabago ang isip nya . I am still waiting for her to realize everything .

Ang sakit pala mga bro , yung ipamukha nya sa iyo na wala syang nararamdaman ni kilig para sayo ?

"Mike .." may kamay na humawak sa balikat ko ..

"Ang sakit .. Ang sakit Zed .." hinahampas ko ng aking kamao ang dibdib ko .

Napatingin ako sa kotse na kaka-alis lang .. Nakabantay ang lalaking iyon .. Nakabantay sya . Sinisigurong walang makakakuha sa babaeng nagdudulot sa amin ng masakit ,napakasakit na pakiramdam sa mga dibdib namin .

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at pumunta sa kotse ko .. Sinalpak ko na ang susi nito sa ignition ng bumukas ang pinto sa passenger seat ..

"Sasama ako .." si Zed .

Hindi ko na sya tiningnan pa at pinaharurot na ang kotse ko .

Natanaw ko ang kotse kung saan nakasakay si Yanna .. Binilisan ko ang pa-andar ng kotse ko to 60km/hr ..

"Oyy !! Mike !! Anong ginagawa mo ??" sigaw ni Zed .

"Hahabulin ko sya ! At babawiin !!" sigaw ko .

Buo na ang loob ko .. Kahit saan man sya magpunta , hahabulin ko sya at babawiin mula sa lalaking iyon . Kahit magalit pa sya sa akin .. Kahit isumpa pa nya ako .

Kahit ikamatay ko pa ang gagawin ko ..

[ CEDRIC's ]

Sinundan ko si Mike at sumama sa kanya sa paghabol kay Khrys .. Pero sh*t naman ohh !! Ang bilis bilis nyang magpatakbo ..

Kung ako ang tatanungin , gusto kong bawiin si Khrys ..

"G*g* ka ba Mike ? Bago mo pa sya mahabol , patay ka nang siraulo ka !!" bulyaw ko sa kanya habang nakahawak sa dashboard ng sasakyan .

Buti na lang , medyo maluwag ang kalsada .. Tingin ko naman hindi pa alam ng lalaking iyon na nasa likod na namin sya ..

Tiningnan ko si Mike .. 

Makikita ang matindi nitong determinasyon .. Determinasyon na masagip pa si Khrys mula sa bampirang iyon ..

Determinasyong hindi ko ginawa at pinakita sa kanya ng atakihin kami ng lalaking iyon ..

I suddenly realized .. I don't love her the more that this man loves Khrys .

Mas mahal sya ni Mike kesa sakin .. Ang sakit aminin .. Pero hanggang ngayon , sinasakripisyo ni Khrys ang sarili nya para mailigtas ako ..

"SELFISH !!" wala sa loob kong sigaw ..

"Anong sabi mo Zed ?" tanong ni Mike na hindi tinatanggal ang paningin sa daan ..

"Ang sabi ko !! Bilisan mo na at hindi natin sila maaabutan !!" sigaw ko .

"Kumapit ka Zed !!" sigaw ni Mike at sinimulan na nyang apakan ang Gas para pabilisin na ang sasakyan ..

VRRRRRRRRROOOOOOOOMMMMMMMM !!!!!!!

Napakapit ako ng mahigpit sa dashboard ng kotse at sa upuan ko .. Sobrang bilis !! Para syang race car driver sa galing magpatakbo ng sobrang bilis na sasakyan .. 70km/hr .. Sh**t !!

Lumiko ang kotse sa isang malawak na damuhan .. Ng lumiko kami , naapakan nya bigla ang Brake ng kotse dahil tumigil ang sinusundan namin na kotse ..

Napakapit ako ng mahigpit .. SSCCCCRRRREEEECCCHHHH !!!

Nang mahimasmasan na kami .. Agad kaming bumaba .. Para kaming lasing na gumewang gewang .. Napahawak ako sa gilid ng kotse at pumikit ng mariin ..

"Anong ginagawa nyo ??" malamig na boses na tanong ng isang babae ..

Napamulat ako , at nakita ko ang babaeng pinaglalaban namin .. Para kaming ipinasok sa loob ng freezer sa sobrang lamig ng titig nya sa amin .

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon