SS1 : Ch.16 - Losing Her

425 13 0
                                    

    Cedric's Point of View
   
    "AARGGHH!" Napabalikwas ako dahil sa sakit ng ulo ko.
   
    "Zed!"Tawag ni Chris sa akin.
   
    Tumingin ako sa paligid. Bakit nasa kwarto ako ni Khrys? Nasaan s'ya? Bakit ang Student Council ay naririto?
   
    Tatayo sana ako ng biglang sumakit ang leeg ko at naalala ko ang mga ginawa ng Prinicipal na iyon sa akin ng nakaraang gabi.
   
    "Oyy Redd  nasaan si Khrys?" Tanong ko kay Christian na nakatingin sa akin na mababakasan ng pag-aalala sa mukha.
   
    "H'wag kang mabibigla ha?" Panimula ni Redd.
   
    "Nasaan nga s'ya?" Binalingan ko si Mikael na anak ni Leonard, nakayuko ito at hindi makatingin sa akin ng diretso. "Ikaw! Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa'kin!" Tatayo sana ako ng pigilan ako ni Redd.
   
    Napahilamos si Mikael ng mukha gamit ang palad n'ya. Malungkot ang lahat na nakatingin sa'kin. Ano bang nangyayari?
   
    "Umalis na si Prez." Sabi ni Redd. Tumawa ako ng pagak habang nakatingin sa manila na hindi nagbabago ang ekspresyon ng kanilang nga mukha.
   
    "Nagbibiro kayo 'di ba? Ano ba namang kalokohan 'yang sinasabi n'yo sa akin? Hindi ako iiwan ni Khrys." Pakiramdam ko'y masisiraan ako nang bait habang iniisip na malaki rin ang posibilidad na gawin iyon sa akin ni Khrys lalo na kung ang nasa isip nito ay ako pa rin.
   
    Lumapit si Meghan na may hawak na salamin, inabot n'ya iyon sa akin. Nagtatakang tiningnan ko ito at wala itong emosyon na tiningnan ako. "Tignan mo nga ang sarili mo, sabihin mo sa amin na nagbibiro lang kami!" Tumaas ang boses nito na ikinabigla ko, si Meghan kasi ang tipo na sobrang hinhin at maingat sa pananalita, pero bakit nag-iba ang babaeng kaharap ko ngayon?
   
    Natigilan ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin na ibinigay ni Meghan. Ang dating kulay gintong mga mata ay nagbago at naging pula. At ang malaking pilat sa pisngi ko ay nawala na parang walang nangyari rito. Nanlaki ang nga mata ko nang mapagtanto ko ang isang bagay. Sa mga nasaksihan ko noon at ngayon, pakiramdam ko'y masisiraan na ako isipin ko pa lamang na kalahi na ako nang lalaking pumaslang samga magulang ko. At ang masaklap pa ay kasama nito ang tanging kaligayahan at rason ng pananatili kong buhay sa mundo. I am now a vampire and I lost Khrys at once. Binato ko ang salamin na hawak ni Meghan . "HINDI! HINDI PWEDE ITO!" Sigaw ko at patuloy na nagwala sa buong kwarto.
   
    Para akong masisiraan ng bait, dahil napagtanto kong kusang sumama si Khrys sa lalaking iyon.
   
    Matalim kong tinngnan si Mikael, sinugod ko ito at kinuwelyuhan hanggang sa umangat ang paa nito sa lupa. Kubg hindi dahil sa kan'yang ama, ay hindi pipiliin ni Khrys na sumama sa lalaking iyon. Kung hindi nila ako ginawang kauri nila, sana nandito pa si Khrys sa tabi ko. Kinasusuklaman ko ang mga del Fuego, at isa na roon si Mikael na alam kong matagal ng sumusubok na akitin si Khrys.
   
    "Dahil sa ama mo, naging katulad na ako ng demonyong iyon! At dahil sa inyo, wala na si Khrys sa piling ko! Hayop kayo!" Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa mukha ni Mikael na nagpatilaon sa kan'ya papunta sa sulok.
   
    Kapwa ako pinigilan nila Arthur at Redd. Pero nagsisimula pa lamang ako. Hindi sapat ang isang suntok para pagbayaran nila ito. "Tama na 'yan!" Saway sa akin ng dalawa habang hawak nila nang mahigpit ang braso ko.
   
    Tinayo naman ng iba si Mikael na dumudugo ang labi. May kung anong gumising sa katauhan ko ng makita ang dugo. Hinawakan ko ang ulo ko at mariing pumikit. 'Hindi pwede ito! Ayoko!'
   
    Agad nilang ginamot ang dumudugong labi ni Mikael, tumalikod ako sa kan'ya habang pilit nanpinipigilan ang halimaw na gustong umalpas pa sa akin dahil sa dugo ni Mikael. "Nangako s'ya." Panimula ni Mikael. Nag-angat ako nang tingin nag mapagtanto kung sino ang tinutukoy nito. "Nangako s'yang babalikan ka n'ya Zed! Kaya ka n'ya iniwan dito ay para saluhin ang lahat ng pasakit na ginawa ng angkan n'ya sa lalaking iyon! At maging ang ginawang kasalanan ng mga ninuno mo na makipagsabwatan sa angkan n'ya!" Pagpapatuloy ni Mikael.
   
    Natulala ako. Ginawa n'ya iyon para mailigtas ako? Bakit ba s'ya ganito? Palagi na lang n'y akong pinapangunagan, palagi na lang n'yang sinusugal ang kan'yang sarili para sa iba. Nakakainis dahil wala akong magawa. Napakawala kong kwentang kaibigan!
   
    "Makisama ka naman sana Zed, pinagkatiwala ka ni Prez sa amin." Pakiusap ni Redd.
   
    "Iwan n'yo na muna ako." Malamig kong tugon sa kanila.
   
    Nagkatinginan pa sila bago lumabas ng kwarto. Na alam ko namang lumabas lang talaga at hindi umalis. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy.
   
    'Hanggang ngayon. Ako pa rin ang inalala mo. Sobra na ang mga pasakit na pinapasan mo.' Sa isip ko habang binabalikan ko ag mga alaala namin ni Khrys na magkasama.

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon