SS1 : Ch.10 - The Traitor and The Demon

501 17 0
                                    

[ MIKAEL's ]

"Anong nangyari kay Prez ?!" nag-aalalang tanong ni Chris

Dumating kagabi sina Zed at Yanna . Pero , walang malay si Yanna . Hanggang ngayon , hindi pa rin sya gumigising .

Malungkot ang mukha ni Zed . Nakahawak sa kamay ng walang malay na babae .

Namumutla si Yanna . Walang kabuhay buhay . Pumunta kami ni Chris at ang mga officers ng SC .

"By the way , papunta na daw si papa . Para alamin ang kalagayan ni Yanna ." pagbibigay impormasyon ko

Wala pa ring kibo si Zed . Nakakuyom ang isa nitong kamay habang nakahawak naman sa kamay ni Yanna ang isa .

"Zed !! Magsabi ka nga ng totoo ! ANONG NANGYARI KAY YANNA !!" galit na galit na sigaw ni Chris

Umangat ng mukha si Zed . Napaatras kami ng makita ang nanlilisik nitong mga mata . Puno ng galit ang mga ito . Tumayo ito at hinarap kami .

"GUSTO MONG MALAMAN ?!! ETO !!" marahas nyang tinanggal ang mask na nasa mukha nya .

Nanlaki ang mga mata namin sa mahabang pilat na nasa pisngi nya . Ito pala ang tinatago nila .

"Isa ito sa mga nangyari sa aming dalawa ni Khrys . Isang napakasakit na pabaon ng kamatayan ng pamilya namin isang buwan na ang nakakaraan !!" sigaw nya

Natahimik kami .. Binuksan naman ni Zed.ang blouse ni Yanna . Nagulat kami ng makita ang nasa leeg ng dalaga .

"A-ano yan ??" sabi ni Chris

Ang dalawang marka ng kagat ng kung ano ay unti unting nagkakaroon ng parang tattoo sa paligid nito ..

Nanlaki ang mata ni Zed .. "Anong nangyayari ?" si Zed

Ipinagtapat ni Zed ang nangyari .

"Nasa panganib ang buhay ni Khrys . Tulungan nyo kami ." pagmamakaawa nito

Dumilat ang mga mata ni Yanna . Ang dating kulay pilak nyang mga mata , unti unting naging Crimson red ang kulay .

"K-kyle ??" ang sakit mga pre .. Si Zed agad ang hinanap nya .

Lumapit ng walang pag-aalinlangan si Zed . Alam na namin na magiging isang bampira na ang minamahal kong si Yanna . Pero bakit sa halip na matakot ako . Gusto ko pa rin sya ..

"Kyle ??" ulit ni Yanna

"Khrys .. Andito ako .. Kamusta ka na ?" husky nitong tanong .

Tipid na ngumiti si Yanna . At muli , nakatulog na naman sya .

"Nangyari na nga ." lumingon kami sa nagsalita . Si papa !!

"Papa ? Anong alam mo ?" tanong ko

"Si Damian ang gumawa nyan sa inyo Zed ." si papa

Marahas na tumayo si Zed at sinugod ang papa ko . Pinigilan namin si Zed . Pero lahat kami , nagtalsikan . Ano ito ? Adrenaline lang ba ang dahilan kaya nya kami napatalsik ng walang kahirap hirap ?

"Anong alam mo Leonard del Fuego !!" galit na sigaw ni Zed

Tumawa ng nakakaloko si papa . Natulala ako . Hindi sya si papa . Hindi !!

"Zed umalis ka !! Hindi yan ang aking papa !!" sigaw ko sa kanya .

Pero bago pa ako makalapit .. Kinagat ni papa sa leeg si Zed .

Nanlaki ang mata ko . Anong nangyayari ??

"AAAARRRRGHHH !!"sigaw ni Zed

"Anong ginagawa mo ?!!" sigaw ko

Pinatalsik ng aking papa si Zed . Tumama sa higaan ni Yanna si Zed .. BLAAAGG !!

Walang kumikilos kila Chris .. Parang naging paralisado ang katawan nilang lahat ..

"Paniguradong matutuwa si Master Damian .. Anak ko , Mikael , sumama ka na sa amin .. Sisigiraduhin kong makakasama mo si Lady Khrystyanna habang buhay .." alok ni papa

Makakasama si Khrystyanna ? Habang buhay ??

Umiling ako . Hindi !! Mali ito !! "Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong may nagmamay-ari na sa kanyang puso !!" YEHEY !! palakpakan !! Nagawa ko ding sumalungat sa aking ama .

"LAPASTANGAN !!" sigaw ng aking papa

Sasapakin sana ako ng aking papa ng may lalaking humawak sa kanyang kamay . Teka !! Paano ito nakapasok dito ? Kelan pa ?? Sino toh ??

Tiningan ko sya .. Matangkad ito , malaki ang katawan , maputi , matangos ang ilong at mahaba ang buhok nito .. Pero ang mata nya .. Pulang pula ito na parang kulay ng dugo .

"Wag kang maingay Leo . You will wake my lovely bride .." naglakad ito palapit sa natutulog na si Yanna

"Itigil mo yan !! Wag kang lalapit kay Yanna !!" sigaw ko . Pero bakit hindi ako makagalaw ??

Lumingon ito sa akin .. Nakakatakot ang mga tingin nya . Lalo akong naparalisa .

Anong gagawin ko ? Anong gagawin ko ??

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon