SS1 : Ch.23 - Missing

343 13 0
                                    

[ MIKAEL's ]

Lumipas ang isang buwan ..

Natapos na ang kasal nila Yanna at ni Damian .. Wala pa kaming balita tungkol sa kanila dahil nanatiling tikom ang bibig ng aking papa ..

"Malapit na ang School Festival .. Kaya maghanda na tayong lahat .." sabi ko sa SC .

"Handa na po ang mga activities para sa Festival .." si Meghan .

"Handa na ang mga Music requests .." si Arthur .

"Sige .. Let us make Yanna proud .." tatayo na sana ako ng ...

BBBBLLLLLLAAAAAAGGGGG !!

Tumalsik ang pinto ng Meeting room ng Student Council . Lahat ng atensyon namin ay napunta lahat sa gumawa nito ..

Napatayo ako at si Zed ng makita ang hindi inaasahang panauhin ..

Si Damian .. Nag-aapoy sa sobrang galit ..

"KAYONG DALAWA !! SAAN NYO TINAGO ANG ASAWA KO ?! SAAN NYO SYA DINALA ?!!!!"  sigaw ni Damian .

Nanlaki ang mga mata namin .. 'Anong sinasabi nitong lalaking ito ?' sa isip ko .

Pinakalma namin si Damian at pina-upo .. Isang himala na sumunod ito sa mga sinabi namin ..

"Ano bang nangyayari at sinugod mo kami dito at hinahanap si Yanna ??" tanong ko .

"Ano bang nangyari , Damian ?" si Zed . Nakahalukipkip ito at tinitingnan ang malaking 'bwisita' .

Hinawakan nito ang sentido nya at bumuntong hininga ."Kung wala sya dito , nasaan na kaya sya ?"

Nagtataka man , naglakas loob akong kausapin ito .. Tumingin ako kila Arthur . Tumango ito at pinalabas ang iba .. Pero agad din bumalik si Arthur ..

Alam ko na lahat ng lalaking nasa kwartong ito , ako , si Zed , si Chris , si Arthur at si Damian ay may pagmamahal kay Yanna .

"Ano bang nangyari Damian ? Bakit hindi mo alam kung nasaan si Khrys ?" nagsisimula ng mainis si Zed ..

"Pagkagaling ko sa Italy para sa napakahalagang business matter , hindi ko na nakita si Cherrie kahit saan .. Pero lahat ng gamit nya ay nanduon . Pero wala talaga sya .." pagpapaliwanag ni Damian .

Natigilan ako ng may sumaging ideya sa isip ko .

"May kaaway ka ba Damian ?" tanong ko .

"Oo , kayo .." walang kabuhay buhay na sagot nito habang naka-kalumbaba .

Susugod na sana si Zed para sapakin ito , pero pinigilan namin sya ..

"Mag seryoso ka nga Damian ! May nakaaway ka ba liban samin , tinorture , o kaya nireject na kasunduan ??"

Natigilan si Damian .. Na nagpatigil din sa pagwawala ni Zed ..

"Sina .."

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon