SS1 : Ch.23 - The Culprit

337 12 0
                                    

[ SOMEONE's ]

"Hindi ako makapaniwalang ipagpapalit nya ako sa katulad mo .."

"Kahit anong gawin mo , hindi mo sya makukuha sa akin !!" sigaw ng bwisit na babaeng ito .

"Anak , pag nalaman ni Master Damian ang ginawa mo , papatayin nya tayo at susumpain ang pamilya natin .." nag-aalalang paalala sakin ng aking ama .

"Tss .. As if naman na magpapahuli tayo , di ba ? Isip isip din ama ." iritableng sabi ko .

Alanganing tango ang isinagot ng aking ama . Tss .. Duwag kasi .. I rolled my eyes at tumingin sa babae na sumira ng lahat . Ang babaeng umagaw sa lalaking pinapangarap ko ."Paano mo maililigtas ang sarili mo kung wala ka man lang kapangyarihan , ha ??" mayabang kong tanong .

Hinampas ko ang ulo nya ng isang makapal na tubo . Pumalig sa kanan ang ulo nya . CRRRAAACCKK !!

Hindi na nakapagtataka na naiayos nya ang ulo nya sa dati nitong pwesto .

"Tsss .. Duwag .." bulong ko .

"Sinong duwag sa ating dalawa ??" nakangisi ito ng magsalita .

Sinenyasan ko ang aking mga tauhan para gulpihin ang babaeng ito . Sumugod sila at ginulpi ang babae .

Suntok , sipa , sampal ang sinawa nila .. Ng pinatigil ko sila , duguan ito at puro pasa . Pero lalo akong nainis ang ngisi na hindi pa rin nawala sa mukha nya ..

"Pwee .." dumura ito ng dugo ."Yan lang ba ang kaya mo ? Shannon .."

Nakapiring ito pero nakilala nya pa rin ako ?? Sinaksak ko sya dahil sa sobrang pagka-insulto .

"Tama na anak !!" awat ng aking ama .

Pero hindi ako nagpapigil .. Binaon ko ang aking katana hanggang sa lumabas ang dulo nito sa likod nya .

"Ughh .." ungol nya . Napangiti ako dahil at last !! Napuruhan ko na sya ..

Pero sa halip na manahimik .. Tumawa ito ng pagak .. Ibinaon ko lalo ang katana , sinipa ko ito hanggang sa lumabas ang buong patalim sa likod nya ..

"Nagtataka p-panigurado k-kung p-paano k-kita na-kilala .. Da-hil yan sa ramdam k-o ang pag-iging desperada mo !! At naki-kita ko kayo kahit piri-ngan mo ako ng piringan .." tumawa ulit ito .

Nanlaki ang mata ko .. Paano ?? Duguan na ang buo nitong katawan , puro sugat , pasa at halos hindi na ito makilala .. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ??

Natatakot ba ako kay Khrystyanna ?? Nanginginig ako kada maririnig ko ang pagtawa nya ..

"Wag mo akong p-patawanin .. Hindi mo kayang makita ang lahat kahit nakapiring ka pa .." pilit kong tinago ang takot ko sa babaeng ito ..

"Natatakot ka .. Natatakot ka sa babaeng nasa harapan mo Shannon .. Nakakatawa ka ." evil laugh .

Mas nakakatakot ito kaysa kay Damian .. Napaatras ako .. Tumayo ito at lumapit .. Pero dahil nakakadena ito , hindi nya ako nalapitan ..

"Tsss .. Akala mo naman makakaya mong mapatay ang tulad ko ??" ang lapit ng mukha nya sakin ..

Nanigas ang katawan ko ..

Umupo ito sa pwesto nya .. At yumuko ito at ngumiti ..

"Papanoorin ko na muna ang kamatayan mo , Shannon .."

Mabilis namin syang iniwan at kinandado ang kulungan ..

"Anong gagawin natin anak ??" si ama .

Nanginginig ako .. Isa lang ang ibig sabihin nito .. Nagising na ang kapangyarihan ng babaeng ito ..

A Vampire Love (Sharp Shooter Series #1) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon