NAIA International Airport
"Welcome to the Philippines!" wika ni Papa Percus. Napangiti ako habang hila-hila ang bagahe ko. Nilinga-linga ko ang aking sarili sa paligid. So this is Philippines..an evil smile formed on my lips nang pumasok sa isip ko kung bakit kami umuwi ng Pilipinas. Napahugot ako ng malalim na hininga. So this is it..I'll start my revenge. Magsisimula pa lang ang laban and I feel so excited na makita ang mga makakalaban ko. Si Ceres Hestia Mateu lang ang magpapatumba sayo Franko del Rio.
"So ito pala ang Pilipinas..Sa larawan ko lang ito nakikita Papa but it's so real now to me." wika ko. Simula pagkabata ay ngayon lang ako nakatapak sa bansang ito but it seems like, my heart belongs here. May kakaiba akong nararamdaman kanina sa plane habang tinitingnan ko ang bansang ito. Yung pakiramdam na dito ako galing noon pero hindi ko naman matandaan na tumira ako dito. Maybe because Papa Percus and Eros lives here nung bago pa ako dumating sa buhay nila. And speaking of my jerk brother na hanggang ngayon ay hindi pa rin kapatid ang turing sa akin ay walang imik na nakasunod sa amin ni Papa. Alam ko naman na ayaw niya talagang umuwi ng Pilipinas dahil nasanay na ito sa LA pero wala siyang magagawa sa desisyon ni Papa. Ayun parang pinagsakluban ng langit at saka lupa ang mukha nitong nakasunod sa amin.
"Yes hija..this is Philippines. Hayaan mo ipapasyal kita dito. Sa ngayon ay uuwi muna tayo sa karatig bayan ng Sto.Domingo. Sa bahay natin dati." wika ni Papa. May ngiti sa labi nito. Alam kong masaya ito na nakabalik ng Pilipinas. Maybe a lot of memories came out in his mine that's why he's happy to be here again samantalang si Eros ay hindi naman masaya.
"Kung bakit naman kasi umuwi pa tayo dito Papa..We're happy in LA tapos bigla tayong babalik dito?para ano?para na naman diyan sa kabaliwan niyo ni Hestia?!" hindi napigilang bulalas ni Eros. Pinandilatan ko siya pero mas matalim na titig ang binitiwan nito sa akin. Simula nung mga bata pa kami ay malayo na talaga ang loob niya sa akin. Palaging mainit ang ulo niya sa tuwing ako ang kaharap niya. Alam ko naman na may kakayahan siya. Nanaig ang pagiging Mateu niya dahil may abilidad din ito sa pakikipag-away pero ang kaibahan nga lang ay hindi siya katulad ko na palaging nakakakita ng kaaway dahil madali akong napipikon at dahil na rin siguro sa galit na itinanim ko sa aking puso. I don't want to be weak samantalang si Eros ay napaka-swabe ng kilos. Ang natutunan niya sa pakikipag-away ay ginagamit lang niya bilang self defense and for emergency purposes. Mahina kasi siya sabagay babae lang naman ang kahinaan ng ugok na kapatid ko na yan. Masyadong mayabang.
"Eros babalik na naman ba tayo sa isyu na yan?!.wether you like it or not ako ang masusunod at susunod ka sa gusto ko." galit na naman si Papa. Napatiim na lang ang huli at saka sinipat ako. Gusto kong matawa sa hitsura niya. Tinaasan ko siya ng kilay at saka sinadya ko talagang dumikit dito para bumulong.
"Kawawa ka naman bro." bulong ko dito at saka ngumisi. Actually, he's five years older than me and I should call him Kuya pero nandidiri talaga ako na tawagin siyang Kuya lalo na nung pinapamukha niya talaga sa akin na hindi niya ako matanggap bilang kapatid. Ewan ko lang kung bakit hindi niya ako kayang tanggapin gayong iisang dugo lang ang nananalaytay sa katawan namin. Iisa lang ang mga magulang namin pero ipinagpilitan niya pa rin na hindi niya ako kapatid. Ang sabi ni Papa ay wag ko raw pakinggan ang mga sinasabi ni Eros.
Nakita ko kung paano siya nagtatagis ng bagang. Poor Eros. Masyado kasing sarili lang ang iniisip. Hinaklit niya ang kamay ko nang hindi nakatingin sa amin si Papa dahil busy ito sa pagkipag-usap sa driver ng sasakyan niya kaya nabigla ako. Nasasaktan ako sa pagkakahawak niya. Pakiramdam ko ay bumaon ang kuko niya sa balat ko.
"Hindi ka magtatagumpay kung ano ang binabalak mo bitch!" wika nito at saka pabalya akong binitiwan na siya namang pagtingin ni Papa Percus sa direksiyon namin.
"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" agad na tanong nito. Umiling si Eros. The nerve of this man! I really hate him!.
"Okay that's good..halina kayong dalawa sa sasakyan at nang makapagpahinga na tayo." wika ni Papa. Nilampasan ako ni Eros at saka hindi man lang nag-abala na tulungan ako sa dala ko. Kakainis. Kung hindi ko lang siya kapatid ay malamang kanina ko pa to binubugbog. Nagmartsang napasimangot ako at saka pumasok ng sasakyan. Magkatabi pa talaga kami. Sinadya kong sikuhin siya sa dibdib kaya napaubo ito.
"Are you okay Eros?" Napalingon si Papa sa pag-ubo nito. Agad na tumango si Eros. Ilang sandali pa ay umandar na ang sasakyan patungo sa destinasyon namin. Patay-malisyang nagtulogtulugan ako.
"Bitch talaga." rinig kong pagmuni-muni nito. Gusto ko tuloy bumunghalit ng tawa dahil sa hitsura nito.************************
Isang buwan na kaming nandito sa Pilipinas at napasyalan ko na ang mga lugar na dahilan ng aming pag-uwi dito--ang Sto.Domingo. Sinimulan ko ng manmanan ang del Rio at nakita ko na sila sa personal. And tonight, I'll introduce myself to them. May gaganaping selebrasyon sa Villa del Rio and I want to come. Gusto kong magpakilala sa kanila at gusto ko silang makilala. Invited naman lahat sa gagawing piging mamaya. Ang hindi nila alam ay nagsisimula na akong maghiganti sa kanila.
"Where have you been?" napapitlag ako nang bigla akong harangin ni Eros papasok sa bahay. Kagagaling ko lang sa Sto.Domingo para gumala at alamin ang pasikot-sikot sa lugar. Tumaas ang kilay ko.
"It's none of your business..don't block my way!" inis na wika ko. Atribida ka talaga Eros kahit kailan. Hinaklit nito ang kamay ko ng mariin kaya napadaing ako.
"Nasa LA si Papa at obligasyon kita kaya itigil mo muna ang pagka-bitch mo Hestia!..saan ka galing?!" galit na wika nito. Galit na sinubukan ko siyang itulak pero malakas ito. Nagtatagis ang bagang na tinitigan ko ito.
"So tell me, may ginagawa ka na namang kababalaghan Hestia kaya ka palaging wala dito sa bahay, right?!" galit na wika nito. May emergency raw na aatenang meeting si Papa sa LA tungkol sa Business. Napangiti ako at nanunuya siyang tiningnan. Kailangan kita Eros para maging escort ko mamaya sa party ng mga del Rio. Inirapan ko siya.
"Hindi ako makikipag-away sayo this time Eros because I need you tonight." mahinahong wika ko. Pinipilit ko lang talaga na magiging mahinahon sa harap niya pero ang totoo ay kumukulo na ang dugo ko. Napamaang ito at saka kumunot-noo.
"What?!..ano namang kalokohan ang pumasok diyan sa isip mo ha?" inis na wika nito.
"Be my escort for tonight's event Eros." walang gatol na wika ko. His jaw literally dropped. Tumaas ang kilay ko.
"May selebrasyon sa Villa del Rio mamaya and I want to come that's why I need an escort at wala naman akong ibang kakilala dito bukod sayo kaya pagtitiyagaan kita." Wika ko na matalim pa siyang tinitigan. Confusion was written all over his face. Kumunot noo pa ito.
"At idadamay mo pa ako diyan sa kalokohan mo Hestia?!..itigil mo yan kung ayaw mong magkakagulo tayong dalawa dito!" inis na wika nito.
"Hindi...hindi ako titigil dahil nagsisimula pa lang ako Eros and don't you dare na harangin ako sa mga plano ko. Kung ayaw mong sumama then be it..hindi kita pinipilit. Mas okay na rin siguro na hindi sumama para magawa ko ang gusto kong gawin sa party mamaya." wika ko. Napadiin ang pagkakahawak nito sa braso ko.
"Anong gagawin mo Hestia?..wag kang gumawa ng mga bagay na pagsisihan mo sa huli. Kung ano man yang plano pwes itigil mo na yan!" Mariing wika nito. Napatiim ako.
"The hell you care ba Eros!?..wala ka namang pakialam sa akin because as what you've said, hindi kita kapatid dahil hindi mo ako matanggap bilang kapatid!..wala kang karapatan na pagsabihan ako sa dapat kong gawin. I'm twenty five years old and I'm old enough to know what I want to do. Hindi ko kailangan ang sermon mo. Ni hindi nga ako pinagalitan ni Papa eh ikaw pa kaya na hindi ako itinuring na kapatid?!" nang-uuyam na wika ko. Napalunok ito.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Hestia?kaya kita hindi matanggap dahil diyan sa tigas ng ulo mo. Wala ka bang damdamin?bakit ba sing tigas ng bato ang puso mo?!..bakit ba hindi mo maintindihan na mali yang ginagawa mo?! na ang paghihiganti ay hindi solusyon para mapanatag ang loob mo. Don't jump into a wrong way if you don't want to regret it at the end." wika nito. Inis na inis ako sa pananalita niya. Akala niya talaga na magiging okay lang sa akin na tutunganga na lang dito at maghintay sa susunod na mangyayari sa mga del Rio. Nungka na tutunganga ako dito.
"Dahil yun lang ang makakapagpasaya sa akin Eros!..at kapag nagawa ko yun siguro magiging panatag na ang loob ko at maramdaman ko na ang tunay na kasiyahang gusto kong maramdaman mula pagkabata ko!..hindi mo alam kung gaano ito ka-importante sa akin kaya pwede ba tigilan mo na ako!?..tigilan mo na ang paninermun mo dahil hindi uubra yan sa akin. Ang gusto ko ang masusunod!" sigaw ko dito at saka itinulak siya. Binitiwan niya ako.
"Ang tunay na kasiyahan ay hindi nakukuha sa paghihiganti Hestia, tandaan mo yan." wika nito. Nakipagtitigan siya sa akin at saka napahugot ng malalim na hininga. Tatalikod na sana ako nang magsalita ito ulit.
"I'll be your escort tonight..sasamahan kita." wika nito. Napataas-baba ang dibdib ko at saka napangiti at nilingon ito pero agad na itong tumalikod. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumapasok sa isip ni Eros. Masyado siyang misteryoso sa akin kahit na magkapatid pa kami. Dapat ay suportahan niya ako sa gagawin ko dahil ina namin ang ipaghihiganti ko at pagmamay-ari namin ang kukunin ko sa mga del Rio pero baligtad yata ang utak nito para pigilan ako sa gusto kong mangyari. Napakahina mo talaga Eros at ang kahinaan mo na yan ang papatay sayo. Matalim na tingin ang pinakawalan ko bago pumasok sa kwarto ko. I need to relax for a while dahil maya-maya lang ay makilala ko na ang mga del Rio ng personalan. Napangiti ako. Ano kaya ang magiging reaksyon nila na makita ako?well, hindi naman ako importanteng tao para pagtuunan nila ng pansin. Mag-ingat lang sila sa kamandag ko. I am a bitch of all the bitches.
BINABASA MO ANG
The Hidden Secret
RomanceRevenge is all in her mind.. revenge to the del Rio family. Si Ceres Hestia ay binuo ni Percus ng walang ibang mararamdaman kundi galit at paghihiganti lamang sa mga del Rio. Sino ba si Ceres Hestia? Ano ba ang tunay na katauhan sa likod ni Ceres He...