DAHAN-dahan akong nagmulat ng mga mata..Puro puti ang nasa paligid ko. Gumalaw ako pero napaigik ako sa sakit sa may bandang dibdib ko.
"H-Hestia?..oh God you're awake!" napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Napakunot-noo ako nang makilala ko ito.
"D-Donya Luisa?" sambit ko. As if on cue ay bumalik sa aking alaala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Bigla akong nakaramdam ng pagkahabag. Tinitigan ko si Donya Luisa. She looked so worried and happy..tumulo ang mga luha nito. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko pagkatapos kong marinig na tunay kong ama si Don Franko and that only means that the persons that I hate at pinaghigantihan ay sarili kong pamilya...hindi ako makapagsalita..I couldn't find words to say..bigla niya akong niyakap.
"A-Anak...mahal kita..Nung mawala ka sa akin ay halos ikamatay ko iyon..you are my only Seniorita pero hindi ko akalain na magawa iyon ni Percus sa amin..We've been good to him pero wala siyang ibang hinagad kundi ang sirain ang pamilya natin.." lumuluhang wika nito. Hindi ako nagsalita. I was trying to digest the things around me--the truth in front of me. Aaminin kong nahabag ang kalooban ko kay Donya Luisa. Pinugpog niya ako ng halik na para bang isa akong baby na ngayon lang niya nakita. I felt something that warmed in my heart. Matagal kong gustong maramdaman ang pagmamahal ng isang ina--ang haplos at mga halik ng isang ina and I thought everything will not happen anymore dahil pinatay si Mama pero hindi ko akalain na hindi pa huli sa akin ang lahat..hindi ko alam kung paano ako magrereact. Everything from was being stolen..stolen by Percus Mateu. Kung ganun hindi ako isang tunay na Mateu?..hindi kami tunay na magkapatid ni Eros?..pero kahit ganun pa man ay hindi magbabago ang katotohanan na ang totoo kong pamilya ang pumatay sa Mama niya..Hindi ko alam kung paano harapin si Eros. I hurt him in so many ways at hindi ko alam kung paano ko hihilumin ang sugat na ibinigay ko sa kanya.. Talagang hindi siguro kami ang para sa isa't-isa because of so many reasons lalo na dahil pamilya ko ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.
"Anak alam kong nabigla ka sa lahat ng nangyayari sa paligid mo..I'm so sorry..if there's a way para ako na lang sana ang mahirapan ay gagawin ko anak wag ka lang mahirapan.." emotional na wika nito. Titig na titig ako sa kanya. Ganito pala talaga ang pagmamahal ng isang ina?
"H-Hindi ko po alam ang sasabihin ko.." sambit ko. Hinaplos niya ang mukha ko. Napapikit ako.
"You don't have to say a word Anak..makita lang kitang ligtas na ay magiging okay na ako..hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo..I can wait..we can wait hanggang sa matanggap mo kami bilang pamilya mo.." wika nito. Gusto kong umiyak pero umiiral na naman ang pagiging matigas ko.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa roon isa-isa ang del Rio brothers. They're both good looking and decent man. Matitikas ang katawan at kapwa matatangkad na mga tao. Manang-mana sila sa--kay Don Franko. I blink three times. Lumapit sila sa akin."Mga anak buti naman at dumating na kayo..gising na si bunso.." wika ni Donya Luisa. Hindi ko makuhang ngumiti. I was just looking at them. Naninibago talaga ako. Gusto kong nandito si Eros para may kakampi ako at para may magsabi sa akin na magiging okay lang ang lahat but he's not here. Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa mga titig nila..nakakatakot sila kong makatingin.
"Tingnan mo Kuya Enzo, you two have the same eyes.." sambit nung nakilala ko sa party na Manuel kay Lorenzo--iyong lalaking binaril ko ten months ago. Lumapit sa akin si Lorenzo..Kumakabog ng husto ang dibdib ko. Sarili kong kapatid ay muntikan ko ng mapatay..paano na lang kung napatay ko talaga siya at ngayon ko lang nalaman na kapatid ko pala siya..hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyayari. Muntikan ko ng mapatay si Lorenzo at nabaril ko pa si Don Franko.
"How are you?.." mahinahong tanong ni Lorenzo. Napakurap ako.
"S-Sana..s-sana namatay na lang ako.." hindi napigilang wika k at saka yumuko. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila dahil sa nagawa ko. Alam ko namang wala silang kasalanan kung bakit kami naghiwalay dahil pinakalat ni Percus na patay na ako.
BINABASA MO ANG
The Hidden Secret
RomanceRevenge is all in her mind.. revenge to the del Rio family. Si Ceres Hestia ay binuo ni Percus ng walang ibang mararamdaman kundi galit at paghihiganti lamang sa mga del Rio. Sino ba si Ceres Hestia? Ano ba ang tunay na katauhan sa likod ni Ceres He...