"SHIT!" naibato ko ang newspaper na hawak ko. Hindi ko pala napuruhan ang lalaking iyon? Talagang pinapatunayan lang nila na ang masamang damo ay matagal mamatay. Kuyom ang mga palad na tumayo ako at saka lumabas ng bahay. After kung makarating dito sa bahay ay ito ang klase ng balita ang bubungad sa akin?..Walang hiya ka talaga Eros! kung hindi dahil sa pangingialam mo ay nabalikan ko na sana si Lorenzo ay nang matuluyan. Pero sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay sa gagawin mo. Alam kong hinanap mo na ako ngayon at alam kong uuwi ka dito sa malaking bahay pagkatapos mong malaman na lumayas na ako sa pinagdalhan mo sa akin.
Kinuha ko ang baril at saka cellphone ko at saka sumakay ng kotse ko at umalis ng bahay. Kailangan kong humanap ng paraan. I need to go to the hospital. Kailangan kong malaman ang kalagayan ng masamang damong iyon at kung makakita ako ng tamang tiyempo ay tutuluyan ko na iyon para hindi na siya magising ng tuluyan. Dinala ko pa rin naman ang mask ko na dala ko kaninang madaling araw sa paglayas ko kay Eros. Sa ngayon ay magmamanman muna ako sa Villa. Na-coma pala ang Lorenzong iyon. Mabuti sana kung hindi na magising ang hunghang na iyon para wala na akong magiging problema. Para naman mababawasang isa ang mga kalaban ko. Tiim ang bagang na nagmamaneho ako habang tinatahak ko ang daan patungong Villa del Rio nang tumawag si Papa Percus. Agad ko iyong sinagot."Hey Papa!" bati ko dito. He chuckled for a while.
"Hey Hestia..I heard the news about Lorenzo del Rio." wika agad nito. Tumaas ang kilay ko.
"Yeah..I shoot him on the head." may pagmamalaking wika ko.
"Good but you know it's not what I want..Hindi ako napabilib sa ginawa mo. Kailangan mong gumawa ng paraan para mapatumba silang lahat..bilis-bilisan mo ang mga kilos mo Hestia bago ka pa nila mauunahan. You played it so slow and I can't wait for the result. Ipakita mo ang pagiging devil woman mo." wika nito sa kabilang linya. Napatiim ako. I know he's not happy about the news pero kapag nabalitaang patay na ang Lorenzong iyon ay malamang matutuwa si Papa pero hindi ko pa rin nagawa. Bumuntong-hininga ako.
"I know Papa..pero sisiguraduhin ko sa inyo na mapapatay ko ang Lorenzong iyon..mapapatay ko silang lahat. Just give me more time." wika ko. Bumuntong-hininga ito.
"Just don't say it Hestia..do it." wika nito. Marahan akong tumango.
"Sure Papa..I'll do it." wika ko.
"Okay, aasahan ko yan..but by the way one month pa ako dito sa LA..marami pa akong ginagawa dito and I want you to handle things there and just make sure that when I return, there's a progress on your mission." wika nito.
"S-sige Papa.." wika ko. Wala na akong narinig na salita mula sa kabilang linya. Pinutol na ni Papa ang usapan. I sighed at saka ibinato ang phone sa upuan.
"Shit!" mura ko at saka idiniin ang manibela ng sasakyan. Napatiim ako ng bagang. Ilang sandali pa ay nasa di-kalayuan na ako ng trangkahan ng Villa. Mula rito sa aking kinaroroonan ay tanaw na tanaw ko ang maraming mga armadong lalaki na nakapalibot sa buong Villa. Shit! talagang pinaghandaan nila. Naalarma sila sa ginawa ko. Ang tanga-tanga ko kasi. Kung bakit naman hindi ko pa tinuluyan si Lorenzo! Ayan tuloy mukhang mahihirapan ako ngayon. Pinaandar ko ang sasakyan para pumunta ng hospital kung saan naka-confined si Lorenzo. May naglalarong masamang balak sa isip ko. I want to visit him. Napangiti ako at saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan patungong hospital. Sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari din ng mga del Rio ang hospital na iyon. Ang yaman pala nila. No wonder lahat ng gusto nila ay nakukuha nila in a split of a second. Kaya nga nilang bumili ng kaluluwa ng tao dahil sa sobrang yaman nila. Well, I guess ako ang puputol sa mga sungay nila.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang hospital ng mga del Rio. Kinapa ko ang bag ko at saka isinuot ang contact lens ko and I let my hair flow freely para walang makakilala sa aking tunay na pagkatao. Mas pinaamo ko ang mukha ko bago ako lumabas. I walked like a model para hindi ako magiging kahina-hinala sa mga tao. Papunta na sana ako sa information desk nang mahagip ng mga mata ko si Donya Luisa. Naglalakad kasama ang isang nurse. Napangiti ako at saka mabilis na lumapit dito at sinadya kong banggain siya kaya napahinto ito.
BINABASA MO ANG
The Hidden Secret
RomanceRevenge is all in her mind.. revenge to the del Rio family. Si Ceres Hestia ay binuo ni Percus ng walang ibang mararamdaman kundi galit at paghihiganti lamang sa mga del Rio. Sino ba si Ceres Hestia? Ano ba ang tunay na katauhan sa likod ni Ceres He...