Chapter 5- Ang Plano ni Hestia

3.9K 105 4
                                    

NANDITO ako ngayon sa di-kalayuan ng trangkahan ng Villa del Rio at hinihintay kong lumabas si Mr.deep blue eyes. Desidido na ako na mapatumba siya ngayong araw na ito at ako mismo ang gagawa niyon. Hindi naman niya ako makilala because I'm wearing a middle east attire na hindi nakikita ang katawan ko at hindi niya malalaman ang kasarian ko. I'm wearing a mask at mata lang ang nakikita sa akin and I'm not wearing a contact lens because I want him to see as he dies na ang tatapos sa kanyang buhay ay kaparehas ng mga mata niya. Muli kong tiningnan ang aking relo at napangiti ako. Maya-maya lang ay lalabas din iyon. Dinagdagan ko pa ng konti ang aking pasensiya. Huminga ako ng malalim habang hawak-hawak ang baril na gagamitin ko sa pagpatay ko sa kanya. Ilang sandali pa ay may lumabas na sasakyan mula sa trangkahan ng Villa at nakita ko si Mr.deep blue eyes..I think his name is Lorenzo, the father of the twins na bininyagan nung isang araw. Ngumisi ako at saka sinundan ang sinasakyan niya. Dumistansiya lang ako. Siguro papunta sa trabaho ang lalaking ito. Based on the information that I gathered, he's a doctor..maybe papunta siya sa hospital na pagmamay-ari din nila. Sinundan ko lang siya at siniguradong hindi niya ako mapapansin na nakasunod sa kanya. Humanap ako ng tiyempo para masimulan na ang aking plano. Ilang sandali pa ay dumaan kami sa hindi mataong daan. Agad akong um-overtake sa sasakyan ni Lorenzo at saka bigla ko iyong iniharang sa daraanan niya. Umaalingawngaw ang biglang pagbreak ni Lorenzo sa kanyang sasakyan..Dahan-dahan akong lumabas at saka lumapit dito saka itinutok dito ang hawak kong baril. Pinipilit ko siyang ilabas sa kotse at hindi ako nagsasalita dahil gusto kong mananatiling misteryoso sa kanyang angkan ang pagkakabaril sa kanya.
"Hey! w-what are you doing?! sino ka ba?!.,a-anong kailangan mo sa akin?!..pera?ibibigay ko sayo! shit!" sigaw nito but I never answered him. Lalo lang kumulo ang dugo ko sa pinagsasabi niya. Pera? huh! nagkakamali siya ng kinalaban dahil hindi ako hayok sa pera..I have money and I can buy what I want...all I need is to fulfill my revenge!..
Kinwelyuhan ko siya at saka pinalabas ng kotse niya. Napatiim ako lalo na nang mapatitig ako sa mga mata niya. Matapang siya pero nakikinita ko na sa mga mata niya ang takot sa akin and I loved the idea that he's scared of me right now at nang sa ganun ay mas madali na lang ang pagtapos ko sa kanyang buhay. Bigla niya akong sinipa sa paa kaya napaupo ako at nabitiwan ko ang baril at napalayo ito sa akin. Hinawakan niya ako sa leeg. Mas lalo akong nagalit. Napadaing ako sa sakit. Syempre babae pa rin ako at lalaki ang kalaban ko pero hindi ako kailanman nagapi ng isang kalaban. Mabilis ang mga kilos ko at ginamit ko ang natutunan kong assassin moves. Ubod lakas ko siyang sinangga at saka sinipa kaya ito naman ang napaupo sa lupa. I grabbed that as a chance para pulutin ko ang baril na nabitawan ko kanina ngunit nabigla ako nang bigla niya akong itulak at dahil sa pagkabigla ay napasubsob ako sa lupa and then he run as fast as he can.
"Shit!" mura ko. Pinulot ko ang baril ko at saka mabilis ang kilos na pinuntirya ko ang paa niya para hindi siya makatakas sa akin.

Bang!!

"Ahhhh!! Fuck!" rinig ko ang pagsigaw nito dahil sa pagtama ng bala sa paa niya. Napahiga ito sa lupa. Napangisi ako at saka dahan-dahan siyang nilapitan habang nakapuntirya dito ang hawak kong baril. Galit na itinutok ko ang baril sa ulo niya. Shit this man!..I hate you del Rio.
"A-Anong gagawin mo!?..n-noo..no!" Sigaw nito na halatang natatakot na. Sino ba naman ang hindi matatakot na mamatay tapos may mga anak pa siyang naghihintay sa kanya?..kagaya lang din ng pagpatay sa ina ko. Ni hindi nila naisip na meron pang mga anak na naghihintay sa kanya bago nila ito walang-awang pinatay. Kung buhay ang kinuha nila then buhay din ang kapalit sa kalapastangan ginawa nila.
Kakabitin ko na sana ang gatilyo nang may mga taong dumating.
"Hoy!! anong ginagawa mo?!" wika ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sampu ka taong papalapit kaya dahil sa pagmamadali ay basta ko na lang nakabit ang gatilyo ng baril na hindi ko alam kung saan tumama at saka mabilis na tumakbo palayo sa lugar na iyon pabalik sa kotse ko. Nakita kong sinundan nila ako kaya pinaharurot ko ang sasakyan ng mabilis. Hindi naman nila matrace-up ang sasakyan ko dahil kinuha ko ang plate number nun kanina. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Hindi muna ako didiritso ng bahay dahil baka masundan nila ako at matuntun kung saan ako nakatira. Mas mabuti na yung mananatiling palaisipan sa kanila kung sino ang gumawa ng krimin. Napangiti ako. Patay na yung hunghang na del Rio na iyon. Akala ko ba matatapang sila?takot din palang mamatay. Didiritso na lang ako sa siyudad at para gumala at mamayang gabi na ako uuwi sa bahay. Napansin kong may sumusunod sa akin na kulay itim na kotse kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko. Bumilis rin ang takbo nito at saka huminga ako ng malalim nang lampasan niya ang kotse ko.
"Sira-ulong driver yun ah! akala ko ay nasundan na ako." sambit ko at saka nahampas ang manibela ko ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang umalingawngaw ng break ang kotseng iyon sa unahan at humarang sa dinaraanan ko kaya nanlaki ang mga mata ko at bigla akong sinalakay ng kaba at napa-break ako ng husto. Kinuha ko ang baril ko at saka bumaba ng kotse. Kung sino ka mang pontio pilatong magtatangka sa akin ngayon ay sisiguraduhin kong una siyang mamatay kaysa sa akin. Suot ko pa rin ang masakara ko kaya hindi niya ako makikilala. Hindi pa ako nakapasok sa city kaya hindi matao ang lugar na ito. Inihanda ko ang aking sarili para sa kalaban. Nagpalinga-linga ako at saka nilapitan ang kotse nito. Nang makalapit na ako sa bintana ng kotse sa driver's seat ay itinutok ko ang baril ko doon nang bigla iyong bumukas at bumungad sa akin ang galit na mukha ni Eros. Napamaang na naibaba ko ang aking baril.
"You killed someone! hindi ka ba nakokonsensiya Hestia?anong kasalanan ng anak sa kasalanan ng ama?" mariing wika nito. Tinanggal ko ang maskara ko. Para ano pang magmasakara ako eh nakikilala na niya ako. I rolled my eyes. Pinamaywangan ko ito.
"Wala sa bokabularyo ko ang salitang konsensiya Eros kaya tumigil ka! at ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong pakialaman sa mga plano ko kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa!..kung hindi ko mapapatumba ng mabilis ang puno pwes uunahin ko muna ang mga sanga nito at nang sa ganun unti-unti na siyang manghihina" inis na wika ko. So sinundan pala niya ako at nakita niya ang ginawa kong pagbaril sa isang del Rio?...
Bumaba si Eros sa kotse niya at saka nagtatagis ang mga bagang na tinapatan ako at saka hinawakan ng mariin ang mga braso ko kaya napadaing ako. Ewan ko pero pagdating kay Eros ay wala sa kalingkingan ang galing ko sa pakikipag-away. He's a fighter too. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at bigla akong nanghina. Nanlaki ang mga mata ko nang may inilabas siyang panyo at mabilis na inilagay sa ilong ko at dahil sa panghihinang nararamdaman ko ay hindi ako nakapanglaban.
"I'm sorry Hestia pero kailangan kong gawin ang makakabuti sayo." narinig kong wika nito at saka nawalan ako ng ulirat.

****************************

I saw her almost killing one of the son of Don Franko del Rio. Kinutuban ako kaninang umaga nang makita ko siya na lumabas ng bahay na nakasuot ng halos walang makita sa katawan niya and she's wearing a mask na mata lang ang nakikita sa kanya. Sinundan ko siya sa malayo and I saw her sa di kalayuan ng trangkahan ng Villa del Rio at sigurado ako na may hinihintay siya. Ilang oras din ang paghihintay na iyon nang makita kong may lumabas na kotse ng mga del Rio at kung hindi ako nagkamali at siya iyong kaparehas ng mga mata ni Hestia. Mas lalo akong kinabahan lalo na nang sinundan ni Hestia ang kotse nito. Sinundan ko sila ng palihim. Ayokong tuluyan na siyang magiging kriminal at lalamunin na siya ng galit at paghihiganti. Kailangan ko siyang pigilan at hindi nga ako nagkamali dahil hinarangan ni Hestia ang sinasakyang kotse ng anak ni Don Franko at saka tinutukan ito ng baril at pinalabas ng kotse. Nagkasagupaan pa silang dalawa so I got scared. Mabilis ang mga kilos na tumawag ako ng tulong mula sa mga taong nasa di-kalayuan naninirahan. Kailangan kong mapigilan ang gagawin ni Hestia.
"Manong, tulungan niyo po ako! may nag-aaway po doon sa unahan..isa po sa anak ni Don Franko ang papatayin ng masakaradong tao." wika ko sa mga tambay doon. Pagkarinig nila na anak ng Don Franko ang tinangkaan ay mabilis na tumayo ang mga kasamahan nito. Mga sampung katao agad ang lumapit.
"Nasaan hijo?" wika ng matandang lalaki. Napalunok ako at saka itinuro kung saan. Mabibilis na tumakbo ang sampu ka tao sa direksiyong itinuro ko. Mabilis rin na pumasok ako sa aking kotse at saka pinasibad iyon at ipinark malayo sa pinangyarihan ng gulo. Bumaba ako at saka nagtago sa isang kahoy para hindi makita. Nakita kong nilapitan ni Hestia ang anak na del Rio na ngayon ay nakahiga sa lupa at duguan ang paa. Sigurado akong nabaril iyon ni Hestia sa paa kaya iyon nagdurugo at hindi makatakbo at makatakas sa babae. Tinutukan ito ni Hestia ng baril sa ulo ngunit dumating ang mga sampu ka taong sinabihan ko at inawat si Hestia ngunit pinaputok pa rin nito ang baril at saka mabilis na tumakbo palayo. Mabilis akong lumabas sa pinagkublian ko at saka dinaluhan ang del Rio. Nanlaki ang mga mata ko nang wala na pala itong malay. Kinapa ko ang pulso nito at laking pasalamat ko na buhay pa ito.
"Manong dalhin niyo siya sa hospital sa lalong madaling panahon dahil buhay pa siya. Ito ang pera oh para mas mapadali ang pagdala sa kanya sa hospital." wika ko sa mga tao at saka ibinigay sa matandang lalaki ang pera. Mabilis na kumilos ang mga kalalakihan na kumuha ng masasakyan.
"Diyos ko po..si Seniorito Lorenzo pala ito. Bilis na! dalhin na natin siya sa hospital." wika ng matandang lalaki.
"Sige po..mauna na po ako at may lalakarin pa ho ako." paalam ko sa mga ito.
"Salamat hijo..kundi dahil sayo ay baka natuluyan na si Seniorito Lorenzo." wika ng matanda. Tumango lang ako at saka tumakbo sa kotse ko at pinaharurot ito para maabutan ko pa si Hestia. The nerve of that woman!.makakatikim siya sa akin!
Pinipiga ko na ang lahat ng bilis ng sasakyan ko para maabutan siya and thanks to all the angels above dahil nakita ko sa unahan ang sasakyan ni Hestia na walang plate number. Napakatuso mo talaga Hestia at hindi ko hahayaang tataas ang sungay niya. Sinundan ko lang siya. Napansin marahil nito na may sumusunod sa kanya kaya mas pinabilis nito ang takbo ng sasakyan. Tiim ang bagang na binilisan ko rin ang sasakyan ko at saka nilampasan siya at pagdating sa unahan ay hinarang ko ang kotse ko kaya umalingawngaw ang pagbreak ko. Napahinto rin ito at ilang sandali pa ay lumabas ito na may hawak na baril. Suot pa rin nito ang maskara niya. Napatiim ako lalo. She's like a monster now but I can be a devil to her. Ilang sandali pa ay itinutok nito ang baril sa bintana ng kotse ko kaya inis na binuksan ko ito na ikinagulat nito. Nagkasagutan kami at hindi ko natiis ang aking sarili at lumabas ako ng kotse ko at hinawakan siya ng mariin sa braso at pinisil ko ang palapulsuhan niya kung saan pwede siyang manghina. Kung magaling siya sa pakikipaglaban then I am too. Mas magaling ako sa kanya pero hindi ko iyon ginagamit sa masamang paraan. Naramdaman kong nanghina siya kaya mabilis na inilabas ko ang aking panyo na nilagyan ko ng pampahilo at inilagay iyon sa ilong niya.
"I'm sorry Hestia pero kailangan kong gawin ang makakabuti sayo." Wika ko at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Isinakay ko siya sa kotse ko at saka inilayo sa lugar na iyon. Tumawag ako ng taong kukuha sa kotse ni Hestia. Kailangan ko siyang mailayo dito dahil baka masundan pa siya. Kailangan ko siyang dalhin sa isang lugar pansamantala dahil kapag nalaman niyang buhay pa ang anak ni Don Franko na binaril niya kanina ay malamang babalikan niya iyon para tuluyan at iyon ang hindi ko papayagang mangyari. Gagawin ko ang lahat maputol lang ang kahibangan niya.

The Hidden SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon