Chapter 23- Smell of Love

5.5K 134 1
                                    

One thousand eight hundred twenty five days had passed....

"Mama! Papa!" I exclaimed with so much happiness nang dalawin na naman nila ako dito sa London. It's their second visit simula nung umalis ako. Hindi na raw kasi nila kaya na maghintay lang doon sa Pilipinas kung kailan ako uuwi. Sobra na raw nila akong namimissed. Parang batang yumakap ako sa kanila. Pinugpog ko silang dalawa ng halik.

"How's my princess?" Papa said with glimmered in his eyes. Humagikhik ako. Tumawa si Mama na nakaakbay sa akin.

"Ano sa tingin niyo Pa, Ma?" nakangiting wika ko. Niyakap ako ni Papa.

"Oh my precious one..I'm happy to see that you're happy now..ibang-iba na sa Hestia five years ago.." emosyonal na wika ni Papa. Naluha si Mama. The first time they're visiting me ay last year nung birthday ko. Sinurprised nila akong dalawa. Kinausap ako ni Papa. Sinagot niya ang mga tanong na matagal ng bumabagabag sa isipan ko tungkol sa nakaraan nila ni Papa Percus. Grabe ang iyak ko noon. Na para bang sa loob ng mahabang panahon na naging heartless ako at matigas ay ibinuhos ko ng mga panahong iyon. Para bang dahil sa katotohanang iyon ay nagkaroon ulit ako ng panibagong personality..na tila ba tinangay ng mga luha ko ang dating ako at napalitan iyon ng isang Hestia na may puso at mapagkumbaba. Aaminin kong hindi madali ang tanggapin at mahalin ulit ang sarili ko dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay pero sa awa ng Diyos ay tinulungan niya akong matanggap ang lahat. Tinulungan ko ang sarili ko na mapalapit sa panginoon at nagsisilbi ako sa mga taong nangangailangan ng tulong and in fact, I joined religious group to heal myself..matagal akong nakamoved on. Alam ko namang hindi madaling kalimutan ang lahat..actually, hindi naman dapat na kalimutan ang mga pinagdaanan ko dahil ito ang dahilan kung bakit ako nagiging isang taong may paninindigan. The past inspired me a lot lalo na si Eros..wala na akong balita sa kanya. Sana ay nagiging okay siya at masaya. Siguro nagkapamilya na siya ngayon.

"Ma, wag kayong umiyak..naiiyak na din ako eh..ito kasing si Papa ay napaka-emosyonal magsalita. Diba pwedeng masaya lang tayo kasi ngayon lang tayo nagkita ulit?.." wika ko at saka nagpapacute sa kanila. Natatawang pinahid ni Mama ang kanyang mga luha at saka niyakap nila ako.

"My Princess, I want you to go with us..sumama ka na sa amin pauwi sa Pilipinas..namimissed ka ng mga kapatid at mga pamangkin mo..siguro naman enough na yung time na nagkalayo tayo para bumalik ka na sa amin.." wika ni Papa. Hinila ko silang pareho at saka naupo kami sa sofa ng apartment ko. Huminga ako ng malalim. Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

"We want you back..can you spend your christmas with us?" may halong pagmamakaawang wika ni Mama. Napakagat-labi ako. Wala ng rason para hindi ako bumalik ng Pilipinas. I'm okay..I moved on so what am I waiting for?..and besides I missed my brothers at gusto kong sa pagkikita namin ay matatawag ko na silang kuya..I missed my pamangkins too at higit sa lahat ay gusto kong maranasan ang isang christmas kasama ang pamilya ko..ang tunay kong pamilya. I wanna know what's the feeling of being with them..yung sama-sama kami at masaya.

"God healed me Ma, Pa and I think it's time for me to go back to where I belong..wala namang rason para hindi ako umuwi ng Pilipinas because I totally moved on..masyado ng matagal ang five years na magkalayo tayo..kung thirty years na tayong nagkakalayo simula nung bata pa ako..kailangan ko ng bumawi sa inyo..kailangan kong punan ang lahat ng panahon na hindi tayo magkasama." wika ko. Nagkatinginan sina Mama at Papa at saka niyakap ako ng mahigpit.

"Siguradong matutuwa ang mga kapatid mo sa naging desisyon mo anak." wika ni Mama. I smiled. Excited na akong umuwi ng Pilipinas. Nagbalitaan kami at nagkwentuhan ng mga magulang ko at saka nagbonding kami. Kumain kami sa labas at dinala ko sila sa mga lugar kung saan ako nagseserbisyo sa mga tao. Dinala ko sila sa Orphanage na tinutulungan ko habang nasa panahon pa ako ng aking moving on process. Natutuwa naman ang mga magulang ko na makita ako na ganito na..malayong-malayo na sa nakilala nilang anak.

The Hidden SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon