Chapter 1-Hestia Vs.Eros

11.6K 152 4
                                    

Clap! Clap! Clap!

NAPATIGIL ako sa pag-eensayo ko ng karate na may kasamang fencing at napalingon sa aking likuran nang marinig kong may pumapalakpak. Nakita ko si Papa Percus na nakangisi sa akin. Pinahid ko mg towel ang tumatagaktak na pawis sa mukha ko at saka nilapitan ito.
"Kanina ka pa ba diyan Papa?" tanong ko at saka uminom ng tubig at nakapamaywang na binalingan ito.
"Yeah..kanina pa akong nakatingin sayo dito and congratulations because you improved your skills a lot." Wika nitong nakangisi. Tumaas ang kilay ko. Hinawakan ko ang matalim na espadang ginamit ko sa pagpapraktis ng fencing at saka napatiim. Humugot ako ng malalim na hininga.
"When we're going home to Philippines Papa?" walang gatol na tanong ko dito. Dito na ako lumaki sa Los Angeles California pero bihasa pa rin akong managalog dahil lahat ng naging katulong namin dito sa mansiyon ay nagmumula pa sa Pilipinas. Dito na ako nag-aral at nakapagtapos ng business Ad. Pagdating dito sa mansiyon ay puro tagalog ang mga lingguwahing ginagamit namin. Lumaki ako na walang ibang nasa puso kundi galit at paghihiganti lang sa mga del Rio. Si Papa Percus na lanv ang nagpapalaki sa akin dahil ayon sa kanya ay namatay na raw ang ina ko nung bata pa ako dahil pinatay raw ni Don Franko. Hindi pa raw sapat na pinatay nito ang ina ko at pati lupain na pagmamay-ari ni Papa Percus ay inangkin pa ng mga ito. Ang sabi sa akin ni Papa ay ang mga taong ganun ay hindi dapat na magtatagal sa mundo. Pinaghandaan kong mabuti ang paghaharap namin ni Don Franko at ng mga anak niya. Humahalakhak si Papa.
"Masyado ka yatang nagmamadali na makaharap ang mga del Rio Hestia.." wika nito habang maluha-luhang tumatawa. Umirap ako at nagtagis ng mga bagang. I throw the sword at tumama iyon sa punching bag kaya nalaglag ito sa kinalalagyan. Nagpakawala ako ng ngising-aso. Tinitigan ko ang mga kamay ko at saka nanunuyang ngumiti.
"Revenge is not yet started my dear father and I can't wait to see them..they'll going to know the revenge that they want." mariing wika ko. Ngumisi ito.
"That's good!..ipaghiganti mo ang ina mong pinatay ng hayop na lalaking yun. Bawiin mo ang lahat ng kinuha niya sa akin anak." Wika nito na nagtatagis ng mga ngipin. Tinapik ko ito sa balikat.
"I will Papa. Gagawin ko to para sa ina ko at sayo." wika ko.
"Okay, at dahil diyan ay uuwi tayo ng Pilipinas this week. I'll handle everything para sa pag-uwi nating iyon." wika nito. Nakaramdam ako ng excitement nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Kating-kati na ang kamay ko sa pwedeng mangyari kapag nagtagpo ang mga landas namin ng mga del Rio.
"Sige, paghahandaan kong mabuti ang pagkikita namin." mariing wika ko. Ngumisi lang si Papa.
"Paumanhin po Senior Percus. May tawag ho kayo." sumabad ang katulong sa usapan naming mag-ama at saka yumuko. Ipinitik nito ang kamay sa akin na ang ibig sabihin ay susunod lang siya. Agad namang umalis ang katulong. Tinapik niya ako sa balikat.
"Iwanan muna kita..just continue what you're doing." wika nito. Tumango ako at ilang sandali pa ay tinalikuran na niya ako. Kuyom ang mga palad na kinuha ang espada at saka nagsimula na namang mag-ensayo.


************************

"PANG-ILAN na ba ang pinatay niyo?..okay that's good. Just continue your mission. Sindakin niyo ang mga del Rio na yan lalong-lalo na ang Frankong iyan!" rinig kong wika ng aking amang si Percus sa kausap sa telepono. Alam kong may tinatago ang aking ama and everytime that I heard him talking to that person on the phone ay wala siyang ibang bukambibig kundi kung paano pabagsakin ang mga del Rio sa Sto.Domingo. Ilang taon na ba ang lumipas nung nangyaring biglaan naming paglipat namin dito sa LA?It's been about twenty five years has past. Twenty five years na ang nakararaan nung umuwi si Papa na may dalang sanggol na babae. Ang sabi niya sa akin ay iyon na ang sagot sa paghihiganti niya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari noon. I was five years old back then when he told that the baby is my sister pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdaman na kapatid ko si Hestia. I don't like her. She's an evil...pinalaki siya ni Papa na puro galit at paghihiganti lang ang laman ng isip. Pinag-aral siya ni Papa at halos lagi itong uuwi na may nakakaaway. Sino ba naman ang matinong tao na halos araw-araw ay may nakakaaway?..pero kahit ganun ay paborito siya ni Papa kaya lumaking suwail pero lahat naman ng pinapagawa ni Papa ay sinusunod nito. Ako iyong nagmamanage ng ibang negosyo ni Papa at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapag-asawa.
Napabuntong-hininga ako at saka napa-iling-iling. Napalingon si Papa sa akin nang matapos na nito ang tawag.
"Hindi mo talaga titigilan ang mga del Rio Papa?" tanong ko. Matalim niya akong tinitigan.
"Hindi dahil pinatay niya ang ina mo at babawiin ko lang kung ano ang pagmamay-ari ko... Pwede ba Eros wag ka ng mangialam kung ano ang mga plano ko?..atupagin mo ang negosyo natin." wika nito. Makikita ko pa rin sa mga maa niya ang matinding galit. Napapailing na lang ako.
"Galit rin ang papatay sayo Papa dahil wala ng ibang laman ang puso mo kundi galit at paghihiganti at talagang gagamitin mo si Hestia para diyan sa baluktot mong paniniwala." wika ko. Napatiim ito at bigla akong kinwelyuhan.
"Don't you dare to say that to
me again Eros dahil baka makakalimutan kong anak kita. Wag na wag mong mabanggit-banggit na ginamit ko si Hestia dahil hindi iyon totoo!" galit na wika nito. Napatiim ako.
"Bakit Papa?kailan mo ba ako itinuring na anak?simula pagkabata ay hindi ko maramdaman yun?!..minsan ay naitanong ko sa sarili ko kung anak niyo ba talaga ako. Simula nung dumating ang Hestiang iyan sa buhay natin ay nag-iba ka na!..mas nagiging mabangis ka..hindi ko na mahanap ang tatay ko na minahal ko dati!.I missed my old Dad pero mukhang hindi na maibabalik ang dating ikaw dahil galit lang ang nandiyan sa puso mo!" galit na wika ko. Lalo itong napatiim sa sinabi ko.
"You've never know kung ano ang nangyari kaya wag na wag kang magsasalita ng ganyan!" wika nito. Tumaas-baba ang dibdib ko sa inis.
"Paano ko malalaman kung hindi mo sinasabi sa akin ang totoo Papa?!" napasigaw ako sa inis. Umiling ito.
"It's for your own good.." wika nito. Pabalya akong bumitiw sa pagkakakwelyo nito sa akin at saka nagpakawala ng matalim ng tingin dito. Tumalikod akong napailing-iling. He wasn't a good father to me. He's a monster kung makilala mo siya ng husto at sa tingin ko ay hindi siya nararapat na tawagin kong ama. Kuyom ang mga palad na pumasok ako sa gym ng mansiyon kung saan palagi silang nag-eensayo ng martial arts ni Papa. Nakita ko si Hestia na seryosong nag-eensayo ng martial arts at saka fencing. Tiim na kinuha ko ang isang espada at mabilis na lumapit dito at saka ubod lakas na pinatalsik ang hawak nitong espada kaya nalaglag ito sa sahig. Tiim na humarap ito sa akin.
"Eros what the hell are you doing?!" galit na sigaw nito sa pagmumukha ko na nakapamaywang. Tagaktak ang pawis nito sa makinis nitong mukha at dumilim ang bughaw na pares na mga mata nito. Nanunuyang ngumisi ako dito.
"See? you're not a good warrior if that's what you think. Ni simpling pag-atake ko ay hindi mo agad ako napansin kaya hindi ka pa rin magaling! Buti na lang hindi ako kalaban..paano na lang kung kalaban ang umatake sayo eh di pinaglalamayan ka na ngayon..ang hirap kasi sayo Hestia ay masyado kang nagmamagaling kay Papa. You don't even know what's your worth..wala ka na ngang nagawa sa buhay mo kundi ang makipag-away simula nung bata ka pa ay masyado ka pang bilib sa sarili mo." nanunuyang wika ko. Naglinya ang mga labi at kilay nito at saka bigla niya akong sinipa at dahil sa gulat ay natumba ako sa sahig. Kumubabaw siya sa akin at tiim akong hinawakan sa leeg ng mariin. Shit! this woman! she's so evil!..
"You never know what I felt Eros kaya wala kang karapatan na magsalita sa akin ng ganyan. Hindi mo alam kung ano ang ipinaglaban ko. I am not a weak person para sa ganyang drama mo!.eh mas mahina ka pa sa akin. Kung ikaw lang din ang kalaban eh malamang talo ka na. Ipinaglalaban ko lang ang ina natin Eros at kukunin ko lang kung ano ang pagmamay-ari ni Papa!" mariing wika nito. Her deep blue set of eyes is full of anger. How dare she is para isali ang ina ko sa katangahan niya! tiim ang bagang na mabilis na hinawakan ko ang palapulsuhan niya ay ang maliit niyang baywang at buong pwersa ba pinatumba siya. Ako naman ang kumubabaw sa kanya.
"How dare you para idamay mo ang ina ko sa kalokohan niyo ni Papa Hestia?!..hindi kita kapatid, tandaan mo yan dahil wala akong kapatid na bitch at evil na katulad mo!.." galit na wika ko. Namumula na ang mukha nito marahil sa tindi ng galit nito sa akin. Kahit kailan ay hindi ko talaga siya matatanggap na kapatid. Wala akong kapatid dahil ako lang ang nag-iisang anak ng ina ko. Hindi ko alam kung paano ko siya nagiging kapatid! Hinawakan niya ang kamay ko pero mas malakas ako kaysa sa kanya dahil anak ako ni Percus. Kung nag-eensayo si Hestia then malamang hindi ako papatalo.
"Bakit ba hindi mo matatanggap na magkapatid tayo Eros! anak ako din ako ni Percus! parehong dugo ang nanalaytay sa mga katawan natin!.." galit na wika nito. Ngumisi ako sa sinabi nito.
"Tumigil ka Hestia dahil nasusuka ako sa mga pinagsasabi mo!..hindi kita kapatid. Wala akong kapatid na kagaya mo!..wala kang damdamin..galit at paghihiganti lang ang nasa puso mo kaya hindi kita kapatid at ikinakahiya kita!" inis na wika ko. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng dibdib nito marahil sa matinding inis sa akin. Pinalapit ko ang mukha ko dito ngunit hindi ito nagpapatinag.
"You're an evil!" halos bulong ko dito. Lalong dumilim ang mukha nitong nakatitig sa akin.
"Eros itigil mo yan!!" dumadagundong ang boses ni Papa. Tiim na pabalya kong binitiwan si Hestia at saka agad akong tumayo. Inirapan ako ng babae. Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako at lalampasan ko na sana si Papa nang harangin niya ako.
"Bakit mo ginagawa yun sa kapatid mo Eros!" tiim na wika ni Papa. Sinalubong ko ang galit niyang mga mata.
"Hindi ko siya kapatid kaya hinding-hindi ko kailanman ituturing na kapatid ang bitch na iyan Papa kaya wag mong ipilit sa akin ang gusto mo!" halos bulong na wika ko at saka tinalikuran ito. Shit! I hate that woman!.umiinit na naman ang ulo ko. I need to get out in this house. Kailangan kong mag-aliw. I want to pleasure a woman para mawala ang inis na nararamdaman ko nang dahil sa Hestiang iyon!

The Hidden SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon