TININGNAN ko ang aking relo kung anong oras na..it's almost seven in the evening na pero hindi pa rin lumalabas si Hestia. Bagot na bagot na ako sa kahihintay sa kanya. The nerve of that woman! Kanina pa ako bihis na bihis para magiging escort niya sa party sa Villa del Rio tapos ang tagal-tagal niyang bumaba. Dahil sa inis ay pumanhik ako sa taas para puntahan siya pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang lumabas ito sa kwarto niya. My jaw literally dropped for a moment when I saw her. She's not the typical Hestia that I know. She's wearing a black fitted gown na halos luluwa na ang malulusog niyang dibdib. Her eyes..napakunot-noo ako nang matitigan ko ang mga mata niya. Hindi na yun bughaw...She's wearing an almond brown contact lens. Her beauty is revealing.
"Hey!..you're drooling my dear brother." hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at saka hinawakan ako sa baba. Napapailing na napakunot noo ako. Naiinis ako sa sinabi niya.
"Magbihis ka ng ibang damit..I don't like what you're wearing..hindi bagay sayo. I'am not drooling if that's what you think, I just don't like your outfit. Masyadong bulgar. Wala tayo sa LA kaya wag kang magsuot ng ganyan. Wag mong dalhin dito sa Pilipinas ang pagiging liberated mo." Wika ko na naiinis sa tinuran niya. Tinaasan niya ako ng kilay at saka pinamaywangan.
"So what kung wala tayo sa LA Eros?!.democratic country naman tong Pilipinas kaya walang pakialaman kung ano ang susuotin ko atleast may suot pa ako kaysa naman sa wala. Wala namang masama sa suot ko!..and I don't owe you an explaination. Bahala ka kung ano ang iniisip mo sa akin..let's go dahil magsisimula na ang party sa Villa del Rio." mataray na wika nito. Pakiramdam ko ay uminit na naman ang ulo ko sa pananalita nito. Lalampasan na sana niya ako nang haklitin ko ang braso niya.
"Sa susunod, marunong kang gumalang sa akin dahil ako pa rin ang nakakatanda sayo!..masyado kang ipokrita Hestia at kahit kailan ay hindi ko magustuhan ang ugali mo. I hate your guts." inis na wika ko. Binawi niya ang kanyang kamay at saka matalim na naman niya akong tinitigan.
"And I hate you too!..Are you going with me or makikipag-away ka na lang sa akin?" mariing wika nito. Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangan ko siyang samahan dahil baka kung ano na naman ang pumasok sa isip niya. Baka may gagawin siyang masama and I won't let that happened. Haharangin ko ang lahat ng plano niya. Wala akong pakialam kung kamuhian niya ako at ni Papa. Wala sa loob na kinuha ko ang kamay niya at saka inilagay sa braso ko at saka naglakad na kami papunta sa kotse. Ilang sandali pa ay bumiyahe na kami. Hindi naman kalayuan ang Villa del Rio kaya after thirty-five minutes ay narating namin ang trangkahan ng Villa. Hinarang kami ng driver.
"Good evening po Sir, Ma'am..welcome to Villa del Rio. Kailangan ko hong makita ang invitation letter niyo for security purposes." wika ng guard. Nagkatinginan kami ni Hestia ngunit ngumiti lang ito at saka may kinuha sa purse niya at inilabas ang invitation card. Kumunot noo ako. Paano siya nakakakuha ng invitation gayong sa pagkakaalam ko ay bago lang kami dito sa Pilipinas?
"Here's my invitation..by the way, he's my escort." wika pa nito na ang tinutukoy ay ako. Tumango-tango ang guard matapos matignan ang invitation card at saka ngumiti.
"Sige po Sir, Ma'am, pwede na kayong pumasok." wika nito. Tinanguan ko na lang ito at saka isinara na ang bintana ng kotse.
"Saan mo nakuha ang invitation card na yun?" tanong ko dito. Umirap ito sa akin.
"Wag ka ng magtanong Eros dahil wala kang makukuhang sagot mula sa akin." wika nito. Napatiim na lang ako. Masyado talaga siyang nakakainis. Ipinark ko ang sasakyan sa mga nakahelerang mga magagarang kotse. Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng kotse at saka mabilis na humawak si Hestia sa braso ko habang naglalakad kami patungo sa party. Huminga ako ng malalim. Ano na naman kaya ang nasa isip ni Hestia ngayon? Talagang desido ito na mapatumba ang mga del Rio. Pagdating namin sa harden ng mga del Rio kung saan marami ng mga bisita ay napangiti si Hestia. Sa tingin ko ay nagsisimula na ang party. Lahat napatingin sa pagdating namin kaya medyo nailang ako samantalang si Hestia ay sobrang lapad ng ngiti. Lahat nagbubulungan lalo na yung mga kababaihan. Pakiramdam ko ay naiinggit sila sa kagandahang taglay ni Hestia. Lahat yata ng mga kalalakihan sa party ay napapalingon kay Hestia. Muntik ko ng iikot ang mga mata ko sa ere.
"Wear your smile Eros..wag kang OA." bulong ni Hestia sa akin. Napapailing na lang ako at saka hindi pa rin ngumingiti. Dumiritso kami sa mga mayayamang taong nagkukumpulan sa unahan. Meron ding limang kalalakihan na sa tingin ko ay magkapatid dahil sa hugis ng mukha at tindig. Lahat sila may mga hitsura..na para bang mga modelo na hinugot mula sa magazine. Ngunit nagitla ako nang tumingin sa amin ang isa sa mga ito. Kunot noong natitig ako sa mga mata nito...that deep blue set of eyes..parang mga mata ni..ni Hestia. Kumurap-kurap ako. Bigla na lang akong kinabahan.
"Good evening Don Franko , Donya Luisa!" napapitlag ako nang magsalita si Hestia. Sinundan ko ng tingin ang mga taong binati niya and there I saw a couple in their mid-fifties, I think. Hitsura pa lang ay alam kong mayayaman na. Bumaling sa amin ang mag-asawa. Nakangiti ang Ginang.
"Good evening din sayo hija..what's your name?pasensiya ka na kasi ngayon lang kita nakita dito." nakangiting wika ng Ginang. Ngumiti si Hestia at saka inilahad dito ang kamay.
"Oh by the way, I'm Hestia Mateu and this is my brother Eros. I'm one of the client of ALMMA Resorts and Adventures na pagmamay-ari niyo." pagpapakilala ni Hestia sa mga ito. Napamaang ang Ginang. Kumunot noo naman si Don Franko at maya-maya pa ay tila may dumaang galit sa mga mata nito.
"Kaano-ano niyo si Percus?" May galit na tanong ni Don Franko.
"Si Percus--" ngunit hindi na ako pinatapos ni Hestia.
"Si Percus ay hindi namin kilala..Bakit? Don Franko, sino ba si Percus?" wika ni Hestia. Napatitig ako sa kanya. Hindi niya sinabi ang totoo na ama namin si Percus. What the hell is she doing? Napakuyom ang Don Franko at saka huminga ng malalim.
"H-Hestia?.." sambit ng Donya na para bang maiiyak na nakatitig kay Hestia. Tumawa si Hestia.
"Donya Luisa..anong nangyayari?" wika ni Hestia. Inakbayan siya ni Don Franko. Napatitig ako sa mga mata ni Don Franko na nakatingin sa amin. Kunot noo akong napatitig sa pares na mata nito..deep blue set of eyes?..bumilis ang tibok ng puso ko.
"Mama, ano ang nangyayari dito?" Nagsilapitan ang limang lalaki. Agad na umiling si Don Franko.
"W-wala mga anak.." wika nito. May luha sa mga mata ng Ginang. Agad siyang nilapitan ng isa sa limang lalaki.
"Mama, ano ang nangyayari sayo?" nag-alalang tanong nito. Agad na pinahid ng Donya ang mga luha.
"I just remembered someone in the past, Alonzo." wika nito.
"Ma, it's been a long time..patay na siya, okay?" wika ng isa pang lalaki. Tumango-tango ang Donya.
"T-tama ka Lorenzo..hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili." wika nito. Napapailing na lang ang ibang lalaki.
"By the way, Mr. and Miss Mateu..this is my sons..si Alejandro, Lorenzo, Miguel, Mateo at Alonzo.." pagpapakilala ng Don sa mga anak sa amin. Kinamayan namin sila at ganun din si Hestia. Pagkatapos makipagkilala sa mga anak nila ay nagpunta na kami sa table namin ni Hestia. Napapansin kong palagi siyang nagpalinga-linga.
"Sino ba ang hinahanap mo?" untag ko dito. Napatingin ito sa akin at saka inirapan na naman ako.
"Wala..just mind your own business Eros. Wag mo akong pakialaman." wika nito. Napapailing na lang ako. Kaya pala may party dahil binyag raw sa kambal na apo ng mga del Rio na anak raw ni Lorenzo. Nakakatuwa. Larawan sila ng kumpletong pamilya. Napabuntong-hininga ako. If Mama didn't die twenty six years ago, masaya siguro kami ngayon at siguro hindi magbabago si Papa ng ganyan. I know he loves Mama so much na umabot sa punto na gagawin nito ang lahat maipaghiganti lang ang kamatayan ni Mama. Ayoko ng balikan kung paano nawala si Mama sa amin. Kung buhay lang sana si Mama ngayon ay alam kong hinding-hindi siya papayag sa ginagawa ni Papa at ang pagmamanipula nito kay Hestia.
"Ladies and Gentlemen! thank you for coming and joining us as we are celebrating the christening of my grand children, baby Hemera Nyx at baby Himeros Styx, the twin kids of Lorenzo Andro and Hyaceth Cuevas..Let's enjoy the party!" napatingin ako sa stage nang magsalita si Don Franko. He seems to be proud of his grand children. Sabagay, nakakatuwa din naman na merong baby. I remembered, Fritzel, my girlfriend in LA who has a one year old son that I'm fond of. Nang makita ko ana anak niya ay bigla gusto ko ng magkaanak at magkaroon ng sariling pamilya--iyong pamilya na hindi katulad sa nagiging pamilya ko ngayon. Ayokong magisnan ng magiging mga anak ko ang pagiging warrior ni Papa at Hestia. Hindi naman kasi makatarungan ang ginagawa nilang paghihiganti.Nagbubulungan ang mga kababaihan lalo na ang mga kadalagahan na nakapalibot sa amin nang malaman nilang may mga anak na si Lorenzo at hindi malabong magkakaasawa na. Sari-saring komento ang naririnig ko. May nagsasabing 'sayang' at meron ding nagsasabi ng 'sana ako na lang'. Sabagay, sa nakikita ko naman ay likas na magagandang lalaki ang mga del Rio kaya malamang habulin din ng mga babae.
"Hello, where are you? Marami ng tao dito and you need to be here..Ano?!.inutil! bakit ngayon pa?!..that's bullshit!" napatingin ako kay Hestia na namumula na ang mukha sa inis. Tumaas-baba ang dibdib nito. Napakunot noo ako.
"Pwede ba Hestia, calm down?" wika ko. Matalim niya akong tinitigan.
"Shit!..kung bakit naman kasi ngayon pa nasiraan ng sasakyan eh di kanina pa sana nag-umpisa ang putukan. Inutil talaga..sa susunod ay ako na mismo ang gagawa." halos bulong na wika nito. Napamaang ako sa lumabas sa bibig nito kaya mariin ko siyang hinawakan sa kamay at saka tumayo. Pumalag ito.
"Eros ano ba! bitiwan mo nga ako!" Inis na wika nito pero mas naiinis ako sa mga pinaplano niya. Sinasabi ko na nga ba eh na meron talaga siyang masamang balak. Shit! this woman.
"Uuwi na tayo Hestia.." mariing wika ko. Hindi naman kami napapansin ng mga bisita dahil abala ang mga ito sa party at saka medyo madilim sa bahaging iyon ng harden kung saan kami ni Hestia.
"Ayokong umuwi Eros. The party is not yet over! ano na naman ba ang napasok diyan sa utak mo?..kung gusto mong umuwi then umuwi kang mag-isa and leave me her dahil tatapusin ko pa ang party." inis na wika nito. Pinalapit ko ang mukha ko dito dahil sa inis.
"Bullshit Hestia, wag kang gumawa ng gulo dito kung gusto mo pang makauwi ng buhay..uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo kundi ay mag-eeskandalo ako dito. Don't dare me Hestia." Galit na wika ko. Sinalubong niya ang galit na mga mata ko at saka napabuga ng hangin.
"Sana hindi na lang kita isinama Eros! wala ka talagang kwenta!..you ruined my plan." inis na wika nito. Hinila ko na siya at dinala sa kotse. Pabalya ko siyang ipinasok doon at pagkatapos ay itinali ko siya dahil alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para magawa niya ang kanyang plano.
"What the hell are you doing Eros!!" sigaw niya sa akin at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin pero Hindi ko siya pinakinggan.
"Fuck!!! I hate you! I hate you Eros for doing this to me!" sigaw pa rin nito. Bahala siya kung magagalit siya ng husto sa akin basta ang importante ay mapigilan ko siya sa balak niya. Ilang sandali pa ay pinaharurot ko na ang kotse palayo sa Villa. Ayokong matuloy kung ano man ang pinaplano niya. Sa abot ng aking makakaya ay hindi ko hahayaang lamunin siya ng galit at paghihiganti. Matalim na mga titig ang pinakawalan niya sa akin. Hinayaan ko lang siya. Ilang sandali pa ay may kung ano siyang hinahanap. Napangiti ako at saka iwinawagayway ang hinahanap niya.
"Is this what you're looking for?" nanunuyang wika ko. Inis na napabaling siya sa akin at bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang iwinawagayway ko.
"That's mine! akin na nga yan!..Eros akin na yan dahil may tatawagan pa ako!shit!" Wika nito habang pinipilit na makawala sa pagkakatali ko. Umiling ako.
"Tatawagan mo ang taong inutusan mo para maghasik ng gulo sa party?!..ganyan ka na ba ka-desperada Hestia?!..ang daming tao doon sa party tapos hahayaan mong may madadamay na wala namang kasalanan?!..Is that how heartless you are Hestia?! Saan mo ba nilalagay ang puso mo?!tao ka pa ba?!" galit na wika ko. Kung galit ako ay mas galit ito sa akin ngayon. Ewan ko lang kung bakit siya ganito. Animo wala siyang puso. Para bang hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong malasakit sa ibang tao. Wala siyang ibang naiisip at itinanim sa puso niya kundi galit at paghihiganti lang. Ni hindi ko nga siya nakitang umiyak simula pagkabata namin.
Tumunog ang cellphone nito na hawak ko kaya ako na ang sumagot. Hindi ko talaga ibibigay sa bruhang to ang cellphone niya.
"Hello Ma'am papunta na po ako sa Villa. Ready na po lahat." wika nung nasa kabilang linya. Isa lang ang pumasok sa isip ko ng mga panahong iyon. Siya iyong binayaran ni Hestia..hindi maaari. Bigla kong naipreno ang sasakyan na ikinagulat ni Hestia.
"Wag na kayong pumunta..the plan is over..babayaran pa rin kita." sagot ko.
"Sino ka ba?!" wika ng lalaki sa kabilang linya.
"Shit!..Kapatid ako ni Hestia. Wag na kayong pumunta doon and that's my order!" Galit na wika ko.
"Sige Sir.." wika naman nito kaya pinatay ko na ang phone.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin Eros!..I hate you!" galit na wika ni Hestia na nagtatagis ng mga bagang.
"I'm just doing what's the best for you Hestia kaya itigil mo yang kahibangan mo!" wika ko at saka pinaandar ulit ang kotse.
"Kahit kailan ay hindi mo ako mapapatigil sa gagawin ko Eros! hindi!" galit na wika nito. Napapailing na lang ako habang nagmamaneho pauwi.
BINABASA MO ANG
The Hidden Secret
RomantizmRevenge is all in her mind.. revenge to the del Rio family. Si Ceres Hestia ay binuo ni Percus ng walang ibang mararamdaman kundi galit at paghihiganti lamang sa mga del Rio. Sino ba si Ceres Hestia? Ano ba ang tunay na katauhan sa likod ni Ceres He...