PAGKALABAS ko ng bahay ay agad niyang kinuha ang kamay ko at saka hinalikan at saka iginiya sa garden. Hindi pa rin nawawala ang nararamdaman kong kakaiba nang kinantahan niya ako. Pakiramdam ko pa rin ay luluwa na yung puso ko. Ilang sandali pa ay pinaupo niya ako sa upuan. May table sa gitna ng garden at ang tanging ilaw lang sa paligid ay ang candle sa gitna ng mesa at ang buwan sa kalangitan. Bigla tuloy akong nailang. Hindi pa naman ako nakapagbihis. First time ko pa namang maranasan ang ganitong eksena sa buhay ko. Nagpalinga-linga ako. Hindi ko na nakita ang tatlo niyang kasama.
"Where are they?" takang-tanong ko. Ngumiti ito.
"Sino?yung mga kasama ko kanina?." wika nito at saka umupo sa tapat ko. Tumango ako.
"Pinauwi ko na. Paano kita idedate kung andito sila?..gusto kitang masolo and besides, I want savor this moment that you're here with me." and then he winked at me. Nagrarambulan yata lahat ng alaga ko sa tiyan. Napangiti ako.
"G-ganito pala ang pakiramdam.." sambit ko. Napatitig siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at saka tumango.
"I knew you feel it.." wika nito at saka ginagap ang kamay ko. "I'm happy...at least you try." patuloy nito. Napamaang lang ako. Napakagat-labi ako. Kinabahan ako. Ewan ko pero hindi ko naman to nararamdaman dati eh. I am a strong woman at wala akong kinakatakutan. Ni hindi ko alam ang salitang takot pero ngayon pakiramdam ko ay tinubuan na ako nun.
"P-paano k-kung malaman to ni Papa..napakalaking gulo nito Eros. Alam mo naman ang kayang gawin ni Papa." wika ko at bigla na lang nanlambot ang ekspresyon ng mukha ko. Naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa kamay ko.
"I know...but now, I want us to throw away all the doubts and fears in our hearts Hestia. Alam mo bang masaya ako dahil alam kong natatakot ka sa posibling mangyari?" Wika nito. Napakunot-noo ako.
"B-bakit ka masaya?..Eros alam mong hindi ako ganun. Matapang akong babae at wala akong kinakatakutan." wika ko at saka pinatigas ulit ang aking boses.
"Yun nga eh..alam kong matapang ka at walang kinakatakutan pero ngayon ay nararamdaman ko ang takot mo para sa mangyayari sa ating dalawa and it only means that you're still human..hindi masama ang matakot Hestia dahil diyan tayo natututong maging matapang." wika nito. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nito. Naramdaman ko ang paghalik niya sa kamay ko that brings million voltages in my whole being.
"E-Eros..." Sambit ko. Parang biglang nanghina ang katawan ko. Ngumiti siya.
"C'mon let's eat..throw away all the things that bothered you..just focused yourself on the two of us..tayo lang Hestia." wika nito. Tumango ako at saka marahang napangiti. Bahala na. Wala naman sigurong masama kung magpapatangay ako sa kung ano ang gusto ng puso ko. Ngayon lang ako nagkakaganito kaya susulitin ko na tutal kasama ko naman si Eros. Nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain ay umupo kami sa duyan sa ilalim ng puno. Pakiramdam ko ay hindi mawaglit ang ngiti sa mga labi ko dahil sa gabing to."Eros, ang dami ko palang hindi alam sayo kahit na magkasama tayo sa iisang bahay simula pagkabata..marami kang katangian na hindi ko nakikita dahil palagi tayong nag-aaway..uhm..u-umuuwi ka pala dito sa Pilipinas nang hindi namin alam ni Papa?" wika ko. Tumawa ito at saka tumango.
"Who told you about that?" wika nito. I pouted my lips.
"Nung pinuntahan kita sa palayan nung nadapa ako..meron akong nakausap na matandang babae.. She told me that you owned this house. Umuuwi ka raw dito paminsan-minsan..she told me also na dito yung bahay nila Mama dati..totoo ba yun?" saysay ko dito. Sumeryoso ito at saka maya-maya pa ay tumango.
BINABASA MO ANG
The Hidden Secret
RomanceRevenge is all in her mind.. revenge to the del Rio family. Si Ceres Hestia ay binuo ni Percus ng walang ibang mararamdaman kundi galit at paghihiganti lamang sa mga del Rio. Sino ba si Ceres Hestia? Ano ba ang tunay na katauhan sa likod ni Ceres He...