Chapter 18- Am I Crying?

3.4K 85 0
                                    

"WHAT'S the meaning of this?!" dumadagundong ang boses ni Papa na nakatingin sa amin ni Hestia. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng mahal ko. Nanlalamig ito at alam kong natatakot siya kay Papa.

"Papa, I can expla--." Pero hindi ko na natapos ang aking sasabihin when he punched me on the face. Malakas ang pagkakasuntok niya kaya nasadlak ako sa hagdan. Tiim na kinwelyuhan niya ako.

"Enough Papa!!wag mong saktan si Eros!" rinig kong sigaw ni Hestia na pilit na hinahatak si Papa. Tumayo si Papa at saka mariing hinawakan si Hestia sa leeg at isinandal sa pader.

"Ginagago niyo akong dalawa!!..Ikaw Hestia, kaya pala hindi mo nagawa ang pinapagawa ko sayo dahil pinagkakaabalahan mo ang sarili kong anak!!..hindi ka na nahiya!!" galit na sigaw ni Papa. Tumayo ako at saka hinablot si Papa para makawala si Hestia. Hinarang ko ang aking sarili sa babaeng mahal ko.

"Don't hurt her kundi ay magkakasakitan tayo Papa!" galit na banta ko dito. Lalong dumilim ang mukha nito. Kuyom na kuyom ang mga palad nito at saka tumaas-baba ang dibdib nito.

"Wag na wag niyo akong subukan Eros dahil baka makalimutan kong anak kita!! at ikaw Hestia, hindi pa tayo tapos!..kailangan niyong putulin kung anumang kahangalan ang ginawa ninyong dalawa dahil kung hindi niyo kayang tigilan pwes ako mismo ang gagawa ng paraan para magkalayo kayong dalawa!!" galit na wika nito. Naningkit ang mga mata kong nakatingin dito.

"Mahal ko si Hestia Papa at walang sinuman ang makakapaghiwalay sa aming dalawa!" wika ko. Naningkit din ang mga mata nito.

"Mahal?!!..are you listening to your self Eros?!!..HINDI pwede! at kung kailangang gawin ko ang lahat para magkahiwalay kayo ay gagawin ko!.hindi ko kailanman matatanggap na nagmahalan kayong dalawa!! at ikaw Hestia, ano ang alam mo sa pagmamahal?! diba wala?!..binitag mo si Eros, ganun ba?!" galit pa ring wika nito.

"H-hindi Papa..hindi mo naiintindihan..HINDI ko mahal si Eros Papa kaya wag kang mag-alala..ikaw na rin ang nagsabi na wala akong alam sa pagmamahal dahil hindi ko alam ang salitang iyon..wala akong nararamdaman para kay Eros para sa ikatahimik ng loob niyo." biglang wika ni Hestia. What I heard breaks my heart into million pieces. Akala ko ay lalaban siya..akala ko ay ipaglalaban naming pareho ang sitwasyon namin..akala ko ay nagbago na siya..akala ko ay kaya naming harapin si Papa basta't magkasama lang kaming dalawa..akala ko ay okay na kami at may nararamdaman na siya sa akin...akala ko ay gusto niya ng tulong ko pero bakit ngayon ay bigla na lang gumuho ang kaunting pag-asa ko?..napaharap ako kay Hestia at nagtatanong ang mga mata ko na nakatitig sa kanya..tumigas ang anyo niya at saka galit at paghihiganti na naman ang nakarehistro sa mga mata niya. I wanted to cry..ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin..

"I-I thought..." pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang unahan niya ako.

"Itigil mo na ang kahibangan mo Eros..magkapatid tayo kaya hindi pwede ang gusto mo. Magkaiba tayo ng pananaw at magkaiba tayo ng prinsipyo..Wag kang magpapakatanga! buksan mo ang mga mata mo sa katotohanan!..hindi kita mahal and my mission will resume..tuloy pa rin ang napag-usapan namin ni Papa--ang patayin ang mga del Rio." matapang na wika nito. Pakiramdam ko ay gumuho sa akin ang lahat--parang pinagsakluban ako ng langit at lupa at hindi na makahinga dahil sa sinabi niya. Pumatak ang luha ko na nakatitig sa kanya at umaasa na bawiin niya ang kanyang mga sinasabi but she looked away.. Huminga ito ng malalim at saka nilampasan ako.

"The kissing scene you had seen is just nothing Papa at gusto kong malaman mo na hindi pa rin nagbabago ang kagustuhan kong makapaghiganti sa mga del Rio and I'll start the revenge again with Franko del Rio at asahan mong magtatagumpay ako...but now, give me a break..gusto ko munang magpahinga..gusto kong magbakasyon para mawala lahat ng inhibisyon ko at tuluyan ko ng magawa ang mission ko." rinig kong wika nito kay Papa at saka pumasok sa loob.

The Hidden SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon