Chapter 17- The Reality

3.6K 85 1
                                    

"EROS, kailangan ko na munang umuwi ng bahay.." wika ni Hestia isang umaga. Seryoso ang mukha niya. Kumunot noo ako. I cuddled her.

"Why?..ayaw mo na ba dito kasama ako?" tanong ko. I kissed her skin. I just so loved her kissing like this. Hindi ako magsasawa sa kanya kahit kailan. Sa dinami-rami ng babae sa mundo ay kung bakit sa kanya pa ako nagkakagusto..sa kanya ko nararamdaman ang pagmamahal and I want her for the rest of my life. Hindi ko matandaan kung ano ang nagustuhan ko sa kanya kahit na nasa kanya na ang lahat ng kasamaan ng ugali. Maybe, I'm still hoping na magbabago siya..hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na pagdating ng araw ay magbabago siya--magbabago ang pananaw niya sa buhay..iyong bagong Hestia na may puso at may pagmamahal sa sarili. Pero kung tatanungin ko naman ang sarili ko ay mahal ko siya kahit na ano pa siya.

"Hindi naman sa ganun Eros..kailangan ko ng bumalik sa bahay. T-tumawag kasi si Papa sa akin kagabi." wika nito sa malungkot na boses. Sa loob ng mga panahong magkasama kami dito sa bahay ko ay may nararamdaman na akong pagbabago sa ugali ni Hestia. Marunong na siyang kabahan, matakot at malungkot at natutuwa ako dahil kahit papano ay may ipinagbago na sa ugali niya. Napakunot noo ulit ako.

"Papa called you?..anong sabi niya?" tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at saka tinitigan ako sa mga mata. Her deep blue set of eyes were piercing through my being. Hinaplos niya ang mukha ko.

"Thank you Eros.." sambit niya. I gasped. I am not expecting her to say that words. Hindi naman kasi siya mahilig magpasalamat sa kahit na anong bagay..Lumaki siyang walang kahit na anong nararamdaman kundi galit at paghihiganti lang sa puso niya. My mouth is a little bit parted at saka napakurap-kurap ako. She's not the usual Hestia that I know.

"T-thank you?..thank you for what?" nagtatakang wika ko. She took a deep breath.

"Thank you for making me feel like this..pero Eros, kailangan kong harapin ang reyalidad. Kailangan kong harapin ang buhay na meron ako..may naiwan akong mission and I need to finish that mission as soon as possible dahil nauubusan na ako ng oras." wika nito. Bigla akong nanlumo.

"Mas importante pa ba ang mission na iyan kaysa sa magkasama tayong dalawa Hestia?" May pagtatampong wika ko. Umiling siya.

"You don't understand Eros." wika niya. Kinuha ko ang mga kamay niya na nakahaplos sa mukha ko at saka napabangon ako. Napatiim ako.

"Talagang hindi ko maintindihan Hestia..ginagawa ko ang lahat para mapalayo ka sa mission na iyan dahil alam kong hindi makatarungan ang gagawin mo!" inis na wika ko. Nasasaktan ako. Ayoko siyang mapahamak pero pinipilit pa rin niya ang kagustuhan niyang makaganti sa mga del Rio. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

"Makatarungan ang gagawin ko Eros dahil para sa pamilya natin tong ginagawa ko!" wika niya.

"Hestia, hindi kailanman maging tama ang gumawa ka ng mali para sa isang pagkakamali.. Magpatawad ka dahil ako ay matagal na akong nagpatawad. May mga bagay na sadyang hindi laan para sa atin at ginagamit lang ang ibang tao para ito'y mawawala sa atin kaya wag na wag nating isipin na kasalanan iyon ng mga taong iyon lalo na't hindi natin alam ang puno't dulo ng lahat. Mahal kita at sana maintindihan mo ang gusto kong iparating sayo..ayoko isugal ang buhay mo Hestia dahil paano na ako kung mawawala ka?..ikaw ang buhay ko." malungkot na wika ko. She remained silent na tila ba pinakiramdaman ang bawat tibok ng puso ko na ang isinisigaw ay siya lamang at wala ng iba pa. Hinawakan ko ang kamay niya at saka hinarap siya. Naging mapungay ang mga mata niya at hindi ko mabasa ang tunay na emosyon niya.

"Learn to forget and forgive..alam ko namang hindi madaling makalimot pero sana isipin mo na ang buhay ay talagang may hangganan..papayag ka na lang ba na puro paghihiganti at galit lang ang nasa puso mo hangga't ikaw ay nabubuhay?...why don't you enjoy life...why don't you enjoy things around you?..Hestia, you will know the real meaning of life if you learn to accept and forgive..may mas maraming mahahalagang bagay na karapat-dapat na mapansin mo..maraming bagay ang pwedeng magpapasaya sayo higit pa sa inaakala mo...gusto kong maramdaman mo kung gaano kasarap mabuhay." wika ko sa kanya. Napatungo siya. Alam kong nahihirapan siyang intindihin ang lahat...the feelings are rare for her..

The Hidden SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon