Chapter 6- Collecting the Pieces

3.8K 112 2
                                    

NAPAMULAT ako at saka kinuskos ko ang aking mga mata to have a better vision. Gabi na pala.. Napakunot-noo ako nang mapagtanto ko ang aking kinalalagyan. Awtomatikong napatayo ako at saka nagpalinga-linga ako. Napatiim ako nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga.
"Shit! Errroooosss!!!" galit na sigaw ko at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto ngunit napakunot-noo ako nang mapagtanto ko ang kwarto. Puro kahoy ang kwartong iyon mula sa kama sa wall at mesa at ang mga palamuti ay halatang mga antique ang mga iyon. Kinakabahang napatakbo ako sa bintana at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na nililipad ang aking buhok. Nakikita ko mula rito sa bintana ang naglalakihang punong kahoy at dahil sa liwanag ng buwan ay nakikita ko ang malawak na harden na puno ng mga halamang ornamental at meron ding namumulaklak. Ano to? nasaan ako?
"Argh! Erooosss!!" nagdadabog na bumaba ako ng hagdan na yari sa matitibay na kahoy na kumikintab dahil sa varnish na nakalagay. Napaikot ang paningin ko nang bumungad sa akin ang sala na ang lahat ng gamit ay yari sa kahoy at mga antiques. Ang mga palamuti ay talagang ang luluma na pero na-preserved ng maayos at kaakit-akit tingnan. May mga nakasabit na paintings sa mga sinaunang tao. Namangha ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang lugar. Matiwasay at maaliwalas sa paningin..na para bang nasa old days ako..nung mga panahon nina Jose Rizal pero hindi magulo at payapa ang tahanan. Simpling pamumuhay at payapa. Naipilig ko ang aking ulo at dahan-dahang inilibot ang aking paningin.
"And you're awake.." napaigtad ako nang may biglang nagsalita kaya't agad akong napalingon sa pinagmumulan ng boses na iyon. Muntik na akong mapatalon nang makita kong nakatapis lang ng tuwalya si Eros at basang-basa pa ang buhok nito na halatang galing lang sa pagliligo. Bigla kong naalala ang nangyari sa amin sa pool. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan na hindi ko alam kung bakit. Pinipilit kong kontrolin kung ano ang nararamdaman ko at saka napakuyom ng mga palad. Pinatigas ko ang anyo ko at saka matalim siyang tinitigan.
"Where the hell are we Eros?!" galit na tanong ko dito pero ngumisi lang ito at saka nilampasan ako. Dahil sa inis ko ay sinapak ko ito sa likod na ikinatigil nito.
"Tinatanong kita kaya wag mo akong talikuran!" galit na wika ko rito. Ginulo nito ang buhok at saka tiim ang bagang na hinarap ako at hinawakan niya ako sa mga braso kaya namilipit ako sa sakit.
"You're so shit Hestia!..hindi ko sasabihin sayo kung nasaan tayo dahil diyan sa kahibangan mo..I'll never ever let that happened anymore!.dito ka lang kasama ako hangga't makakabalik tayo sa LA para hindi ka makapaghasik ng lagim sa mga del Rio!" galit na wika nito. Tumaas-baba ang dibdib ko sa inis. Magkapatid ba talaga kami?bakit hindi niya ako kayang suportahan?
"Bakit ka ba ganyan Eros?! dapat sana ay suportahan mo ako dahil pamilya natin ang ipinaglalaban ko at ari-arian ni Papa ang kukunin ko sa mga del Rio pero bakit sa paraan ng pananalita mo ay mas kinakampihan mo ang mga del Rio kaysa sa ating pamilya?!" galit na wika ko. Mas lalo itong nagagalit sa sinabi ko at mas mariin niya akong hinawakan na pakiramdan ko ay bumaon lahat ng kuko niya sa balat ko.
"Of course I care with this family Hestia pero sa ibang paraan!..mali ang pamamaraan mo!..bakit? kapag napatay mo ba lahat ng del Rio ay sa tingin mo magiging okay na ang lahat?na makapamuhay tayo ng payapa kapag nakuha mo na ang lahat ng ari-arian na nasa kanila?..na hindi tayo magkawatak-watak dahil makukulong ka dahil sa pagkakapatay mo sa mga del Rio?..lahat ng galit at paghihiganti na nasa puso mo Hestia ay hindi solusyon para tuluyan tayong mapanatag!..ni hindi mo alam kung bakit namatay si Mama!..hinding-hindi ko hahayaang tuluyan kang lamunin ng galit mo tandaan mo yan!" mariing wika nito at saka pabalya akong binitiwan. Nag-iipon ng hangin na napakuyom ako na nakikipagsukatan dito ng tingin.
"Ano ang dahilan mo kung bakit ayaw mong gawin ko ang paghihiganti Eros?!..wala akong pakialam kung mabubulok ako sa bilangguan basta maipaghiganti ko lang ang ina natin at wala kang magagawa dun Eros! wala!" galit na wika ko.
"Meron akong magagawa Hestia..at ginagawa ko to para sa kabutihan mo. Umaasa ako na darating din yung araw na magpasalamat ka sa ginawa kong to para sayo.." wika nito. Mas lalo lang akong naiinis dito. Simula pagkabata ay palagi na itong naging sagabal sa lahat ng plano ko sa buhay. He doesn't like me dahil masyado raw akong heartless. Hindi raw ako marunong makiramdam sa damdamin ng ibang tao. And it's not my fault. Lumaki akong ganito..wala sa bukabularyo ko ang awa at konsensiya. Lumaki akong palaging may nakakaaway. I never cried..hindi ako umiiyak in my twenty five years of existence or maybe umiyak ako nung ipinanganak ako pero nung nagkaisip na ako ay wala akong natatandaang may iniyakan ako. Crying for me is a sign of weaknesses at ayokong makaramdam nun dahil doon magsisimula ang awa at konsensiya ng isang tao. Ang sabi sa akin ni Papa Percus ay dapat hindi ko maramdaman ang awa at konsensiya kung gusto kong mapatumba ang mga kaaway ko dahil doon raw ako manghihina and Papa is right!.
"Tatawagan ko si Papa!..I'll tell him everything that you've done Eros at sigurado ako na magagalit si Papa sayo!" inis na wika ko. Ikinumpas nito ang daliri sa hangin.
"Then, go ahead Hestia tutal gawain mo naman ang magsumbong kay Papa at tingnan lang natin kung makakatawag ka pa sa kanya." wika nito at saka tinalikuran ako at saka huminto sandali.
"Oh by the way, may niluto akong ulam sa kusina..kumain ka na dahil alam kong nagugutom ka na." wika nito at saka pumanhik sa taas. Kunot noo ako habang sinundan siya ng tingin. Napahugot ako ng malalim na hininga nang biglang tumunog ang tiyan ko tanda na gutom na ako. Nagdadabog na pumasok ako sa kusina. Nakita ko kaagad ang mga pagkaing niluto ni Eros kaya sinunggaban ko iyon. Pinagsawa ko ang aking sarili sa pagkain at nang mabusog na ay iniligpit ko ang aking pinagkainan at saka hinugasan ang mga pinggan. Pagkatapos at huminga ulit ako ng malalalim at saka kuyom ang mga palad na naghahanap ako ng telepono pero wala. Tumakbo ako sa kwarto kung saan ako nanggaling kanina at hinanap ang cellphone ko at natuwa ako nang matagpuan ko iyon sa bag ko. Hindi pala kinuha ni Eros ang cellphone ko. Agad kong hinanap ang number ni Papa para tawagan at nang mahanap ay i-call ko na ay palaging nagka-cancel ang call. Sigurado akong may load ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong walang signal sa phone ko.
"Shit! walang signal dito?!" napamura ako at saka tumayo at saka itinataas ang phone ko pero wala pa rin. As in 'X' ang nakalagay sa signal. Dahil sa inis ay naibato ko ang phone ko sa kama at saka galit na dumiritso ako sa kwarto ni Eros kung saan ko siya nakitang pumasok kanina. I hate his guts! nang dahil sa kanya ay nasira ang lahat ng plano ko! Sinipa ko ang pinto ng kwarto niya na yari sa matibay na kahoy na may desinyong kakaiba na talagang pinaukit. Bumukas iyon dahil hindi pala iyon nakalocked. Dumiritso akong pumasok sa kwarto niya.
"Erooss!! Er---" napamaang ako nang makita ko siyang hubo't-hubad na nakaharap sa human size cabinet na naghahanap ng maisusuot. Agad naman itong napalingon sa akin at hindi alintana ang kahubdan na naglakad patungo sa akin bitbit ang napili nitong damit. Ohh! he's like a ramp model na naglalakad patungo sa akin. Pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang tuhod ko. Hindi ako makagalaw. Inihagis nito ang napiling damit sa kama at pinamaywangan ako na tila ba pinagmamayabang ang maganda nitong katawan. Seryosong-seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya..sabagay, ano ba ang alam ko sa emosyon?diba wala?..konti lang ang alam ko.
"You don't need to shout just to look for me..tayong dalawa lang ang nandito sa bahay na to at rinig na rinig kita Hestia..Now, what do you want?" kalmadong wika nito na nakatingin lang sa akin. Napalunok ako at naghahanap ng sasabihin. Tila ba nawawala sa isip ko ang kanina'y inis na sasabihin ko.
"Ano?tutunganga ka na lang diyan at titingin sa katawan ko?" napakurap ako nang marinig ang sinabi niya. Umalsa ang kamay ko para sana suntukin siya pero maagap niya akong nahawakan.
"I hate you!!..you ruined everything Eros at hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" galit na wika ko para matakpan ang kakaibang damdamin na ngayon ko lang naramdaman para kay Eros.
"Wala akong sinira Hestia! I am just collecting the pieces of you!" wika nito pero inis na inis pa rin ako kaya pinilit kong makawala at hindi sinasadyang nasamyo ko ang mabango niyang hininga that intoxicating my whole being. Napasinghap ako ng malakas.
"Bitiwan mo ako Eros!..hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo!" wika ko na sinubukang maging matatag sa harap niya ngunit nabigla ako nang hapitin niya ang baywang ko at idinikit sa hubad niyang katawan. Bigla akong nakaramdam ng panginginig ng katawan at nakaramdam ako ng kakaibang init na dumaloy sa bawat himaymay ng aking pagkatao.
"I'm sorry Hestia pero hindi ko kaya.." halos bulong iyon na lumabas sa bibig nito kaya napakunot-noo ako. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero natahimik na lang ako when he kissed me hard..so hard that I couldn't know how to breath...

The Hidden SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon