Chapter 21- She's My Heart

4.1K 106 4
                                    

"SABIHIN mo na ang gusto mong sabihin Franko because this is your last chance..o baka naman gusto mong sa harapan pa mismo ng pamilya mo gustong magsalita." wika ni Papa Percus at saka humahalakhak. Galit ang mga mata nito pero mas galit din ang Don Franko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa dalawa. Para bang may malaking hidwaang namagitan sa kanilang dalawa noong mga araw.

"Hayup ka talaga! don't you dare to touch my family Percus dahil kahit na hirap na hirap na ako dito sa kalagayan ko ngayon ay hindi ako susuko hangga't hindi kita mapagbayad sa lahat ng kasalanan mo sa akin!!..ang duwag mo! napakamakasarili mo!! demonyo ka talaga!" galit na wika ng Don. Nanliit ang mga mata ni Papa Percus at saka nilapitan ang Don at saka sinuntok sa sikmura. Napadaing ang Don. Bigla akong nakaramdam ng awa dito. Alam kong hindi patas ang pagtuos namin dahil nakatali siya at walang kahit na anong magawa kung sasaktan namin siya.

"Ipapatikim ko lang sayo ang kademonyohan ko Franko!..you stole everything from me..my wife, my wealth and my everything kaya ipapatikim ko sayo ang lahat ng sakit na ipinadama mo sa akin!" galit na wika ni Papa. Umubo ang Don at alam kong hirap na hirap na ito.

"W-wala akong ninakaw sayo Percus!..ikaw ang magnanakaw..sinaktan mo si Eloisa kahit na noon pa ay binabalaan na kitang wag mo siyang sasaktan at gusto mo pang pati kayamanan ko ay kukunin mo! napakahayup mo talaga! hinding-hindi kita mapapatawad!" galit pa ring wika ni Don. Napanganga ako at saka napapailing.

"Ako ang mahal ni Eloisa at hindi ikaw Franko pero ipinagpilitan mo ang sarili mo kahit na may asawa ka na!.inggit na inggit ako sayo dahil sa lahat ng natamasa mo sa buhay at pati ang puso ni Eloisa ay pagmamay-ari mo.,hinding-hindi ko matatanggap yun!..kung wala ka sana sa buhay namin ay magiging masaya sana kami!..at hindi sana siya nawala sa akin ng tuluyan!..kasalanan mo ang lahat! kasalanan mo Franko at kailangan mong pagbayaran ang lahat ng ginawa mo sa akin!" galit na wika ni Papa. Umiling iling si Don Franko. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nila. Si Mama at Don Franko ba ay may affair?

"Baka nakalimutan mo Percus na bago ka palang dumating sa buhay namin ni Eloisa ay wala kaming problema..we're happy pero sinira mo ang lahat dahil sa inggit mo..kaibigan kita but you were not a true friend to me! napakasakim mo!..wala kang pinipili basta masunod lang ang kagustuhan mo! even my daughter..y-you..y-you killed my daughter..." wika ni Don Franko na may pait sa boses. Damang-dama ko ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya--ang sakit at hapdi ng pagkawala ng isang taong mahalaga sa buhay nilang pareho. Hindi ko alam kung saan ako maniniwala ngayon--sino ang paniniwalaan ko pagkatapos ng mga naririnig ko.

"P-Papa..what's the meaning of this?..I-I thought..he killed Mama..but--" nagtatanong ang mga matang wika ko dito at saka nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa baril na nakatutok kay Don Franko. Pagkamuhi at galit ang reaksyon ni Papa. Nilapitan niya ako habang nanlilisik ang mga mata.

"Kill him Hestia!..prove to me that you're in favor of me!..patayin mo siya! wag na nating patagalin to!" Nagtatagis ang mga bagang na wika nito. Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko si Don Franko..he looked so miserable and wounded..Napalunok ako. Napahigpit ang hawak ko sa baril at saka pagkaraan ng ilang sandali ay naibaba ko ang aking baril. Napapikit ako. Hindi ko alam kumg bakit ako nakaramdam ng awa kay Don Franko na siyang pumatay sa ina ko.

"But before that Papa...You have to tell me the truth..I need to know the truth.." matapang na wika ko. Nanlaki ang mga mata ni Papa at maya-maya pa ay napatiim na nakatitig sa akin. Bigla akong nakadama ng takot at kaba. Matagal ko ng gustong itanong dito kung bakit sa tuwing titingin siya sa akin ay parang kaaway niya ako..the way he looked at Don Franko ay parang ganun din ang tingin niya sa akin. Nabigla ako nang sakalin niya ako kaya napaubo ako at nanlalaki ang mga mata ko.

The Hidden SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon