“Meet my Nemesis”
By:SebrineMichaelis
Nagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit iba talaga ang dating sa kanya ng kanyang bagong propesor na humihila sa kanya papalapit dito at sa kapalarang ayaw niyang maganap: Ang mahalin ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Una sa lahat gusto kong sabihin na ito ay 1st time kong magsulat ng matinong lovestory to the point na hindi ako nag-aral para sa exams namin. Note: marunong talaga akong mag set ng piorities kaso nauunahan lang ng pagiging gaga. =_= all rights reserved.
Reminder: Some of the names ng characters sa story na ito ay hiniram(ninakaw actually) sa paborito kong anime at manga series na ‘Kuroshitsuji’ or ‘Black Butler’. Sa mga familiar sa anime na ito, please3x keep your comments to yourselves baka makasuhan pa ako. >_< playing safe po to keep my freedom. OA lang.
Let the magic begin....
Chapter 1: It started when i met Him
Hi. Ako po si Ciel Sebrine Miketsugami. Ordinary lang sana ang simula ng araw kong ito at as usual tumatakbo po ako papunta ng school. 3 minutes na lang bell na. Normal po ang scene na ito sa akin everyday. Kung sa tingin ninyo highschool pa ako, well, mali po kayo, college student na po ako, 2nd year.
Ginagawa kong race track ang highway at hindi bastabasta ang mga kalaban ko, mga humaharurot na bus, jeep, motorsiklo at kahit manong na nagtutulak ng kariton ay inaaway ko. Malapit na sana ako sa school gate namin ng...
*boogssh*( pagulong-gulong after masagasaan ata ng kung ano) hindi sure
Aarraaayyyyyy!! Ang sakit ng balakang ko! Sabi ko habang hinimas-himas yung masakit sa akin. Napuno tuloy ng alikabok ang uniform ko dala ng pagulong-gulong effect.
Maraming schoolmates at madlang pipx ang nakatingin sa akin. Alam ko na iniisip nila. Ang tibay ko talaga. Nasagasaan na’t lahat-lahat buhay pa rin. Ni hindi man lang ako nabalian pero konting galos meron. Hindi naman balat ng buwaya meron ako nuh.
Napatingin ako sa kotseng muntik ng maka roadkill sa akin. Lumabas mula sa driver’s seat ang nagmamaneho ng kotse. Halos matanggal ang mga mata ko pati bra at panty na rin dahil sa nilalang na nakita ko. Silky straight na may pagkamahabang jet black na buhok at isang pair ng dazzling reddish brown na mga mata.
Wala naman siguro ako sa loob ng isang koreanovela or anime series nuh pero wow na wow naman oh. Isang handsome at super georgous na nilalang ang nakita ko. Hindi ko madefine ang nakikita ko ng maayos kasi salat ako sa english words para sa mga salitang ang katumbas ay gwapo.
“what the hell are you drooling for? Get out of the way.” Sigaw nito sa kin na ikinagising ng senses ko.
Huh?? Ano daw? Drooling? Ano nga ulit ibig sabihin nun? Laway ba? Nag-lalaway ba ko?
Piiiiiiiiiip!Piiiiiiiip!
Ayy! Puke! Binubusinahan na pala ako ng loko at nakabalik na sa sasakyan niya. May balak pa atang tuluyan ako. Mabilis akong tumayo at umalis sa kinatatayuan ko. Nawala na ang paghanga ko sa creature na iyon. Napalitan ng inis at galit ang bagay na iyon. At dahil na rin doon, pagdaan ng kotse niya ay sinipa ko yun na bumalik din sa kin at natumba ako.
“bwwisssssseeeeet na araw ‘to!!!
Umuusok na ata ang ilong at tenga ko ngunit ng tumunog ang school bell namin ay saka ko naalala na may klase pa pala ako. Impakto! Late na late na tuloy ako!!
BINABASA MO ANG
Meet my Nemesis
Teen FictionNagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang nineteen-year-old professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit...