Nate
Lyn's POV
Palakpakan ang namutawi sa loob ng kainan,
Teka, bakit na-adopt ko yung salita? Ang cute!
Naubos narin ang inorder namin, kumakain kasi kami habang nanonood ng play.
Ibang klase parin, idagdag mo na ang masarap na order, soft music, at History era!
Papuri ang naririnig ko sa buong resto, ganun narin dito sa mga kasama ko.
"Anyway guys, I have to go. See you tomorrow!" Paalam ni Klawd. Nandito na kami sa tawiran, tabi lang ng Resto Historya. That's the name of the resto.
"We also have to go, bye Luningning and Pat!" Sabi ng tres Marias at naglakad papalayo sa amin ni Pat. Matapos nun, nagpaalam narin si Pat kase may gagawin pa raw siya. Ako nalang ang naiwan dito sa tawiran, nagaabang ng masasakyan pauwi. Yung mga bahay kase nina Klawd, walking distance lang galing sa school. Ako yung masyadong napalayo.
Umupo nalang muna ako sa katabing waiting shed dito sa may tawiran, nangangalay narin kase ako.
Tumingin ako sa relo ko, 4:30 na. Kailangan kong makarating sa bahay ng 5 kase darating raw ang mga kamag anak namin sabi ni Ina.
Nagmamasid-masid ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na may nakaupo rin pala dito sa waiting shed, kung di ako nagkakamali siya ata yung may ari ng bola ng Jackstone!
Naka-earphones siya, kaya siguro hindi siya aware sa paligid niya.
Kinuha ko sa bag ko ang bola ng jackstone na ipinatago niya nung huli kaming nagkita. Nung una pala.
Umusod ako ng kaunti at itinapat sa mukha niya ang kamay kong may bola ng jackstone.
"Oh Nate," Ani ko. Medyo nagulat ata sa kamay ko kaya napatanggal ng earphones.
"You're Lyn, right?" Tanong niya. Tumango naman ako kasi yun naman talaga ang pangalan ko. Kinuha niya mula sa kamay ko ang bola ng Jackstone at akmang aalis na sana.
"Teka, aalis ka kaagad?" Tanong ko. Teka bakit ko ba tinatanong? Kumunot tuloy noo niya.
"Why?" Tanong niya pabalik. Ang cold naman nito. Nung napansin niya sigurong nakatitig na ako sa kaniya, umalis nalang siya. Bakit ko nga ba siya tinititigan?
"Hindi ka parin nagbabago, Natong." Yun na lamang ang nasabi ko habang pinapanood siyang naglalakad papalayo sa akin.
Flashback
"Tinamo 'tol, ang ganda nung babae!" Dinig kong sabi ng kalalakihan sa likod ko.
Hindi ko nalang pinansin ito, bagkus naglakad nalang ako ng mabilis.
"Uy uy! Teka naman miss, halika muna rito~" Malanding tonong sabi ng isa pang lalaki. Yuck!
Binilisan ko pa ang lakad ko pero nakabunggo ako ng lalaki. Tingin ko kasama rin niya 'yun eh!
"Sandali lang naman miss," Takte! I'm just 14 you bastards! Mukha na kayong kuya ko mga hayop kayo!
Naramdaman kong hinawakan ng isang lalaki ang balikat ko dahilan para hawakan ko ang kamay niya at baliin ito.
"I'm sorry, sinimulan niyo e. Minor injury lang yan tol. Di ka mamamatay." I said. Their faces turned into an angry Lion. The man that I gave injury growled. Masakit yun, siyempre.
"Tarantado ka!" Oh well, dati pa.
Nakita ko ang sipa niyang paparating sa akin at mabilis ko naman iyong nasalo at binuhat ng buong lakas ang katawan niya gamit ang hawak kong paa niya. Tumalsik siya sa gilid, tulog agad?
YOU ARE READING
Handling The Bad Boy
Teen FictionWhat would happen if Lyn found herself falling inlove with Jasper na sobrang bad boy ang dating at marami ring girls na umaaligid? Can she accept it? Can she handle it? Siya na ba ang rason para magbago ang buhay ng isang Jasper Corpuz? Kahit may m...