2 o'clock
Lyn's POV
Nagising ako ng makarinig ako ng ilang katok sa pinto ko.
Hays, maraming salamat naman at ginising talaga ako ni Ina.
Naginat-inat muna ako sa kama ko bago lumundag pababa sa kama. Mabilis muna akong naghilamos, kasi ang sabi sa akin ni Ina, bago raw pagbuksan ng pinto ang kumakatok pagkagising, maghilamos raw muna. Ewan ko ba, para siguro hindi mapahiya. Nag-gargle muna ako ng mouthwash para diba, medyo fresh.
Naglakad na ako sa gawi ng pinto para buksan ito.
"Goodmorning Ina, luto na po ba ang breakfast?" Ngiting sabi ko kay Ina habang sinunggaban siya ng yakap habang nakapikit. Kaso,
Bakit parang ang tangkad ni Ina?
Amoy rin siyang lalaki..
Hindi kaya..
"Goodmorning rin, Lyn." JASPER!?
Bigla akong napalayo sa kaniya!
Bakit siya andito!? Bakit ang aga niya naman masyado. Alas dos palang!
"Anak, bumaba na kayo ni Ispeng. Luto na ang agahan at para makaligo ka na rin.
"O-Opo, Ina." Aligagang sambit ko. Binalingan ko naman si Jasper, habang sabay kami pababa ng hagdan.
"Bakit ang aga mo, diba sabi ko 3:30? Natulog ka ba? Kumain ka na? Asan ang mga gamit mo?" Dire-deretso kong tanong sa kaniya. Napa-ngiti naman siya at napakapit nalang sa batok.
"Ako talaga ang nagbalak na pumunta ng alas dos. Saktong pagkarating ko, kagigising lang rin ni tita para sana akyatin ka at gisingin. Ako nalang ang binilinan niya dahil para makapaghanda na rin daw siya ng almusal. I haven't eat anything yet, I didn't sleep. Andoon ang gamit ko sa labas, nasa kotse. Yung driver namin ang maghahatid sa atin since naka bus tayo." He said.
"Jasper, aantukin ka sa biyahe. Matulog ka kaya muna?" Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya at sinabing pagkakain niya, matutulog muna siya sa couch. Pero I insist, na sa bakanteng kwarto na namin siya matulog. Sa master's bedroom.
"Anak, eto ang baon mo." Bilin sa akin ni Ina habang nakain kami rito sa lamesa. Napalingon naman ako,
"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten. Ten thousand, Ina?" Nagniningning ang matang sambit ko. Natawa naman siya sa sinabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain
"Malakas lakas ang kita ng mall," Iyon nalang ang sinabi niya. Napalingon naman ako sa katabi kong si Jasper. "Jasper anak, heto pa oh. Kumain ka pa." Alok ni Ina sa kaniya, dahilan para hindi siya makatanggi. Kaunti lang ang kinain ko. Baka magsuka ako sa bus, haha.
Nang matapos akong kumain, nagpaalam na ako sa kanila na maliligo na ako. 2:30 pa lang naman.
"Jasper matulog ka muna huh, andun sa kanan ang masters bedroom sa second floor." Ani ko.
"Okay," Sabi niya at naghikab. Tsk! Para namang mahuhuli ako ee.
"Sige na, maliligo na ako." Paalam ko at dumiretso na sa CR.
---
"Wala ka nang nakalimutan, anak?" Tanong ni Ina sa akin habang nasa labas kami. 3am palang, pero sabi ni Jasper magmaaga na raw kami para makadaan pa sa convenient store.
"Wala na po Ina, Mag-iingat po kayo rito ha." Bilin ko kay Ina. Niyakap naman niya ako at hinalikan sa pisngi.
"No need to worry anak, tinawagan ako ni Marisol at doon muna raw ako mag-stay habang hindi pa kayo nakakabalik." Sabi ni Ina.
"Wow, mukhang may plano na agad kayo Ina ah," Natutuwang sabi ni Jasper. Napa-shhh! Naman si Ina dahil natatawa rin siya.
"O siya sige na, Anak mag-enjoy ka roon ha. Jasper, ingatan mo ang anak ko." Baling naman ni Ina kay Jasper.
Tsk, bakit nabubuhay na naman yung paru-paro na nalunok ko.
"Wag po kayong mag-alala, she's in good hands." Sagot naman sa kaniya ni Ina.
We hugged for the last time para makasakay na kami sa kotse ni Jasper.
"Manong diyan muna sa mini stop." Kaya tumigil muna kami sa store.
"Jasper, alam ko na kung bakit 'mini stop' ang pangalan ng convenient store na ito." Maligayang sabi ko sa humahawak ng kamay ko.
"Hmm, paano?" Tanong naman niya.
"Kase titigil ka rito para bumili." Sagot ko. Kita ko namang kumunot ang noo niya.
"Huh, paano naging mini stop 'yun? E stop lang naman ang ibig sabihin ng tigil. Kulang!" Natatawang sambit niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumitig, saka hinawakan ang kaniya mukha.
"Ganun 'yun. Ako yung stop." Sabi ko. "Kulang ako pag wala ka." Sabi ko at naglakad na pauna para matapos na sa pamimili. At ayun siya, naiwan na naman sa kinatatayuan, halatang gulat sa ginawa ko.
Hihi. Ay char, ang lande! Ehe.
Sumunod naman siya sa akin, tinulungan na rin akong mamili. Saka namin binayaran sa cashier at muling sumakay ng kotse niya para makapasok na.
3:40.
Pagdating namin sa school, natanaw ko ang section A at kinakawayan ako nina Claude at ng tres Marias.
"Huh.. Bakit ganiyan ang itsura ni Pat?" Siko ko kay Claude. Humagalpak siya ng tawa, okay.
"Eh! Wag mo nga akong pagtawanan.." Ani pat. "Hindi na kasi ako natulog, Luningning." And then she yawned.
"Ako rin naman, hindi na natulog. Hindi naman ganiyan itsura ko." Pabirong sabi ni Jasper habang nakangiti.
Sasagutin pa sana ni Pat si Jasper pero pinaakyat na kami sa bus. Ganoon ang set-up, pero pinayagan si Claude at Pat na sila na ang magtabi. Nagpaalam sila. Nasa medyo bandang gitna kami ni Jasper, nasa gawing bintana ako. Nang maayos na ang lahat, at nakasakay na, umandar na ang bus.
Yung iba maingay, yung iba tulog. Yung iba naglalaro sa cellphone nila, yung iba naman nagbabasa ng wattpad. May nagu-uno cards pa nga.
"Uhm, Lyn?"
"Yes?"
"Do you mind if I sleep in your shoulder? I'm so sleepy.." Tanong ni Jasper habang hikab ng hikab at kulang nalang pumikit na.
"Of course, here." Ani ko at inilahad ang balikat ko. Isinandal naman niya ang ulo niya roon at natulog.
Mabuti na lamang at inilabas ko na ang mga kakainin ko sa biyahe, hindi na kasi ako masyadong makagalaw e ayoko namang maistorbo itong tulog.
"Argh, yung cola ko shet." Usal ko nang makaramdam ng uhaw. Pilit kong inaabot ang bulsa ng bag ko na nasa ilalim pero nagulat ako nang abutin iyon ni Jasper para sa akin.
"Thanks, sorry. Eto higa ka na ulit." Tiningnan niya lang ako. Sa halip, inunat niya ang paa niya pakanan at humiga siya sa mga hita ko.
Magrereklamo sana ako kasi ang bigat niya, pero kawawa naman yung tao. Siya pa ang nag effort ng paggising sa akin. In exchange na 'to, hehe.
Itinigil ko na muna ang pagkain ko dahil baka mahulugan siya ng butil butil ng chichirya.
I'm just looking at him and stroking his hair.
Namalayan ko nalang rin ang sarili ko na nakatulog na sa gilid ng bintana.
YOU ARE READING
Handling The Bad Boy
Novela JuvenilWhat would happen if Lyn found herself falling inlove with Jasper na sobrang bad boy ang dating at marami ring girls na umaaligid? Can she accept it? Can she handle it? Siya na ba ang rason para magbago ang buhay ng isang Jasper Corpuz? Kahit may m...