Chapter 10

12 3 0
                                    

Truth

Lyn's POV

"Umayos ka nga sa paglalakad mo, Lyn! Mas lalaki ka pa maglakad kaysa sa akin eh." Reklamo nitong kasabay ko. Inirapan ko nalang siya, aba eh sa ganito ang lakad ko eh!

Sabado ngayon, akalain mo nga namang naka isang linggo narin pala ako. Tatlong araw ko nang ginagampanan yung misyon ko, at sa kasamaang palad na naman, pinush na naman kami ni tita Marisol na mag-date raw kami. Ibang klase rin si tita,

Siya mismo ang nagp-push sa anak niya.

Noong mga nakaraang araw sa school, lagi kong mino-monitor si Jasper. Aba baka mamaya pasikreto siyang naninigarilyo. Kaya ayun, diniskartehan ko. Minsang nagtatago ako sa puno, sa ilalim ng lamesa, nagd-disguise, pero minsan kapag nalalayo na siya sa vicinity ng pagbabantay ko, sumasama talaga ako sa kaniya. Kinukulit ko pa siya para payagan niya ako. Pumapayag naman siya, kaya kada hugot niya sa pakete ng sigarilyo niya, hinuhugot kong muli yon at dinudukot sa bulsa ang apple.

Diba? An apple a day keeps the doctor away?

Pero wait, e ganon rin si Ina e, siya pa ang mas excited nung pumunta si Jasper sa bahay kahapon para ipagpaalam ako! Ibang klase rin.

Kaso hindi lang kami ang nag-date nitong si--- Argh, kinikilabutan ako pag iniisip kong date nga namin ito!

Kaya para hindi mailang, sinama ko yung lima.◉‿◉

Nung una, ayaw pumayag ni Jasper na may kasama kami. Pero sinabi ko na 'edi hindi ako makikipagdate' ayun. Pumayag.

Papunta kami ngayon sa Tagaytay. Masyado kasing mainit na this past few days.

Pagkarating namin dito, una kaming nag-take ng pictures. Pampalit rin raw ng profile pictures sa fb ng tres Marias. Siyempre dinala ko rin ang Polaroid ko.

"Uy, guys! Tingin muna kayo!" Anyaya ko sa kanila. Nagsitakbuhan naman sila papalapit sa akin at nag-pose.

"One, two, three, four, five, six, se-- HOY JASPER! SUMALI KA RITO!" Bulyaw ko sa lalaking nakamasid lang sa harapan namin. Umiling siya ng pagkailing naman talaga.

"Pre bilis na, ngawit na kami rito!" Reklamo naman ni Klawd. Pinipilit na rin ni Pat at ng tres Marias si Jasper kaya naman wala siyang nagawa. Lumapit na siya papunta sa amin at medyo sumiksik kase hindi siya siguro mahahagip ng lense.

"Say Ispeng!" Ani ko.

"ISPENG!!!" Ulit nila sa pagsasabi ko. Napagpigil ko nalang ang tawa ko dahil lumalaki na naman ang butas ng ilong nitong nasa kaliwa ko.

Lumabas na yung picture at pinagpag ko naman, ang kyut!!

Matapos non, kaniya-kaniya na naman silang kuha ng litrato. Si Pat, ayun nagp-picture naman gamit phone niya. Ganun rin ang tres Marias at si Klawd, nags-set Up ng. DSLR niya. Magt-take raw ulit ng picture.

Si Jasper naman, busy sa cellphone niya, may nilalarong kung ano.

Anu kaya yun?

"Hoy Jasper," Tawag ko sa kaniya. Imbis na sumagot at lumingon, taas lang ng kilay ang ginamit niyang pagsagot.

Tumabi ako sa kaniya at sinubukang kumuha ng picture habang itinatapat ang lense sa aming dalawa.

"A-ano ba, tumigil ka nga." Saway niya sa akin. Pero siyempre, makulit ako eh!

"Dapat hindi mo na sila sinama.." Sabi ni Jasper. While looking on his phone.

"Tsk, ayoko nga. Maiilang lang ako." Banat ko. Eh totoo naman, mamaya siya pala 'tong may kasama tapos ako naman yung wala? Magdala na para sure.

"This was supposed to be our date," Baling naman niya ulit. "Remember? Part of your mission." Patuloy niya. "Mukha namang improving ako, hindi ba?" Dagdag pa niya. Napataas naman ang kilay ko.

"What, improving? Eh sino yung sinuntok mo sa hallway?" Natigilan siya sa paglalaro sa phone niya.

Flashback

Jasper's POV

Tsk, stupid day!

Nawala na yung isang notebook ko sa Math, hindi pa ako naiwanan ng allowance ni Mom!

Argh, ansarap manuntok!

I was on my way to my room when I suddenly heard their voices.

"Pre, ang sexy nung ano. Sino ba yun, taga Section A! Yung Lyn!" Sabi nung isa.

"Nako, ang sarap siguro nun." Banat naman nung isa at tumawa.

"Basta pre yung sinabi ko sa inyo ha, abangan nalang natin siya--"

And then suddenly, my fist landed on his face.

"Aba, sino ka ba ha!" Sigaw ng kung sino bang 'to sakin. Natumba siya sa sahig at hawak hawak ang mukha niyang sinuntok ko.

"Pre gusto atang makatakim pagbigyan niyo na!" Nakita ko ang pagtayo ng lalaking sinuntok ko, umamba sila pero bago pa nila ako masuntok, sinipa ko na sila at pilit itinayo ang lalaking nambabastos kay Lyn.

"Ikaw," Paninula ko. Kinuwelyuhan ko siya at kita naman ang pagtulo ng pawis niya. "Don't ever touch my girlfriend. Hindi lang yan ang mangyayari sayo." Sabi ko at binitawan na siya.

Nagsorry naman ang dalawa sa akin, at nagsipulasan na sila.

But what the hell,

Why did I do that?

I was trying to convince my self, that I'm just concern for her because she's still a woman, even though she had her self defense.

But, as the days pass by..

"Nagugustuhan ko na naman ba siya?" I immediately shooked my head. What am I thinking!

I am serious that I am gonna help her with her mission.

Kababata ko rin kasi siya.

Pero bakit ko sinabing girlfriend ko siya sa mga gagong yun, kahit hindi naman talaga?

Fvck it!

End of Flashback

"Oh ano, hindi ka makasagot?" Tanong muli ni Lyn sa akin.

I just shrugged my shoulders and continued playing my phone.

"Shit yung tore basag na!" Na alarma ako sa nakita ko.

Why so spacing out, Jasper!?

"Nako, ano ba yang nilalaro mo?" She asked.

"Curious much? Hindi mo naman alam ito e." I said. She just rolled her eyes and started taking pictures everywhere while still sitting beside me.

Seriously, gustong-gusto talaga niyang umirap. Hobby?

Natapos na ang laro ko, victory siyempre.

Isinilid ko na ang cellphone ko sa bag at tumayo.

"Lyn!" Tawag ko sa babaeng hindi na magkanda ugaga sa pag-take ng pictures.

"Bakit?" Tanong niya. Lumapit naman ako sa kaniya at inaya siyang kumain.

"Eh, gutom ka na? Tawagin na natin yung iba--"

"Wag na, tayo nalang muna. Malalaki na yang mga yan." Sabi ko. Inagaw ko sa kaniya ang Polaroid at itinapat ito sa aming dalawa.

"Say, mission.." Ani ko. Alam kong naka-pose rin siya at binanggit niya rin ang 'mission'. Lumabas ang picture mula sa Polaroid at ako mismo ang kumuha nito. Ipinagpag ko at pinagmasdan.

"We're cute when we we're together." Wala sa sariling sabi ko. Nagulat si Lyn at lumayo, habang nakatakip sa bibig niya.

"Gusto mo ko no? Ayieee," Panunukso niya.

Tsk, Lyn.

I can't promise na magkakagusto ako sa'yo.

Pero,

"Be prepared." I said and then walked away.




Handling The Bad BoyWhere stories live. Discover now