Sorry!
Lyn's POV
"I would like to inform you students, na magkakaroon kayo ng educational trip. Para naman may bonding moments kayo bago mag-christmas break." Panimula ng adviser namin na nakaupo sa unahan.
Time really flies, December na agad.
Inutusan kami ng adviser namin na maglabas ng paper, para isulat ang mga dadalhin namin. Nagsusulat kami habang siya ay nagdidikta.
Napaisip rin ako, ano kayang babaunin ko?
I prefer potato chips, cola, and sweets. Tama 'yun nalang. Day trip naman e.
"Ah, nga pala. You'll stay there for about 3 days and 2 nights na kasiya lahat ang section A at B. It's a privilege, kayo lang ang sinama sa buong St. Anthony." Sabi ng adviser namin dahilan para mapahiyaw kaming lahat. Maging si Jasper na katabi ko, napa-yes! rin. Magiging masaya kasi iyon, panigurado.
"For the seating arrangements, 'yung magkakatabi nalang rin sa upuan niyo dito sa room ang magkakatabi sa bus. Para alam niyo rin at ka-close ang buddy niyo. Wala dapat akong makikitang nag-iisa, maliwanag ba?"
"Yes ma'am," we said in chorus.
"Kumapit ka lagi sa akin huh," Sabi sa akin ni Jasper.
"Oo naman,"
"Baka mawala ka, tinamo. Pati bahay ng langgam susuyurin ko." Gross, alam kong ang cheesy ng line niya pero bakit nag-iinit ang pisngi ko!
"Stop, kinikilig ako. Kahit ang corny mo." Suway ko sa kaniya at itinuon nalang ang pansin sa unahan.
"Ang napaguspan namin kanina sa faculty ay sa Palawan raw kayo pupunta. About sa environment ang gagawin niyo. Magtatanim ng bakawan, maglilinis, and in-allow rin kayo na makapag enjoy. Bali 1st day ang pagt-trabaho, then 2nd day and 3rd day ay pag-eenjoy sa buong beach. 4th day kayo uuwi para makapagpahinga kayo. Bukas ang day zero ninyo para malaman niyo rin ang mga kwartong in-assign ng mga staffs ng mismong hotel. Kinabukasan pa kayo nun magsisimula ng activity." Paliwanag ni Ma'am.
Kani-kaniyang usapan na ang mga kaklase ko kung anong mga dadalhin nila, sinong kasama sa pagtulog, at iba pa. Lumapit naman sa gawi namin ni Jasper ang tres Marias, Claude at si Pat.
"Claude, tayo nalang kasi magka-buddy!" Pamimilit ni Pat.
"Itatanong ko muna kay Ma'am, mamaya magalit."
"Tres Marias anong dadalhin niyo??" Tanong ko.
"Of course mga girly things, snacks, blanket, ganun." Sabi ni Jena. Napatango ako sa sinabi niya.
"Bukas kasi kaagad eh! Wala man lang agwat para sa paghahanda. Uwi na talaga ako," Paalam ni Claude sa amin at mabilis na umalis ng classroom. Ganun rin si Pat at ang tres Marias.
"Isama mo muna ako sa inyo, Luningning. Then sabay na tayo mag-grocery." Kaya inayos ko na ang mga gamit ko at sumabay palabas kasama ang aking Jasper.
Wtf, ang aking Jasper talaga Lyn!?
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang parking lot.
Our hands were interwined. Ramdam ko ang init ng mga palad niya.
"Ang init ng palad mo," Ngiting sabi ni Jasper habang nakatingin sa akin. Shocks, yung paro-paro na namang nalunok ko, nagwawala!
"It's the heat of love." I smiled genuinely. Bigla naman akong nagulat sa naging reaksyon ni Jasper, napatakip siya ng bibig!
YOU ARE READING
Handling The Bad Boy
Roman pour AdolescentsWhat would happen if Lyn found herself falling inlove with Jasper na sobrang bad boy ang dating at marami ring girls na umaaligid? Can she accept it? Can she handle it? Siya na ba ang rason para magbago ang buhay ng isang Jasper Corpuz? Kahit may m...