A painful lie
Claude's POV
Flashback
1st week of classes in September.
Pinapunta kaming lahat sa court, nagkaroon ng practice para sa basketball para sa Intrams. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil makakatakas na naman sila sa subjects. Wais.
Naunang lumabas si Jasper at Lyn. Okay, naiwanan ang best friend.
Nahuli kami nila Pat at ng tres Marias, nag-aayos pa kasi sila ng gamit. Muli namang sumulpot si Lyn sa pintuan, tiyaka si Jasper.
"Claude, kunin mo nga sa bag ko 'yung phone ko, pabigay nalang sa akin mamaya huh? Thanks!" Bilin niya. Tumango nalang ako, tsk. Bakit kasi hindi pa kinuha kanina.
Pumunta na ako sa upuan niya kung saan nakalagay ang bag niya para hanapin ang kaniyang pinapakuha.
Pagbukas ko ng zipper ng bag niya, nay napansin akong bulsa na sobrang kapal. Animo'y may nakalagay na marami. Sa kyuryosidad, binuksan ko rin iyon at nagulantang sa nakita ko.
"Pat, tres Marias. Lapit kayo." Aya ko sa kanila. Siguradong nawi-wirdohan sila sa akin kung bakit bigla ko nalang silang tinawag at ganoon ang reaksyon.
Nang makapunta sa gawi ko, ipinakita ko sa kanila kung ano ang laman ng bulsa sa loob ng bag ni Lyn.
"K-kaniya 'yan?" Aligagang tanong ni Shana.
"A-anong gagawin niya riyan.." Pat whispered.
"Does Lyn have disease?" Jena asked.
"Tanungin nalang natin siya mamaya," Ani Zulueta.
Sobrang daming gamot ang nasa loob ng isang bulsa sa bag ni Lyn. Pain killers, antibiotics, may mga syringes pa.
May sakit ba siya? Hindi ko mapigilang ipasok sa utak ko ang mga katanungang pilit akong ginugulo. Kung may sakit siya, siya yung may karamdaman na hindi nagpapahalata. Kaya niyang itago sa mga ngiti niya.
Mas lalo kaming nagimbal nang malaman namin ang totoo.
"Lyn, Kanino ang mga gamot sa bag mo?" Tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa rooftop ng building namin. Ipinaalam muna namin si Lyn kay Jasper at sinabing makakabalik rin naman kami.
"Lyn.." Usal ng tres Marias. Habang nakahawak sa balikat niya.
Biglang ngumiti si Lyn, ngunit iyong may halong pait. Inilagay na muna niya ang nililipad na buhok sa gilid ng mga tenga niya at pumikit.
"I think I can't hide it anymore," She said while laughing. And then she opened her eyes looking all of us. "I have a disease. It's Coronary artery disease."
Each one of us where schocked.
"CAD.." Usal ko. "It's a disease that could lead the person to.."
"Death." Lyn said while smiling.
"Paano ka pa nakakangiti sa kabila ng sakit mo!?" Hindi ko na naiwasang sumigaw.
"Kalma lang Klawd," She giggled. "Everyone of us will die. Iba iba nga lang ng pagkakataon. At sa kasamaang palad, mauuna ako." She added.
"Stop it, Lyn! Don't take that as a Joke!" Ani Pat. Umiiyak na siya.
"Lyn.. You can't die. Please," Sabi ng tres Marias. They're all crying. Kaya hindi na rin mapigilan ng luha ko, naguunahang bumaba.
"Don't cry, guys naman!" Seriously? May gana pa siyang mangasar?
Walang nakinig sa kaniya bagkus, napuno ng ingay ng iyakan namin ang buong rooftop.
YOU ARE READING
Handling The Bad Boy
Ficção AdolescenteWhat would happen if Lyn found herself falling inlove with Jasper na sobrang bad boy ang dating at marami ring girls na umaaligid? Can she accept it? Can she handle it? Siya na ba ang rason para magbago ang buhay ng isang Jasper Corpuz? Kahit may m...