Mission Start
Lyn's POV
"Ina, bakit kasi ako? Ayoko nga e!" Sigaw ko. Aba, sinabi ba naman sakin na kailangan ko raw patinuin ang anak ni tita Marisol na si Jasper Corpuz. Kaibigan kasi ni Ina ang mother ni Jasper at business partners rin sila.
"Nabanggit kasi sa akin ni Mirasol na kailangan niya ng magpapatino sa anak niya, anak. E kilala ka na naman ni Mirasol na may martial arts, kaya anak sige na pumayag ka na." What? Dahil lang sa may Karate ako, ako na ang napili!?
Ngayon naaalala ko na. Anak pala ni Tita Marisol ang action star na yun. Ba't kaya hindi niya na-adopt ang ugali ni Tita? Sayang naman.
Pero bwisit parin ako kay Jasper! Papaano nung mga bata pa kami lagi akong sinasabihan ng, 'panget mo!' tapos kapag babanatan ko naman, siya yun aatungal. Sasabihin 'ahh!! Mama nangangarate!!
"Bakit hindi nalang lalaki Ina? Mas kaya yun ng lalaki!" Banat ko. Ah! Bakit ba kasi ako! Tiyaka bwisit yan sa school! Isusumbong ko yan kay tita Marisol!!
"Hindi kasi susunod ang Ispeng kung lalaki. Tiyaka anak, alam ko namang. Kaya mo yun e." Hays! Mukhang wala na akong magagawa. Kinukulit na ako ni Ina.
Nung dating humingi siya ng pabor sa akin, kinulit niya rin ako. Hindi niya ako tinigilan ng ilang araw kaya napapayag na rin ako.
Siyempre, nanay ko siya e.
"O siya sige, sige na Ina. Kung hindi ka lang malakas sa akin.." Sabi ko. Niyakap naman niya ako. "Basta araw-araw may bagong libro ha.." Dahilan para mapabitaw siya. "Biro lang, Ina." Matapos nun ay dumating na ang mga kamaganak namin at siyempre, maingay.
Nagpaalam na ako kay Ina na magbibihis, dahil pagod narin at inaantok na.
"Hmm, mamaya nalang ako kakain. Sana may matira." Ani ko at ipinikit ang mga mata at natulog na.
---
Nagising ako ng may yumuyugyog sa balikat ko,
Istorbo naman e!
"Ma teka lang, 5 minutes pa.."
"Anong ma ka diyan? My mom's waiting for you." Sabi ni Jasper.
Jasper..
"JASPER!? WHAT ARE YOU DOING INSIDE MY ROOM, HUH!?" Bulyaw ko sa kaniya. Aba aba! Paano nakapasok 'to!
"You're imagination is running wild, you're not my type. Bumaba ka na." Sabi niya at sinara ang pinto ng kwarto ko.
"Nye nye nye nye! You're not my type, sus!" Kumilos na ako para makababa na at baka wala na pating pagkain.
At hindi nga ako nagkamali!
"Ina, bakit wala nang pagkain!" Bulong ko kay Ina, baka kasi ma-offend ang mga kamag anak namin.
"Ano ka ba, marami sila e. Hayun si Marisol sa sala, kakausapin ka about sa Misyon mo." Sabi ni Ina at pumasok sa kusina.
Maka misyon ah, hitman hitman?
Pumunta na ako sa sala kung saan nakaupo si Tita Marisol, ngumiti ako at bumati ng 'good evening'.
"Hija, nabanggit na ba sayo ng mom mo about sa Mission mo?" Tanong ni tita sa akin. Ah! Kinikilabutan talaga ako kapag binabanggit nilang 'Mission mo' e!
"Ah, opo Tita. Pumayag na po ako." Sagot ko sa tanong ni tita. Nanlaki ang mata ni tita at bigla akong niyakap.
"Wow! I didn't expect na papayag ka, maraming salamat anak!" Maligayang sabi ni tita Marisol. Nginitian ko naman siya at bigla nalang sumulpot itong si Jasper.
"Jasper, lumabas kayo ni Lyn kahit mag drive thru lang kayo sa Jollibee. Wala na atang pagkain sa kanila." Sabi ni tita. Kita ko ang pag ngisi ni Jasper, ah! Nakakainis! Siguro nakita niya kasi ako na napa'yes' Kaya siguro 'to ganto!
"Okay mom, as you wish." Sabi ni Jasper. "Let's go." Aya niya sa akin.
"Aba, hindi na ako magpapalit? Sandali lang!" Sabi ko. Aba naka oversized shirt lang ako at naka basketball shorts!
"Okay na yan anak." Singit naman ni Ina!
"Pero--"
"It's okay, you still look beautiful." A-ano raw!?
"Wow, You're attitude is improving, son." Dinig kong sabi ni Tita.
Ngumiti si Jasper at hinatak na ako papalabas.
Nag aayiiiiieeeeeeehan pa yung mga kamaganak ko habang hatak-hatak ako papalabas nitong si Jasper.
"Ah, aray!" Sabi ko. Aba bigla ba naman akong hinatak ulit ng mabilis at mahigpit pa yung pagkakahawak sa wrist ko!
"Bilis, sakay." Sabi niya.
"Oh anyare, mood swings?! Haha" Sabi ko. Lumingon siya sa akin at nanguna nang pumasok sa loob ng kotse niya.
Binuksan ko nalang rin ang pinto niya, baka maiwan pa ako.
"All of that was acting." Sabi niya habang pinaharurot ang kotse.
"Tang*na! Wala pa akong seatbelt, gago!" Sigaw ko sa kaniya! Aba! Muntik na akong mapahampas sa gilid.
"Teka lang ha! Magkakabit lang ako. Letseng 'to!" Hinanap ko yung kabitan ng seatbelt pero naalala kong hindi ko nga pala alam kung paano magkabit.
"All done." Jasper said.
Siya yung nagkabit ng seatbelt sa akin,
Pinapahiya talaga ako!
Dumaan kami sa drive thru at siya ang umorder. Hindi man lang ako tinanong!
Nagpacute pa siya dun sa babae at yuck! Kinindatan pa!
Nako ate ingat, nangangagat yan!
Nang makuha ang order, pinaandar na ulit niya ang kotse at tumigil sa kung saan.
"Eat," He said. "I'll give you 25 minutes." Bwisit naman talaga! Kailangan may oras!?
7 palang naman.
"Oo, eto na!" Sabi ko.
"Wag mokong pandilatan, ang panget mo." Ang kapal niya talaga! Kung ihilamos ko kaya sa mukha nito ang spaghetti?
Wag sayang.
"Nga pala," Panimula ko. "Tutor my feelings to forget, someone I can't" Paggagaya ko sa sinabi niya nung nasa labas kami ng Guidance.
"Sino yun Jasper?" Muling tanong ko. Hindi niya lang ako pinapansin pero nilalagok niya yung coke float.
"Huy!" Tawag ko ulit.
Bwisit naman, pinapagaan ko nga yung atmosphere pero eto hindi niya ako kinakausap.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Marami-rami rin kasi siyang binili, sayang naman.
I was about to open the burger when he said,
"Times up." Fudge!
Pumunta na siya sa kotse niya at inistart ang makina.
At eto naman ako, dali-daling kinuha ang pagkain. Sayang e!
Ilang minutong tahimik ang biyahe at ganun parin hanggang makarating kami sa bahay.
Nakarating kami sa bahay at lahat ng tao rito ay mukhang nagtataka.
"Oh, anak? It's early pa ah? What happened?" Tanong ni tita Marisol.
"Napaaga po kami dahil gusto kong sabihin sa inyo," What? Wtf is he trying to say?
"Na sinagot na po ako ni Lyn." Okay.
What the EFFFFF!!!
YOU ARE READING
Handling The Bad Boy
Novela JuvenilWhat would happen if Lyn found herself falling inlove with Jasper na sobrang bad boy ang dating at marami ring girls na umaaligid? Can she accept it? Can she handle it? Siya na ba ang rason para magbago ang buhay ng isang Jasper Corpuz? Kahit may m...