Chapter 17

14 2 0
                                    

Lake side

Lyn's POV

"Eh, edi dati mo pa ako crush?" Tanong ko kay Jasper. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi niya kaya nagiwas siya ng tingin.

"Uy, nahihiya! Ayieee~" Asar ko pa sa kaniya. Napahawak nalang siya sa batok niya at sinuway ako.

"Sh-Shut up! Gusto mo rin naman ako," Patuksong aniya. Nag-Eh? Nalang ako sa kaniya kahit totoo namang may gusto na rin ako sa kaniya.

Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa lake side ng villa, sa kanila raw 'to sabi niya. Tsk, iba na talaga pag big time!

May mall rin naman kami, actually pinundar pa 'yun ni Ama kaya lang iniwan niya agad kami ni Ina. Nasa heaven na siya.

Espanyol ang ama ko, kaya sa kaniya ko namana itong mata ko. Pati ang pagiging maputi, at matangos kong ilong. Kay Ama ko nakuha.

Kaya ayun ang inaasikaso ni Ina, dun kami kumukuha ng income. Malaki ang nagiging kita ng mall kase 'yun ang pinaka malaki rito sa city.

Pero hindi naman ako sunod ang luho, may limitasyon rin ang paggamit ng pera. Nasa savings ni Ina ang mga sobrang kita ng mall kaya kapag gusto naming mag-outing, nakakaalis agad kami. O kaya out of the country.

Sabay naming pinapanood ni Jasper ang takip-silim habang nakasandal ako sa balikat niya.

Tumingin siya sa gawi ko, at ngumiti. Napansin niyang sumasabog na sa mukha ko ang buhok ko kaya siya na mismo ang naglagay nito sa gilid.

"You look beautiful when you're smiling, sige na. Stop hiding it." He said. Fvck, why is there butterflies inside my stomach!? Haluh, baka nakakain ako!

Kaya naman nang sabihin niya iyon, ngumiti na ako sa kaniya.

Siya naman ang tiningnan ko, aba kanina pa niya tinitingnan mukha ko e! Mine-memorize ata.

"Bakit ang gwapo mo?" Wala sa sariling tanong ko. Hindi ko na id-deny, prangka ako remember? Hehe. Kaya may reason naman ako kahit syempre, medye kenekeleg eke!

"I don't know, maybe because of Mom." Totoo, maganda rin kasi si tita Marisol. May pinagmanahan nga.

"How about you, are you a goddes?" Argh, tama na. Hindi na kinakaya ng puso ko!

"Because of my father," Ngiting sabi ko sa kaniya.

"Where is he? Bakit hindi ko siya nakikita sa inyo pag pumupunta ako? He'll probably engage me immediately to you." Pagmamayabang niya. Pinilit kong ngumiti kahit nalulungkot na naman ako.

Napansin siguro ni Jasper na nagiba ang itsura ko kaya kinuha niya ang kamay ko.

"What's the problem, did I said something wrong?" He asked.  I smiled at him and looked at the lake.

"My father died when I was 8." I explained. He was a bit shocked.

"Oh, I'm sorry. Hindi na niya tuloy nakita ang anak niyang tumalandi--Aray!!" Hinampas ko siya, aba bwisit ih! Nakuha pang magbiro.

"Oh, it's already 6:30. I should take you home." Tumango ako. Nakalubog na rin kasi ang araw kaya medyo madilim na.

"Jasper, I want to come back here again.." Usal ko. Inakbayan naman niya ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. We're on our wymay to his car.

"Sure. Balik na tayo, Ano?" Hayst, pilosopo!

Nag-pout nalang ako at pumikit.

Saktong pagpikit ko habang naglalakad kami, naramdaman kong naninikip ang dibdib ko.

Pero maingat akong hindi nagpahalata kay Jasper, alam kong mag-aalala siya.

Breathe, Lyn! Kaya mo yan.

Malapit na kami sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagawa ko pa siyang ngitian, para lang hindi niya mahalata na hindi na ako makahinga ng ayos.

"S-salamat." Ani ko at pumasok na sa loob ng kotse. "Uhm, Jasper? Pwedeng bilisan mo ang pag-drive? May gagawin pa kasi ako," Pagdadahilan ko. Napatingin naman siya sa akin. Nakahawak parin kasi ako sa dibdib ko.

Inhale,

Exhale.

Inhale,

Exhale.

"Are you okay, Lyn?" Tanong niya. Kaya nginitian ko siya at nag-thumbs up sa kaniya.

"Sige, I'll drive you home na." Sabi niya at pinaandar ang kotse.

Naging mabilis ang biyahe at nakababa na ako sa kotse niya.

"Are you sure, you're okay--"

"Sige, goodnight." Sabi ko sa kaniya. Pagtalikod ko sa kaniya ay hindi pa rin maawat at ngiti at kilig sa sistema ko,

Lumapit kasi ako sa kaniya tapos nagsasalita pa siya. Kaya ang ginawa ko, tumingkayad ako para halikan siya sa pisngi.

At ayon, siya. Naiwang nakatayo lang sa labas ng bahay namin, nakahawak pa sa pisngi. Haha!

Medyo umayos na ang pakiramdam ko, tulong na rin ng atmosphere dito sa bahay.

Pagpasok ko sa pinto ay saktong paglabas ni Ina.

"Anak, magpalit ka na ng damit. Maghahapunan na tayo." Sabi niya sa akin at humahangos siya lumabas ng bahay. "Jasper, Hijo! Halina't sabayan mo na kaming kumain." Dinig kong tawag ni Ina sa kaniya. Kaya naglakad akong muli pabalik sa pinto at sumilip.

"Ina, may sakit yang si Jasper, pauwiin niyo na po." Ngiting sabi ko kay Ina. Nakatayo nalang si Jasper sa gilid ng kotse niya pero halata parin na nagulat siya sa ginawa ko.

"Eh Hijo, bakit mukhang nakakita ka ng multo?" Takang tanong ni Ina.

"Ah wala po, sige na po m-mauna na po ako." Sabi niya at muling tiningnan ako. And then he mouthed 'be prepared'. Okay, HAHA!

"Ingat ka, anak!" Whut, anak raw?

"Ina ha," Sabi ko kay Ina. Nag-oh, bakit? siya sa akin at halatang kinikilig siya.

"Ano bang nangyari sa batang 'yun, hay nako." Tanong niyang muli.

"Ah, Ina? May sasabihin po ako sayo. Pero pumasok na po muna tayo sa loob, malamok na kasi." Kaya naman sabay na kaming naglakad pabalik sa sala ni Ina.

Nang makaupo ako, at si Ina, tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Ina, gusto ko po si Jasper." Confident kong sabi. Napangiti siya at hinimas ang ulo ko.

"Alam kong aabot ka rin diyan, anak. E ikaw? Gusto ka ba niya?" Natawa naman ako sa tanong ni Ina!

"Oo naman po, katunayan siya po itong unang umamin." Kuwento ko. Hindi ko pa rin mapigilang hindi mapangiti kapag naaalala ko 'yung pag-confess niya kanina. Take note galit pa yun ha!

"Eh ang tungkol sa sakit mo, hindi mo ba sasabihin sa kaniya?" Tanong muli sa akin ni Ina.

Bwisit kasing sakit 'to e, magiging hadlang pa nga ata.

"Hindi na po Ina. Ang mahalaga, may nangyari sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan." Mapait kong sabi.

Hindi ako pwedeng mawala, kailangan kong lumaban.

Lalabanan ko ang sakit na 'to para lang hindi maging hadlang saming dalawa.

"Anak, mahirap ang maiwan." Sabi ni Ina. Unti-unti nang namuo ang luha sa mga mata ko at nag-unahang tumulo.

"Maiiwan ko siya Ina, pero palagi lang akong nasa puso niya." Itinuro ko ang puso ko. "Mananatili rin dito masasaya  pang ala-ala na mangyayari sa amin." Patuloy ko.

Kakayanin ko. Dapat.

Handling The Bad BoyWhere stories live. Discover now