Chapter 5

16 3 0
                                    

"Magandang hapon, Binibini't Ginoo."

Lyn's POV

"Akala mo naman kung sinong gwapo, kamukha naman ni Cardo!" Bungisngis ko. Dahilan para matawa rin ang mga kaklase ko. Paanong hindi matatawa, Iminuwestra ko pa kung papaano bumaril si Cardo, hayun ang mga luko. Pinagawa pa ako ng iba't-ibang moves.

"Pano ulit?" Sabi ng isa sa mga kaklase ko. Aba!

"Kapagod inday, tiyaka inuuto niyo na ako!" Angil ko. Tumawa naman sila.

"Okay okay, tama na at baka maging leading lady na ng action star natin si Luningning." What the! Nakikisali 'tong president na 'to ah!

Nagayiiieeeehan na naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Chad.

"Trip niyo talaga ako ano?" Ayan nalang ang nasabi ko. Paano yung action star nagsalpak nalang ng earphones sa magkabilang tenga. Yehey naaburido na siyaaa!

Ganan naman yan lagi,

Ay teka first day ko nga palang pala dito,

Wow Luningning ha, datihan ka?

"Okay so since wala na tayong gagawin, you may go home." Sabi ni Chad pero tumaas agad ako ng kamay.

"Teka sinong maglilinis ng room? Wala pang cleaners diba?" Takang tanong ko. Napatingin ang lahat sa akin at sinabing,

"Iasa kay mang June!" Iyon na lamang ang nasabi nila at sabay sabay silang nagpulasan ng hindi man lang inaayos ang room.

Ang action star hayun, kaalapaw nanaman ang mga babae niya.

Hay nako bakit ko ba yan pinapansin.

"Luningning, let's go?" Aya ni Klawd. Napatango na lamang ako at nagspray ng kaunting pabango. Nakihingi rin ang iba kong ka-tropa, lalo na ang tres Marias.

Ay sige, isponsor ako.

Sabay sabay kaming naglakad papalabas ng school habang nagku-kwentuhan ng karanasan kanina sa room. Siyempre, naisingit rin nila yung kay Jasper. Abot abot tuloy ang panunukso sa akin ni Pat at ng tres Marias.

Duh! As if magkakagusto ako dun!

Mukhang action star palagi!

Mabuti nalang at sinusuway sila ni Klawd kaya tumitigil sila. Pero nanunukso ulit. Mga 1 minute na pahinga ganon, tapos asar ulit.

"Eh! Nakita ko nga na namumula si Ningning kanina e!" Pagbubuhay muli ni Pat sa pangaasar sa akin habang sinusundot yung tagiliran ko!

Aaaah!!! Mamamatay ako ng maaga kahit nakikiliti ako!!

"Nung una Luningning tapos ngayon, Ningning na? Aba ayos sa endearment Pat ah," ani ko. "Tiyaka no way! Natural lang ang pagka-pink ng cheeks ko kapag mainit--"

"May AC sa room natin dear," tres Marias said in chorus. Again.

"Ah basta! Hinding-hindi ako maiinlove dun." Banat ko. Natatawa nalang si Klawd sa pinagagagawa nila sa akin.

"Teka nga ulap ka, ipagtanggol mo ako ulit!" Manahimik nalang raw ako kasi nasa tapat na kami ng resto.

Hays. Okay!

Bumungad sa amin ang dalawang staff ng restaurant at binati kami ng 'Magandang hapon mga binibini't ginoo. Tuloy kayo,' Ah!! Babalik nanaman tayo sa nakaraan panigurado.

Pagpasok naming anim sa resto, inilibot ko kaagad ang mga mata ko at sobrang nabighani ako! Puro ancestral places, black n' white pictures, at kuha ng mga makasaysayang lugar tulad ng Luneta at Vigan. Agad kong inilabas ang Polaroid ko at kumuha ng litrato. Lumabas ang picture at saka pinagpag. Tinawag ko ang lima upang makapag selfie na rin. Para sa memories!

Handling The Bad BoyWhere stories live. Discover now