Epilogue

27 3 0
                                    

Jasper's POV

"Bilisan mo na riyan, Jasper!" Ani Lyn habang kinakatok ako sa pinto. Ang asawa ko talaga, hindi mapakali kapag may mahalagang aasikasuhin!

Sa tawa ko ay mas lalong napatagal ang pag-aayos ko, pero nang marinig kong binuksan na niya ang pinto ay madali kong pinagsu-suksok ang mga gamit at damit na kailangan kong dalahin para sa bakasyon namin.

"Sinasabi ko na nga ba, Akina nga!" Galit na aniya at inagaw sa akin ang paglalagay ng mga gamit sa maleta ko.  "Ikaw nalang ang tumawag sa cellphone ko, tawagan mo si Claude at ihanda na ang sasakyan niya." Sabi niya kaya napatakbo agad ako papunta sa sala at hinanap ang phone niya.

Naririnig ko pa siyang nagsasalita ng "Bwisit ka, Jasper! Ang bagal mo talaga lagi!" Tapos ayun, hindi na ulit nasundan. Mapapagod lang siya kakasumpa, haha.

I-dinial ko ang number ni Claude at tinawagan ito.

"Claude, yung sasakyan mo raw prepare mo na. Nagaalburoto na ang dragon dito e." Pabirong sabi ko. Narinig ko namang tumawa sa kabilang linya ang best friend ni Lyn.

"[Nako, pare ikaw palagi mo nalang tinutukso ang best friend ko ha, Anyways. Okay na ang van, punta ko riyan in 20 minutes. Dadaanan ko pa ang tres Marias at itong si Pat.]" He said and then he hanged up. Umakyat naman akong muli sa kwarto at napansin kong naka-lock ito.

Abuh, ang babaeng ito.. Ano kayang ginagawa.

Hahawakan ko palang sana ang doorknob pero pinihit na iyon ni Lyn at tumambad ang maganda niyang suot.

Dress na white, na may floral na print sa ibaba, high heels, at naka messy-bun na buhok na may konting takas sa gilid.

Nakita ko naman ang mata niyang kulay berde na nakatitig lang sa akin.

"A-Ang ganda ng asawa ko.." Wala sa sariling usal ko. Natawa naman siya roon at sinuntok ako sa sikmura. Napatiklop naman ako sa sakit kaya nagdiretso ako ng landing papunta sa kama.

Nagiging mas brutal na ang asawa ko!

"Tigilan mo nga ang kakabanggit ng 'asawa ko'! Hindi pa tayo kasal, ha? 4th year college palang tayo!!" Naiinis na sigaw niya pero mahahalata mo na namumula ang pisngi niya. Tisay, e.

"Darating rin tayo roon," Ani ko at hinigit ang kamay niya kaya bumagsak siya sa kama papaharap sa akin.

"Ang gwapo mo," Kinikilig niyang tugon. Okay, siya na talaga ang prangka.

"Ang bigat mo," Nang dahil sa sinabi ko ay pinaghahampas niya ang dibdib ko, pero parehas kaming napahinto sa pagkikilitian nang may bumusina sa tapat ng bahay ko.

Tsk, panira e!

"Tama na ang lovey-dovey! Gusto ko nang kumain ng marami!" Sigaw ni Claude. Wow, rhyme yun ah?

Nadinig naman naming nagtawanan ang tres Marias. Maging si Pat ay tinutukso rin kami.

"Yes, pababa na kami!" Ani Lyn at tumayo na mula sa kama ko. Muli naman niya akong tiningnan ng masama at pinagbantaang, "Hindi pa ako tapos sayo." Seryosong sabi niya pero nakita kong napangiti siya nang tumalikod na.

Wala naman akong nagawa kaya hinagilap ko na ang handle ng maleta ko at hinila na paibaba. Ini-lock ko na rin ang pinto ng bahay ko, wala si Mom. Kasama ni Ina. And as usual, pinayagan na naman nila kami. Pinagkakatiwalaan naman raw nila kami, e.

"Let's go, Bicol!" Sabay-sabay naming sigaw habang nasa loob ng kotse ni Claude. Habang nasa biyahe, panay ang kain, kwentuhan namin. Magiging matagal ang biyahe kaya kailangan naming mag palitan ni Claude sa pagmamaneho.

Handling The Bad BoyWhere stories live. Discover now