CHAPTER#14:FAMILY DINNER

82 5 0
                                    

KIANA'S P.O.V

"Wow, Mi congrts ha, masaya ako para sayo..."Sabay yakap sakin ng mahigpit..

"Congrats din sa alaga mo."sabi ko naman

"Yo, Kiana congrats."si Ken sabay lahad ng kamay.

"Same here ken,"tinanggap ko naman ang pakikipag kamayan niya.

"So i-celebrate natin to?"si Gladys na naka cross-arms sa tabi ni Shun.

"Hell yeah!!"si Nite sabay suntok sa hangin.

"Segi pero libre mo Nite."si Ga sabay taas nang kilay Kay Nite.

Nangunot naman ang noo ni Nite.
"Ha? bakit ako? masaya nga ako na ise-celebrate natin ang pag kapanalo ni Kiana at ang pag ka 1st placer namin eh, kasi libre tapos ako pa ang manlilibre, wow naman hiyang-hiya naman ako sayo nay.."depensa in Nite sa sarili.

"Oh, don't tell me ako, ako na nga tong palaging nanlilibre pag nanalo kayo o di kaya naka place kayo eh, kung Bangko palang ako matagal na akong na bankrupt, dahil sa ka lilibre ko."pagtataray ni Ga.

Bumuntong hininga nalang kami pare-pareho..

Sarap pag untugin..

Bigla namang sumabad si Gean.
"Kung libre ang pag-uusapan—."

"Bakit ikaw ang manlilibre?!"
Sabay sambit ng dalawa.

Umiling naman siya saka tinuro ang katabi niyang busy sa paglalaro ng cp.
"Nandyan naman si Ken."

Napahinto naman sa pag lalaro so ken saka bumaling Kay Gean.
"Anong ako?!"

"Eh may restaurant naman kayo diba? saka anak ka naman ng may-ari kaya libre mo."nakangiting sambit niya.

"Oo may restaurant nga kami pero kahit anak ako ng may-ari pinagbabayad din naman ako! tang'na ka! malapit na sana akong manalo eh, inistorbo mo pa akong langya ka!?"saka niya sinakal si Gean.

"Kasalanan ko ba—aray!!"dahil pinagbabatok at tinadyakan na siya in ken.

Dahil lang sa laro galit agad?
Ang babaw naman ng galit nito.

"O ikaw naman Nite, ikaw nalang ang manlibre para matapos—"di natuloy ang sasabihin ni Irene dahil inungusan na siya ni Nite.

"Anong ako ang manlilibre ayoko nga, over to my six pack abs."

"Yuck ikaw may six pack abs? I don't think so."pagtataray ni Ga

"Ah ganun gusto mong makita? Wala pala ah.."akma niyang itataas na niya ang shirt kaya pumikit nako..

"Libre ko na."malamig na nagsambit ni Shun.

Tumigil naman ang apat sa pakikipag argumento.

Gulat namang nagsalita si Ga.
"Sure ka? Libre mo?."

Simpleng tumango naman siya.

Ganun din si Ken
"Bro, may nakain kaba?."

Sinamaan lang ng tingin si Ken.

"Isang HIMALA!!"pang gagaya ni Nite kay Mrs. Nora Aunor.

Pinandilatan nalang ng mata si Nite.

"Peri bro, seryoso libre mo? this is the first time na ikaw ang nag insist na manlibre, may nakain kaba?"si Gean.

"Gusto nyo bawiin ko nalang?"
Malamig na sabi niya.

"Huwag na, huwag na, pagkakataon na to eh lubos lubosin na natin to Baka magbago pa ang isip neto."si Nite

ANONYMOUS NOISE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon