IRENE'S P.O.V
KASALUKUYAN akong naglalakad patungo sa kama ko. pinatuyo ko muna ang buhok ko bago humiga sa kama.
Hihiga na sana ako sa kama ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko.
Unknown no..
Kumunot naman ang noo ko.
Sino to?..
"Hello." Sambit ko sa cellphone.
"Hello ito ba si Irene Alcantara?." sa kabilang Linya.
Umupo naman ako ng maayos sa kama."ako nga po, sino sila?."
"Maaari bang pumunta ka rito sa paaralan sa principal's office may itatanong lang kami sa inyo."
"Inyo? may iba pa?"
"Yes, and please be hurry."
Pagkatapos namatay ang linya dali-dali along nagbihis saka nagpaalam sa parents ko.
Bakit naman ako tinawagan..
Saka ako tumingin sa wrist watch ko..9:25 pm.
Binaba ko naman ang payong ko bago Sumakay sa cab papunta sa paaralan saka dumeretso sa principals office.
Habang naglalakad ako habang nakapayong dahil sa lakas ng ulan. patungo sa destinasyon ko, diko maiwasang pag pawisan sa kaba at sa pagkalabog ng subrang bilis ang puso ko..
Punyetang tinapay!!!..
Ng nasa tapat nako ng office nagpakawala muna ako ng hininga bago pinihit.
Doon ko nakita sina Nite, Gean, Ken at Gladys sa kabilang banda at sa tapat naman sakanila ay ang may dalawang couple na nasa mids. 30s.
Yumuko naman ako sakanila saka pumunta sa banda nina Glads.
Tumikhim naman ang principal bago bumaling samin. "diba kayo ang mga kaibigan nina Mr. Silvan at Ms. Heusaft tama?."
Tumango naman ako. "ah, opo kami nga po, bakit po kami pinatawag dito?."
"Well, Ms. Alcantara, the parents of your friends reported that they are not yet home. At basi sa mga saksi magkasama pa kayo ni Ms. Heusaft sa labas ng silid niyo."
"O-opo magkasama pa po kami nun pero nagpaalam nako sakanya nun." depensa ko sa sarili.
Bumaling naman ang principal kina Nite. "kayo diba magkaklase kayo ni Mr. Silvan tama?."
Tumango naman si Gean. "opo magkaklase nga po kami."
"So ang ibig sabihin magkasabay din kayong umuwi?."
Tumango naman si Ken. "opo magkasabay po kami araw-araw pero.."
"Pero ngayon hindi po, ang sabi niya susunod lang saw siya samin at mauna na kami kasi may kakausapin lang daw siya." paliwanag ni Nite.
Tumango-tango naman ang principal bago bumaling Kay Gladys. "ikaw kabanda mo si Shun diba?"
Tumango naman siya."opo kabanda ko po siya."
"Nakita mo ba si Shun at Kiana sa loob ng school?"..
"Si Shun lang po ang nakita ko, mukha nga pong galit na galit sa kausap niya sa phone. Si kiana po hindi."paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
ANONYMOUS NOISE [COMPLETED]
Fiksi RemajaKiana Heusaft is a loving,caring and humble child. She loves music and instruments that her sister and brother teach how its use. She loves her siblings and parents,until one of these days everything went wrong. Her parents force her sister and brot...