COH : CHAPTER 8

932 46 5
                                    

-

"Are you feeling well now?" Tanong sa akin ni Haru nang makaupo siya sa tabi ko para samahan ako panoorin ang pag-agos ng tubig sa ilog.

Dinala ako ni Haru dito dahil baka gumaan ang pakiramdam ko sa ingay na nagmumula sa kalikasan at sa itsura nito.

Gumaan nga ang aking pakiramdam pero hindi ito sapat para mawala ang bigat nito.

"Yeah." I answered as I looked at the fish in the river. "Tell, why do we need to hurt each other?" Wala sa sarili kong tanong kay Haru na ipinagtaka niya.

"What do you mean?" Tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

Nilagay ko sa ilog ang aking daliri para salubungin nito ang agos ng tubig. "Bakit kailangan natin isugal ang ating dugo para lang sa isang bagay?" Tanong ko habang nakatingin sa kamay ko.

Natahimik si Haru sa aking katanungan pero nanatili siya sa aking tabi.

Bakit kailangan magkaroon ng labanan? Dahil utos lamang ito? Dahil sa kapangyarihan na utusan ang mga tao? Bakit hindi na lang magkaroon ng kalayaan?

Kalayaan na gawin ang kagustuhan maliban sa kasamaan.

"Selfishness?" Narinig kong bulong ni Haru. Napangiti ako ng kaunti habang nakatitig sa tubig ng ilog.

Selfishness huh?

"What do you think of the people?" Nagtaka muli si Haru sa tanong ko.

Kung ano-ano na ang sinasabi ko na halos hindi na maintindihan ni Haru ang punto ko. Hindi pa siya sumasagot ay umiling na agad ako sa kaniya.

"No need to answer. Let's go back." I said as I stood up.

Kahit naguguluhan si Haru sa akin sumunod pa rin siya sa akin ng tahimik. I am happy to have Haru in my side also Yuki and Ginou.

Kahit tatlo lamang sila sa tabi ko at kahit na wala na ang mga maraming tao na noon ay nasa likuran ko, masaya na ako kahit kakaunti na lang ang kasama ko ngayon.

Kahit tatlo lang ang nagmamahal sa akin. Ayos na ako at kahit Damnation lang ang nakakaalam na isa akong prinsesa ng Hikari Clan, masaya na ako.

Walang nakakakilala sa akin maliban sa mga taong nakatira sa Hikari. Hindi ako pinapalayo ng aking ama at hindi ako pinapalabas sa lupa ng Hikari.

Kahit nga siguro festival ng clan namin hindi ako pinapaalis. I was always watching the fireworks through the windows of my room.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ako palabasin ng aking ama pero kahit ganun, nirerespeto ko pa rin siya. Kahit na medyo nagtatampo ako sa kaniya. Kahit na mag-isa akong lumaki sa loob ng aking kuwarto.

Kahit na laging may mga taong nakatingin sa akin para masiguro ang kaligtasan ko. Kahit na buong buhay akong malungkot dahil sa utos ng aking ama. Wala akong magagawa kundi sumunod.

Ngayon na wala na sila, hindi ko alam kung masaya ba ako sa nangyari o hindi dahil nakamit ko na ang kalayaan na dati pinapangarap ko lang. 

"Amirah, pinapatawag ka ni Master Yato." Hindi ako nagulat sa sinabi ni Yuki. Inaasahan ko na ito at handa na ako.

Handa na ako umalis at tumayo mag-isa.

"Seriously?" I heard Haru's voice beside me. "Is he going to g--" I held Haru's shoulder to cut off him.

I smiled at him and I gave him a sign to leave me. At first he didn't want to leave me but later he left me. 

Tumungo na ako sa isang kuwarto kung saan dito naghihintay si Yato sa akin. Alam ko na papaalisin na niya ako at ano ang dahilan? Dahil mapapahamak lang sila sa akin.

Child Of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon