Damn, it's so hot. Summer is absolutely a hell.
Enjoy!
-
Naglalakad ako ngayon sa gitna ng daan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang daming tao dito kaya siguro sabi ni Hanabi matatagalan kami dito hindi lang pala sa lawak kundi sa dami din ng tao dito.
Kami? Mag-isa na nga lang pala ako ngayon. Licht left me alone and I don't even find a single reason for him to be mad! Except about the thing that I slapped him.
Hindi ko alam bakit ang laki ng galit ni Licht kina Haru. Kilala nga pala nila Haru si Kenzu at parang ang laki ng galit nila sa isa't isa. Ibig sabihin kilala din nila Haru, Yuki at Ginou sina Licht, Clid, Hanabi at Venus?
But I know Haru, Yuki and Ginou. They are not bad, they cared for me and helped me. They treated me as their family kaya bakit parang mas galit pa si Licht sa kanila kaysa kay Hanns? I really can't understand that guy.
"Where are they?" Bulong ko habang naglalakad pero napatigil din ako nang may mabangga akong isang babae. "Ah I'm sorry.." Sabi ko pero nagulat ako nang bigla akong samaan ng tingin ng babae.
"What's your problem huh?! Tingnan mo ginawa mo sa damit ko!" Sigaw ng babae at ipinakita niya sa akin ang damit niya. Nahulog ang kanyang inumin sa damit niya nang mabangga ko siya pero hindi ko naman sinasadya iyon.
"I already said sorry. Isn't that enough?" Nakaramdam ako ng inis nang itulak ako ng babae sa lupa kaya nakakuha kami ng atensyon. What the hell is this girl problem?
"Binangga mo ako at nahulog inumin ko sa damit ko kaya dapat mahulog ka din pero sa lupa." Nagulat ako sa sinabi niya at binigyan ko siya nang masamang tingin. Napaatras siya dala sa takot na naramdaman niya na aking nahalata sa kanyang mukha.
"I already said sorry and now you hurt me." Tumayo ako at balak na sana siyang lapitan nang may lumapit sa amin na isang lalaki. Kasamahan yata siya nitong babae na nabangga ko.
"What are you doing here?" Tanong ng lalaki sa babae at napatingin sa akin.
"This girl! Binangga niya ako! May galit yata siya sa akin dahil gusto niya ikaw agawin sa akin!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae. Baliw ba siya?
"I never said anything like that." Sabi ko sa kanila.
"Miss, pwede bang umalis ka na lang." Napalipat ang aking tingin sa lalaki nang magsalita siya. "At wala akong balak na iwanan siya para sayo kaya pwede bang umalis ka na lang."
I clenched my fist from the anger I felt. Baliw din yata itong lalaking ito eh. Parehas silang baliw nitong babae.
Tamang-tama talaga sila sa isa't isa.
"Excuse me, wala akong gusto sa lalaking katulad mo." Inis na sabi ko sa lalaki. "At wala akong balak na agawin ka dahil mayroon na akong lalaki na mas guwapo pa kaysa sayo."
Ito lang ang naisip kong paraan para manahimik sila at hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko ang mukha ni Licht. Stop thinking about that guy, Amirah. He left you.
"Talaga ba?" Mataray na sabi sa akin ng babae.
"What are you doing here?"
Napalingon agad ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Licht. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya. What is he doing here? I thought we're done?
"Excuse me, sorry for making a trouble." Napatingin ako kay Licht nang sabihin niya iyon sa dalawang taong kaaway ko.
I looked at them and their face was priceless when they saw Licht, and they left immediately. Inirapan ko ang babae at lalaki nang umalis sila sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Child Of Hell
Action"You are a demon... like us." [ COMPLETED ] Her name is Amirah, the daughter of the leader of the Hikari Clan, also known as their princess. In all of her life, there are something not enough. She couldn't do what the other people do. She was forbid...