Nagising ako dahil sa kakaiba kong nararamdaman. Pakiramdam ko may nakatitig sa akin kaya iminulat ko ang aking mata at bumangon agad ako para tingnan ito, pero nagulat ako nang makita ko si Licht na nakatayo sa may pintuan.
"Get ready. I will wait for you outside." Sabi niya sa akin nang makita akong gising. Tumango ako sa kaniya kaya umalis na siya para hintayin ako sa labas ng kuwarto.
Mabilis na nagbihis ako dahil sa hiyang naramdaman ko. Nandito ba siya kanina pa? Matagal ba siyang naghintay na magising ako? W-Wait... Bagong gising ako baka ang sama ng itsura ko.
Pumunta ako sa salamin para tingnan ang mukha ko pero ayos naman. Nang matapos ako magbihis, buti na lang may iniwan silang damit dito para sa akin. Lumabas na ako dahil ayoko na paghintayin pa si Licht.
"Follow me." Ang sabi niya nang makalabas ako, sinunod ko siya. Nasa likod niya lang ako habang nasa unahan ko siya. Napatingin ako sa kaniyang likuran.
He's really handsome...
Umiwas agad ako ng tingin dahil sa nasabi ko sa isipan ko. What are you saying, Amirah?
"They are here! They are here!" Narinig kong sigaw ni Clid bago kami pumasok sa isang kuwarto. Pagkapasok namin lahat sila nakatingin sa amin ni Licht at nakangiti.
"Face, perfect!" Venus said. What?
"Height perfect!" Clid said. Huh?
"Attitude.. Hmm.. I don't think so. Sungit ni Licht." Sabi ni Kenzu habang nakatingin sa amin. What are they saying?
"Ignore them. They're just jealous because they are single." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Licht pero tumango na lang ako. Lumapit na ako sa kanila at umupo sa isang upuan na katabi ni Licht.
"Single, huh?" Nakangising sabi ni Clid habang nakatingin kay Licht.
"So are you saying you aren't single anymore?" Tanong ni Kenzu na katabi ni Licht. "Parang dati ayaw mo sa kaniya nung una natin siya nakita ah?" Ngumisi siya at tumingin sa akin. Binigyan ko siya nang nagtatakang tingin pero ngumiti lang siya sa akin.
"Did you sleep well?" Napatingin ako kay Hanabi na nasa harapan ko nakaupo. Nakangiti siya sa akin nang matamis. Naalala ko na siya ang gigising sa akin? Binigyan ko kaagad nang masamang tingin si Hanabi.
Tumawa si Hanabi. "I'm sorry pero ako talaga gigising sayo pero si Clid at Kenzu mapilit eh." Nakangiti niyang sabi sa akin. Nagbuntong-hininga na lang ako tsaka tumingin kay Licht.
"When are we going?" Tanong ko at lahat sila ay napatingin sa akin, at nagseryoso. I want to go now then save them and stop them.
"We will leave this afternoon." Nakaramdam ako nang saya sa sinabi ni Licht pero nagtaka din nang makitang seryoso ang apat.
"Are you sure, Licht? Kaya mo mag-isa?" Nag-aalalang tanong ni Venus. "Pwede mong isama si Clid." Dagdag pa niya bago tumingin kay Clid.
"I will just look after her." Licht said in a serious tone.
"Bago makarating sa Shoku Clan, may tatlo kayong madadaanan na lungsod. Kung sa Oscuro Clan kayo pupunta, mas lalo kayong matatagalan dahil ang Oscuro Clan ay nasa isang isla at malayo dito." Paliwanag ni Clid sa amin.
"Nagsanib ang dalawang clan, Shoku Clan at Oscuro Clan. Dahil ang gamot ay nasa Shoku Clan, silang dalawa ay nasa teritoryo ng Shoku. Tama ba ako, Kenzu?" Tumango si Kenzu sa tanong ni Hanabi.
"Ang Oscuro Clan ngayon ay nasa Shoku Clan. Hinahanap pa nila ay kulang na sangkap sa gamot." Sabi ni Kenzu kaya nakaramdam ako nang galit.
Dahil wala akong alam sa lugar dito, hindi ko alam na matagal pala ang lalakbayin namin ni Licht. Tatlong lungsod pa bago makapunta sa Shoku Clan? Kaya ko kaya? No, I can do this. I will avenge for my Father and my Clan.
BINABASA MO ANG
Child Of Hell
Action"You are a demon... like us." [ COMPLETED ] Her name is Amirah, the daughter of the leader of the Hikari Clan, also known as their princess. In all of her life, there are something not enough. She couldn't do what the other people do. She was forbid...