COH : CHAPTER 23

588 34 0
                                    

"H-Haru?"

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung sasaya ba ako o maiiyak nang makita ko siya.

"Amirah?" Hindi makapaniwala niya na tawag sa aking pangalan. "I-I thought you are..."

"I'm glad y-you're okay."

Halos maiyak ako dahil hindi ko alam kung namamalikmata ba ako na nandito sa harapan ko si Haru o hindi.

"This place is not safe for you, Amirah." Sabi niya sa akin pero umiling ako.

"I came here to find you and Yuki... Ginou." Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Amirah..."

"Haru, ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinasaktan ni Hanns? Si Yuki at Ginou? Ayos lang ba sila?" Sunod-sunod kong tanong kay Haru pero nanatili lang siyang tahimik.

"Naglakbay ako hanggang dito para puntahan kayo, para iligtas kayo nila Yuki at Ginou. Alam ko ang masamang plano ni Hanns, Haru! Kaya please."

Hindi ko alam pero pakiramdam ko biglang tumahimik ang paligid namin.

"Haru, huwag na kayong sumama kay Hanns. Mapapahamak lang kayo. Please, sumama kayo sa akin. May masamang plano si Hanns, H---"

"Amirah!"

Nagulat ako sa biglaang sigaw ni Haru sa aking pangalan.

"Please... stop."

"Huh? Anong ititigil ko, Haru? Nandito ako para iligtas kayo."

Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay nang bigla niya akong itulak. Bumagsak ako sa lupa, hindi ako makapaniwalang ginawa sa akin ito ni Haru.

"H-Haru?"

"Amirah, stop."

Dahan-dahan akong tumingin sa lalaking nasa harapan ko.

"Sana hindi ka na lang sumunod, Amirah."

Nakaramdam ako na parang sinaksak ang aking puso sa narinig ko. Sana hindi na lang ako sumunod? Why?

"Tumigil ka na. Huwag ka ng sumunod pa." Naramdaman ko na paalis na si Haru kaya tumayo ako at hinabol siya.

"Haru, w-wait..."

"Ano ba!" Itinulak na naman niya ako pero hindi na ako nahulog. "Sabi ko huwag ka ng sumunod pa!"

Nagulat ako sa pag sigaw niya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"W-Why are you being l-like this, Haru?" Natatakot kong tanong sa kanya. Hindi ko pa siya nakikita na ganito at ang kilala kong Haru ay hindi ganito. Mabait siya sa akin.

"Sana hindi ka na lang nagpakita, Amirah! Sana nanatili ka na lang patay sa isipan namin! Kung sana ganun, hindi ka sana mas lalo mapapahamak!" Sunod-sunod akong nakaramdam ng sakit sa aking puso. This is not Haru... He is not Haru.

"Sana hinayaan mo na lang kami!"

"Kung hahayaan ko kayo, maraming tao ang mapapahamak!" Hindi ko na rin mapigilan na sumigaw.

"Maraming tao ang mapapahamak sa plano ni Hanns! At kapag ibinigay ninyo ang dugo ko sa Shoku Clan at Oscuro Clan, mas lalong mapapanganib ang buhay ng iba!"

"Bakit may pakialam ka sa tao?! Tao ang mapapahamak! Hindi ka tao, Amirah!" Natigilan ako sa sinabi ni Haru. "Hayaan mo na kami, Amirah! Mamuhay ka na lang ng tahimik para hindi ka na mapahamak pa."

"Then... just tell me."

"Ano pa ang sasabihin ko sayo, Amirah? Wala na akong dapat sabihin sayo."

Child Of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon