Chapter 001 | Elisha's POV
Tumatakbo ako ngayon paakyat sa ikatlong palapag ng building namin dahil na late na naman ako ng gising, si mama naman kasi hindi naman ako ginising dahil ang akala niya wala na akong pasok kesyo Sabado na rin naman daw. Nakakairita.
Saktong malapit na ako sa room namin ng tumigil ako't hinabol ko muna yung hininga ko at inayos ang buhok kong naging sabog na at ang damit ko, pati na rin yung mga dalang gamit ko. Nung nasa tapat na ako ng classroom ay kumatok ako.
Pagpihit ko ng pintuan ay lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa'kin, kaagad kong tiningnan si Mrs. Vie at nakatingin na pala siya sa akin ng masama. Kaagad niya akong tinaasan ng kilay.
"Good morning Mrs. Vie, I'm really sorry I'm late." Panimula ko, hindi pa ako nakakahakbang dahil baka mamaya hindi pala ako wine-welcome ni ma'am kaya nanatili muna ako sa labas.
"Come in. Actually your too early for the next subject." Kaagad akong nakarinig ng hagikhikan mula sa mga kaklase ko, kaagad akong napayuko at pumunta nalang sa upuan ko, kaasar napahiya agad ako. Napakagandang bungad ng umaga sa'kin.
Ang daming sinabi si Mrs. Vie, pero kahit isa wala manlang akong naintindihan at natandaan, pasensya na ho, inaantok lang ako. Noong lumabas siya ay kaagad akong linapitan ni Jullienne, kaibigan ko.
"Anyare sa'yo teh? Mukhang sinasanay mo na yung sarili mong palaging late ah?" Sita niya sa nangyari sa'kin kanina.
"Wala, si mama kasi hindi kaagad ako ginising." Tumango nalang siya't ang dami niyang kwinento, at palagi niyang binabanggit yung si Kyle daw. Hindi ko naman kilala yung sinasabi niya kaya tango lang ako ng tango. Okay na yun diba? Supportive paring klaseng kaibigan yun.
"Nga pala Elisha, merong pa party sa bahay namin sa Tuesday, punta ka ha? Matagal ka ng hinahanap sa'kin nila Mommy at Ate kaya sana makapunta ka. Ako kasi plagi ang kawawa kapag hindi ka na nila nakikita." Napaisip ako bigla sa sinabi ni Yen, wala naman sigurong masama kung dadalo ako diba?
"Sure, na miss ko na rin naman sila eh, ikaw nalang magpaliwanag ah?" Tumango lang siya't ang dami na naming napag-usapan at tuluyan ng nawala sa isip ko yung antok ko, hanggang sa matapos ang dalawang subjects namin ay lumulutang parin sa kung saan ang utak ko.
Pagka break namin ay sabay pa kami ni Yen na lumabas at bumaba ng building. Maghihiwalay na kasi kami dahil iba naman yung kursong kinuha niya at isang klase nalang ang meron siya habang ako, isang oras ko pang vacant at huling klase ko nalang para ngayong umaga ay magsisimula sa 10:30 hanggang sa 12 noon.
Nakapagdecide nalang akong tumambay sa Library tutal hindi ako kanina nakinig sa mga lectures kaya ako nalang mismo ang magtuturo sa sarili ko, korni pero wala na akong choice, kung kinakailangan kong magmarunong para matuto, edi gagawin ko na. Ba't pa ako aarte diba? Di naman tayo kagandahan. Charot. Maganda po talaga ako, sabi nung mga taong pumupunta sa bahay namin tuwing may okasyon.
Nag sign in ako sa attendance slip at kaagad na pumunta sa reading section at naupo sa upuan, kinuha ko ang mga libro ko at nagsimula ng magbasa, habang nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ay hindi ko maiwasang mairita sa mga nasa likuran kong mga maiingay.
"Hoy Sedric, hanngang ilang rounds ba yung nagawa niyo kagabi ni Mika?" Sinundan pa iyon ng tawa kaya kaagad akong kinilabutan. Hindi naman kasi ako ganoon ka inosente, kahit papaano ay alam ko kung anong pinag-uusapan nila.
"Hm? Just 4, she's weak so I stopped. Baka kasi maulit yung nangyari last week na may nahimatay dahil sa pagse-sex namin." Kaagad akong napasinghap sa sinabi niya't umiling nalang nagbabakasakaling mawaksi sa isipan ko yung sinabi niya.