Chapter 004| Elisha's POV
Nasa canteen ako ngayon dahil hinihintay kong dumating si Jullienne, marami raw siyang ibabalita sa akin, dapat daw kasi may date kami kahapon ng hapon pero dahil nga nasa ibang bahay ako ay tinaggihan ko muna siya kaya pambawi ko nalang daw to sa kaniya.
"Hi teh, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Chaka ka, ang aga aga ang haba ng baba mo, smile gorl." Sabi niya at sinampal ako sa mukha ng mahina, kaagad kong tinabig ang kamay niya na ikinatawa niya.
"So first of all, before I start my storytelling, tell me why didn't you come with me yesterday." Sabi nito at uminom ng juice niya, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin yung pati kanila Dentrix.
"Wala, alam mo naman kahapon lang kami nakumpleto tapos pumunta kami sa Charity Home." Sabi ko at iniwas ang paningin sa kaniya.
"Ah kaya pala nakita kita kagabing binaba ka ni Dentrix sa bahay niyo." Kaagad ko siyang tiningnan kung seryoso ba siya o hindi pero nakangisi lang siya sa'kin na tila nang-aasar pa.
"What? Anong pinagsasasabi mo dyan, baliw ka na yata." Pagtatanggi ko kaya ay inungutan niya ako, "Wag ako teh, hindi ako bulag para hindi makita yung kagabi, sakto kasing idadaan ko sana sayo yung pasalubong ko pero nakita ko yung kotse niya sa harap ng bahay ninyo at sabay kayong lumabas. So ano, itatanggi mo pa?" Mahihimigan kong naiirita na siya kaya sumuko na ako at nagsabi ng totoo.
"Ok fine, magkasama kami buong maghapon but it was accidentally." Sabi ko at siya namay tumawa, "Tsaka isa pa nga pala... may nakita pa ako." Kaagad nag humarentado yung dibdib ko sa sobrang kaba.
"A-ano..." mahina kong sabi at siya namay sumimsim muna sa juice niya na tila nang aasar pa at kinindatan ako, "Hindi ka na virgin no?" Sabi niya at sinundan ito ng malakas na tawa, kaagad ko siyang sinuway.
"Teka lang kasi, hahahahaha, what I mean is, hahaha hindi virgin na natuhog ka na ni Dentrix pero yung hahahaha." Kaagad ko siyang linapitan at tinakpan na yung bunganga, ang lakas na kasi ng boses niya at napapatingin na sa'min yung ibang tao, nakakahiya.
"Tangina naman Jullienne, ayusin mo nga yung mga sinasabi mo. Palibhasa kasi hindi ikaw yung napapahiya." Sabi ko kaya ay umawat na siya at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko na siya. "Tsh, fine sorry okay. Makapagmura naman to ang lutong, mas malutong pa sa halikan ninyo kagabi." Sabi niya at tumawa na naman.
Bumalik ako sa dati kong pwesto at hinayaan nalang siya at nanahimik na, kapag ako talaga mamuro sa kaniya iiwanan ko na talaga siya dito mag-isa, dahan dahan namang humina yung tawa niya hanggang sa tuluyan na siyang tumigil. Tumingin siya sa'kin ng may halong pangangantyaw kaya hindi ko napigilang irapan siya.
"Hindi teh, biro lang. Pero seryoso anong nangyari kagabi? Syempre alam mo na, side view lang ako sa moment tas nasa loob pako ng sasakyan ko. Care to share?" Sabi nito at inubos na yung juice niya, kagaya ng gusto niya ay sinabi ko lahat mula nung nagsimba kami hanggang makilala ko yung pamilya ni Dentrix. Pero gindi ko na binaggit yung tungkol sa nakaraan ng subdivision maging ang tungkol sa nawawalang kapatid ni Dentrix.
"Talaga sis? Nasa isang exclusive subdivision sila? Lintek naman paala sa yaman yung pamilya nila, eh anong ginawa niyo kagabi?" Sabi niya at kumurba na naman sa labi niya ang nakakaasar na ngiti. "He offered to drive me home since ang lalim na ng gabi, after that nung makababa kami, yes we kissed but hindi literally kissed na kagaya ng iniisip mo." Sabi ko at bumuga ng hangin.
"Naks naman, ang lalim ng hiningang yun ah, but please enlighten me. Nag kiss kayo pero hindi kiss na kiss? Ano yun?" Akala ko ba matalino to? "It's just a friendly kiss. Sa cheeks yun tumama okay, besides halatang matinong tao yung lalaki so why think that way?" Sabi ko at hinalungkat ang bag ko.