Chapter 011| Elisha's POV
It's actually Friday at kakatapos lang ng presentation namin sa article namin, and it's a good thing na nagustuhan nila ang nagawa naming article, natapos namin siya kahapon pa. Masaya kaming apat ngayon na nagdidiwang sa achievemnent namin, maganda rin naman daw ang nabuo nila Lake pero hindi yung sa kanila ang kukuhanin para ilagay sa isang magazine.
It's a great deal once na nakuha nila ang nagawa namin, "Congrats girls!" Sabi ni Ferris at lumapit kay Fawn kaya napangiti ako, ang cute nilang dalawa kapag pinagsama, "Baka gusto niyong magpakain dyan? It's friday night anyways. Vintage tayo?" Kaagad akong napatingin kay Lake at inirapan lang ako ng intsik kaya natawa nalang ako.
"Let's go!" Sigaw nilang lahat kaya yung ibang tao na napapadaan ay napapatingin sa'min, nagkaniya kaniya muna kaming pasok sa office para iligpit ang mga gamit namin, hindi ko alam pero nae-excite ako at kinakabahan, first tine ko kasing makapasok sa isang Club, biglang may kumatok sa pintuan ko at nung binuksan ko yun ay si Lake ito.
"Congrats Isha, are you nervous earlier during the presentation?" Tanong niya at naupo sa swivel chair ko, napanguso nalang ako bago siya sinagot, "Halata ba? Hindi ko kasi mapigilan but atleast it goes so well, congrats din sa inyo, marami pa namang chances."
"It doesn't matter at all, what's important for me is your happiness. At least all of your efforts are worth it, good job. Keep it up." Nung tumayo siya ay lumapit ako at yinakap siya ng mahigpit, nagpasalamat ako dahil kung hindi dahil sa kaniya malamang hindi ako magiging ganito ka saya.
"It's okay, diba nga sabi ko. Yun lang naman yung iniisip ko, yung kasiyahan mo." Napangiti nalang ako at nagpatuloy na sa pagliligpit, maya maya lang ay nag-aya na si Lake na lumabas na kami at sakto namang palabas na rin sila, kaagad silang ngumiti ng nakakaloko ng makita nila kami ni Lake na magkasamang lumabas sa office ko, napailing nalang ako at sa mga babae nalang sumama.
"Hm, so ano yun? Ide-deny mo parin sa'min na hindi kayo ni Lake? Eh halata kayang ang saya saya niyong dalawa. Mga echos kayo." Natawa ako sa sinabi ni Fawn hanggang sa hindi na sila tumigil sa kakaasar sa'kin, sabay kaming walong pumasok sa elevator at alam kong sinasadya nilang maidikit ako kay Lake.
Nung makalabas kami ay hinampas ko agad sila kaya tinawanan lang nila ako, palabas na kami ng building ng may mamukhaan akong lalaki na nakaupo sa isang upuan, nakayuko siya at meron siyang dalang bulaklak, nakakapagtaka namang susugod si Cyan dito ng 9:30 ng gabi.
Sumipol si Kaia at tumingin kay Fawn, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nandito si Cyan, malamang ay hindi parin nita tinitigilan si Fawn. Napatingin rin ako kay Lake at siya nama'y napailing nalang, kaagad kong napansin ang paglapit ni Ferris at inakbayan si Fawn, I don't know pero kahit cute sila ang weird sa pakiramdam na one day ay magiging sila.
"Don't worry, magpinsan si Fawn at Ferris." Napailing nalang ako ng malamang magpinsan pala sila, sayang bagay pa naman sana sila. "Ferris never likes Cyan for Fawn, same as me, pero noong una sana pwede pa. Pero hindi kasi siya nakakaintindi, hm by the way, did you talk to Lake about this?" Napasapo ako sa noo at umiling, napangiwi siya sa'kin.
"Nakalimutan ko na kasi eh, I'm sorry Kaia, but maybe later I'll talk to him." Tumanho lang siya at sinabi niyang naiintindihan niya ako, dalawang araw ko ng hinahanap si Dentrix sa campus pero hindi ko talaga siya mahanap hanap dahil isasauli ko na sana yung flashdrive. Nakakapagtataka namang hindi niya ako hinahanap para isauli yung flashdrive ko.
"H-hi Fawn... pasensya na kung ngayon lang ulit kita napuntahan, ang dami ko pa kasing ginawa--" kaagad naputol ang dapat sasabihin ni Cyan ng magsalita si Ferris, "Isn't much better if you'll not come here again?" Hindi ko alam pero bigla akong nairita sa ginawa ni Ferris, masyado naman siyang harsh kay Cyan.