Chapter 013| Elisha's POV
Kahapon ay hindi naging maganda ang usapan namin ni Lake, pero mabuti na ngalang at hindi siya kagaya ng ibang tao, naintindihan naman niya daw ako pero nakakapagtampo lang daw talaga kaya ayun, pambawi ko nalang daw sa kaniya yung outing namin ngayon.
Actually nasa sasakyan niya na ako ngayon, nasa labas pa siya kasi may kausap pa siya, wala nga akong idea kung saan kami ngayon pupunta eh, mukhang maganda namang lugar yun kaya hindi na ako nababahala.
Pagpasok niya ay tumingin siya sa'kin bago ngumiti, "You ready? Don't worry, this is a surprise, you can sleep, after all it's still 4:30 in the morning." Oo tama si Lake, 4:30 palang ng umaga, sabi kasi niya, kung magtatagal pa kami ay baka tanghali na kami makakarating sa destinasyon namin, sinunod ko nalang ang gusto niya'ng matulog ako.
___
Nagising nalang ako ng may tumapik sa mukha ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni Lake kaya ngumiti nalang ako pabalik, "Good nap? We're here." Nagpalinga muna ako ng makita kong nasa port kami, hindi naman sobrang laki na kagaya ng literal na port pero para lang siya sa mga yatch at iilang maliliit na bangka.
"Sasakay din tayo dun?" Manghang tanong ko kay Lake at napatawa naman siya ng bahagya, "Yes of course, besides, this is what you wanted from tbe very beginning, I just want to make you happy." Sasagot na sana ako ng may magsalita sa likuran na talagang ikinagulat ko.
"You know, you don't have to flirt like that right in my front, mga malalandi." Tumingin ako sa nagsalita at umiling, "Hindi landian tawag dun, ma-issue kalang kasi talaga Cyan."
"Bakit, wala ba talagang issue yan, ha Zariah?" Natawa ako dahil sa mga inaakto ni Cyan, never thought we can go back to the way we used to be, it's overwhelming, my hearts actually happy right now. "Pero sis, na miss kita." Sabi niya at ngumiti, sinuklian ko naman yun, "Ako rin sis." Sabay kaming natawa at napailing nalang din ako.
"Alright, that's enough. Marami pang naghihintay sa'tin." Kaniya kaniya kaming labas ng sasakyan at sumunod lang ako kay Lake, sa tabi ko si Cyan na halatang inoobserbahan ang paligid, "Ano to, zombie town, wala namang katao-tao, nagloloko ka na naman ba intsik?" Busangot niya'ng tanong kaya hindi ko mapigilan ang matawa ng bahagya.
"I'm not Cyan, hindi kasi ito ang destinasyon natin, papunta palang tayo. Calm your ass." Inakbayan nalang ako ni Cyan at nag-usap kami, seryoso to, na-miss ko talaga siya. Sa kanilang apat kasi noon, siya lang talaga ang close ko at si Dyson, mahirap kasing kausapin si Flint dahil kay Lake lang naman siya kumakapit.
Isang dahilan kung bakit si Cyan ang pinaka close ko ay dahil dati siyang boyfriend ni Jullienne, sayang nga na naghiwalay pa sila pero wala eh, pinag-usapan naman nila't napagkasunduan. Kaya kahit nakakapanghinayang, hinayaan ko nalang, simula din nung nabuwag sila nahirapan akong mag-adjust kaya labag man sa loob ko, iniwasan ko na rin si Cyan. Salamat nalang at sinabi niyang naiintindihan niya ako.
"Hey sis, I'm actually talking to you okay? Please don't ignore me." Sabi niya at tinulak ako ng mahina, "Baliw, naalala ko lang kasi dati, yung mga pinagsamahan natin nila Dyson tsaka..." ngumisi siya dahil naka halata siguro siyang nagaalin langan parin ako.
"Si Yen ba? Don't feel uncomfortable, it's alright, it's already okay. Feel free to speak up." Tumango ako at nagpatuloy sa pagsasalita kahit na nao-awkward parin ako. After all, hindi rin biro ang hindipagpapansinan ng mahigit dalawang taon.
"So as I was saying, naalala ko lang yung samahan natin noon. I also miss Dyson, wishing he's actually here with us." Inakbayan niya ulit ako bago bumuntong hininga, "I hope as well, but little did they know that I'm already hanging out again with Lake. They're still, uh how could I say this? Ah basta, hindi pa sila handang makausap ulit si Lake." Tumango lang ako at napalabi, ganoon na ba talaga ka imposimbleng maibalik yung dating samahan nila?